Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

3 arestado sa buy-bust sa Quezon

$
0
0

ARESTADO ang tatlong drug suspects sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Quezon police Director Sr. Supt. Rhoderick Armamento, ang unang suspek na si Ricardo Mojico, 34 anyos ay nadakip sa buy-bust operation sa Barangay Cotta sa Lucena City.

Si Armamento na itinuturing na “notoryus” sa pagbebenta ng shabu ay nakuhanan ng sachet ng ipinagbabawal na gamot na tumitimbang ng tatlong gramo at nagkakahalaga ng P5,550.

Naaresto rin sa hiwalay na operasyon si Allan Avila, 36 anyos nang salakayin ang kaniyang bahay sa Barangay Sta. Maria sa bayan ng Calauag. JOHNNY ARASGA


Bebot sa freezer kumpirmadong Pinoy

$
0
0

KUMPIRMADONG isang Pinay ang natagpuang patay at paupong itinago sa loob ng isang freezer na nasa loob ng isang abandonadong apartment sa Kuwait kamakailan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakatanggap na siya ng ulat na ang bangkay na nadiskubre ay ang Pinay domestic helper na si Joanna Daniela Demapilis, 44, tubong Iloilo.

Pinaniniwalaan aniyang suspek sa pagpatay kay Demapilis ang kanyang mag-asawang amo, na ang babae ay isang Syrian at ang lalaki namam ay isang Lebanese.

Sinabi ni Bello na kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek at posibleng kaagad na maaresto ang mga ito dahil tukoy naman ng mga awtoridad ang address ng mag-asawa sa Lebanon at nakaalerto na rin sila sa International Police.

Ayon kay Bello, inaasikaso na rin ng pamahalaan ang repatriation sa bangkay ni Demapilis ngunit bago ito maisagawa ay kinakailangan munang maisailalim ang bangkay sa DNA tests at awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Hinala naman aniya ng mga awtoridad na posibleng mahigit isang taon nang nakalagay sa freezer ang bangkay ng biktima dahil taong 2016 pa nang abandonahin ng mga suspek ang apartment kung saan natagpuan ang bangkay.

Natuklasan din ng pamahalaan na bago iniulat na nawala si Demapilis ay dati na itong nagreklamo na hindi pinapasweldo at sinasaktan pa ng kanyang mga amo.

Hinala naman ni Bello na napatay sa bugbog ng amo ang biktima at inilagay sa freezer upang itago ang krimen.

Kaugnay nito, umaasa si Bello na hindi makakaapekto sa desisyon ni Pang. Duterte hinggil sa deployment ban sa Kuwait ang kaso ni Demapilis dahil hindi naman Kuwaiti ang employer ng biktima.

Una nang ipinag-utos ng pangulo ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga bagong Pinoy workers sa Kuwait dahil sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Pinay DH doon, na nagresulta sa kanilang kamatayan.  MACS BORJA 

Driver inutas ng kainuman

$
0
0

PATAY ang isang driver makaraang pagsasaksakin ng kanyang kasamahan matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Norberto Ramota, 58, separated, driver ng Borja Street, Marcos Compound, Bgy. Pasong Tamo, QC na namatay noon din dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Nadakip naman ang suspek na si Raul Palangan, alyas Doming, 40, binata, construction worker ng Espiritu Compound, Bgy. Pasong Tamo, QC.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa Borja Street, Marcos Compound, Bgy. Pasong Tamo, QC.

Sinabi sa ulat na masaya pang nag-iinuman ang biktimang si Ramota at ang suspek na si Palangan sa labas ng kanilang barracks nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ayon sa ulat, habang nagtatalo ang dalawa ay bumunot ng patalim ang suspek saka sunod sunod na inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib at ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Barangay Public Safety Office ng barangay Pasong
Tamo at nadakip ang suspek.

Kasalukuyan ngayong nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek at nahaharap sa naturang kaso. SANTI CELARIO

Bangko sa QC, nilooban

$
0
0

NAGADLANGAN ng mga pulis ang panloloob ng mga kawatan sa Diliman branch ng Bank of Commerce sa Masaya St. cor. Commonwealth Ave., Brgy. Old Capitol, Quezon City.

Dalawang persons of interest ang hawak ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 9, na pinaghihinalaang kasama sa mga nanloob sa naturang bangko.

Walang guwardya ang naturang bangko, pero mayroon itong alarm system na tumunog nang makapasok ang mga kawatan, kaya naalarma ang mga nasa kanilang head office.

Dito na nakatanggap ng tawag ang QCPD Station 9 mula sa Bank of Commerce pasado alas-3:00 ng madaling-araw, na agad nilang nirespondehan.

Ayon kay Station 9 commander Supt. Alex Alberto, pagdating ng kanyang mga tauhan ay may mga nadatnan pa silang nagpulasang mga tao mula sa bangko na nakarinig sa kanilang pagdating.

Dahil dito, nakipaghabulan pa sa mga ito ang mga pulis sa kalsada at dalawa sa mga persons of interest ang kanilang naimbitahan sa presinto para maimbestigahan.

Paliwanag ni Alberto, binutasan ng mga kawatan ang pader ng bangko na kakasya ang isang tao.

Nadatnan din nilang sira ang kisame ng bangko dahil tinangka ng mga magnanakaw na sirain ang alarm system at ang CCTV nito.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pulis, tanging ang vault na naglalaman lang ng mga dokumento at papeles ang nabuksan ng mga suspek, at wala naman silang natangay na pera dahil hindi pa nabubuksan ang cash vault.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan sa pamamagitan ng kuha ng CCTV at mga fingerprints.

Ipinagtataka rin ng mga pulis kung paano nagawang butasin ng mga suspek ang pader gayong ayon kay Alberto ay makapal ang pagkakagawa rito.

Pinuri naman ni Alberto ang gamit na security system ng bangko dahil kahit na walang security guard na nagbabantay ay agad silang naalarma sa pagpasok ng mga magnanakaw dahilan para mabilis na matimbrehan ang mga pulis. JOHNNY ARASGA

Menor na nakapatay ng 15-anyos sa Malabon, sumuko

$
0
0

ISANG miyembro ng street gang na sangkot sa pagpatay sa isang 15-anyos na binatilyo ang sumuko sa mga awtoridad kaninang umaga, Febuary 10,sa Malabon City.

Ayon kay Malabon Police Community Precinct (PCP) 7 commander S/Insp. Johnny Baltan, ang 16-anyos na binatilyo na sumakasak at hindi na muna pinangalanan na nakapatay sa biktimang si Joshua Cortes, ng Uceco St., Brgy. Baritan ay personal na nagtungo sa kanyang opisina pasado alas-7:00 kahapon ng umaga para sumuko makaraang mabalitaang napatay niya ang biktimang kanyang sinaksak.

Ayon sa kay PO2 Mary June Belza, Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), naganap ang insidente pasaado alas-2:30 kahapon ng madaling-araw sa harap ng General’s Place sa kanto ng Gen. Luna at Borja St., Brgy. Baritan.

Ayon sa pinsan ng bitkma na si Erron Samson, naglalakad sila sa kahabaan ng Gen. Luna St. nang harangin sila ng suspek na sakay ng motorsiklo at kinompronta at humantong sa mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo, biglang bumunot ng patalim ang suspek at agad na sinaksak si Cortez sa kanang kili-kili kung saan agad namang humingi ng tulong si Samson sa kanilang mga kaibigan na nagdala sa biktima sa Ospital ng Malabon.

Ayon kay duty officer S/Insp. Rosalitt Avila, naubusan ng dugo ang biktima na naging resulta ng kanyang kamatayan. ROGER PANIZAL

Holdaper tiklo sa Makati

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang lalaking nangholdap sa Brgy. Palanan, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Eman Perez, 36, taga-Pasay City.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsasagawa ng Oplan Sita ang ilan sa kanilang mga pulis nang lumapit sa kanila ang tatlong katao at idinulog ang panghoholdap sa kanila ni Perez.

Kwento ng mga biktima, sakay sila ng dyip na biyaheng Pasay nang sumakay ang suspek at tutukan sila ng patalim. Tinangay nito ang mga cellphone ng mga biktima.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Makati City Police na nagresulta sa pagkakaaresto kay Perez.

Nabawi naman mula sa suspek ang mga cellphone. Mahaharap si Perez sa kasong robbery-holdup at illegal possession of deadly weapon. JOHNNY ARASGA

2 snatcher niratrat, 1 patay

$
0
0

PATAY ang isa umanong notoryus na holdaper habang sugatan ang kasamahan nito at isa pang lalaki na nadamay matapos ratratin ng riding-in-tandem habang nakatayo sa tapat ng lumang gusali ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Port, Area Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Melchor Ferreras alyas Nanak, nasa hustong edad at walang permanenteng tirahan.

Sugatan naman matapos tamaan sa pisngi ang kasama nitong si Ronaldo Rosimo, 38, ng 12th St., Port Area, Maynila at sa katawan naman tinamaan ang isa pang biktima na nadamay na si Jomar Kason, 31, taxi driver, na kasalukuyang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital.

Dakong 5:45 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa may Anda Circle malapit sa Old BIR Building sa Port Area.

Nabatid na nakatayo lamang ang mga biktima sa lugar nang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ng kaangkas nito.

Tinamaan sa pisngi si Rosimo habang nakatakbo si Ferreras pero hinabol siya ng mga suspek saka pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Habang nadamay naman pamamaril si Kason na noo’y nasa nasabing lugar.

Nalaman sa nakuhang impormasyon na notoryus na snatcher si Ferreras at Risimo kung saan kalalaya pa lamang noong nakaraang buwan sa Manila City Jail(MCJ).

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Archangel Funeral para sa awtopsiya at safekeeping. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

13-anyos na nabakunahan ng Dengvaxia, tigok

$
0
0

WALA pang tatlong buwan simula nang mabakunahan ng Dengvaxia ang isang 13-taong gulang na dalagita ay namatay ito na kanilang isinisisi sa itinurok na anti-dengue vaccine.

Sinabi ng ama ni Abbie Hedia na si Ariel, noong nakaraang Miyerkules nang makaramdam ng pananakit ng ulo, mataas na lagnat, pagdudumi, at pagsusuka ang kanyang anak.

Una nilang dinala si Abbie sa Ospital ng Muntinlupa kung saan matapos tingnan ng mga doktor ay pinauwi rin sila.

Acute gastroenteritis ang diagnosis sa bata.

Ngunit nagpatuloy ang nararanasang mga sintomas ni Abbie kaya naman muli itong ibinalik sa Ospital ng Muntinlupa at ipinasok sa intensive care unit (ICU) kung saan binawian na ito ng buhay.

Kahapon ay nagsagawa ng forensic examination ang Public Attorney’s Office (PAO) sa katawan ni Abbie kung saan lumabas na nagkaroon ito ng massive bleeding sa utak at ang kanyang mga internal organs, partikular na ang kanyang mga kidneys ay namaga.

Kasabay ng pagkakaroon ng lagnat ni Abbie ay nagkaroon din ng lagnat ang nakatatanda nitong kapatid at sa ngayon ay maayos naman na ang kalagayan nito. JOHNNY ARASGA


Bebot kalaboso sa porn DVDs

$
0
0

BAGUIO CITY – Dahil sa pagbebenta ng pornographic DVD, isang babae ang inaresto kahapon (February 15) sa isang entrapment operation sa nasabing lungsod.

Narekober mula sa suspek na kinilala lamang sa pangalang Mary, ang 28 DVDs na naglalaman ng malalaswang palabas sa halagang P35 kada piraso.

Sa report ni SPO3 Veronica Villareal, ng Baguio City-Criminal Investigation and Detection Group, nakatanggap sila ng reklamo sa isang concerned citizen ukol sa pagbebenta ng mga pornographic DVD.

“We conducted a surveillance dito sa areas na ito and indeed naka-test buy kami,” ani Villareal.

Depensa naman ng suspek, pinilit lamang daw siya ng isang kakilala na bumili ng mga nasabing DVD.

Mahaharap ngayon si Mary sa kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi o pagbebenta ng anumang materyal na nakakalabag sa moralidad.

Sakaling napatunayang nagkasala ang suspek, anim na buwang pagkakakulong at multang P6,000 – P12,000 ang maaaring ipataw sa suspek na nakakulong sa Baguio City detention cell. ALLAN BERGONIA

2 dakip sa buy-bust sa Pateros

$
0
0

NADAKIP ng mga tauhan ng Pateros Police ang dalawang lalaki matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sta. Ana.

Kinilala ang mga suspek na sina Alberto Mariano Cecilio at Ricky Becta Lacson.

Habang nakakalaya naman hanggang sa ngayon ang pangunahing target ng operasyon na si Betty Ofiana.

Ayon sa mga awtoridad, agad na tumakas si Ofiana matapos ang transaksyon kung saan narekober ng mga awtoridad ang isang plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga awtoridad si Ofiana.

Habang ang lahat ng mga naarestong suspek sa Maynila at Pateros ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. JOHNNY ARASGA

Intsik patay na lumutang sa Manila Bay

$
0
0

NALUNOD umano ang isang Chinese national na natagpuang nakalutang sa Manila Bay sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Zuyu Hong, 43, ng Ugtong Rosario, Cavite.

Sa report ni SPO1 Jospeh Almayda ng Manila Police District-homicide section, dakong 11:20 ng umaga nang matagpuang ang bangkay ng biktima sa Seaside Harbor, Katigbak south drive Ermita, Maynila.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima na naglalakad sa bisinidad ng Manila Bay at umupo.

Kasunod nito, isang Rodel Ruda ang nakakitang nakalutang na ang biktima sa tubig ng Manila Bay kaya agad ipinagbigay-alam sa radio operator ng harbor view na siya namang nagpaalam sa awtoridad.

Sinubukan pang isugod sa Ospital ng Maynila ang biktima subalit patay na ito.

Wala namang indikasyon na pinatay ito sa nakitang mga bakas ng sugat sa kanyang katawan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Senglot lumusong sa dagat, lunod

$
0
0

PATAY ang isang lasing na barangay tanod ng Caloocan City matapos itong malunod sa Lingayen beach sa Brgy. Manoboc, Lingayen, Pangasinan kahapon, February 18.

Kinilala ng Lingayen police ang biktimang si Rogelio Trinidad, 31, ng Caloocan City.

Sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang ilang mga kaanak mula sa Caloocan City na nag-outing sa Lingayen beach.

Dito ay nagkaroon sila ng kasiyahan, at nag-inuman ang biktima kasama ng kanyang ilang kamag-anak sa gilid ng dagat sa nasabing barangay.

Hindi namalayan ng mga kaanak ng biktima na lumusong ang biktima sa dagat at dahil sa kalasingan nito, inanod siya sa malalim na parte ng dagat.

Nakita na lamang ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa dagat ng isang kamag-anak na si Michael Palicoc.

Agad na itinakbo ang biktima sa pagamutan ngunit hindi na rin ito naisalba pa.

Babala ng mga awtoridad, huwag pumunta sa dagat kung nakainom para maiwasan anomang sakuna. ALLAN BERGONIA

Pasahero ng LRT, dakip sa baril

$
0
0

DAKIP ang isang 39-anyos na lalaki nang makunan ng ilang baril habang papasok sa entrada ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 sa Blumentritt Station kaninang madaling-araw.

Iniimbestigahan ngayon ang suspek na si Juan Celso y Belmonte, may-asawa, ng 264 Beltran St.t, Balut, Tondo, Maynila.

Ayon sa report, alas-6:55 ng umaga nang pumasok sa LRT northwest ng Blumentritt sakop ng MPD-Station 7 patungong Baclaran si Belmonte nang inspeksyunin ni Carigay Rex, sekyu ng Kaizen Security Agency Corp., ang dalang karton ng suspek sa pamamagitan ng metal detector.

Dito na nag-alarm ang metal detector at nang busisiin ang laman nito ay nadiskubreng may apat na kalibre 9mm. at walong pirasong magazine.

Bunsod nito, dinala ang suspek sa LRT Central Terminal Station sa Arroceros St. para sa documentation bago dinala sa Baclaran Police Station saka dinala naman sa MPD-PS 7 para sa masusing imbestigasyon.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa kasong R.A. 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions sa Manila City Prosecutors Office. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Shabu, ecstasy nasabat sa buy-bust, 2 tiklo

$
0
0

ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang shabu, ectasy at liquid ecstasy sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police deputy chief for adminitrastion Supt. Ferdinand Del Rosario ang mga naarestong suspek na sina Yuki Rose Shibata, 24 ng 27 Kundiman West Ave. at Gillian Claude Villahermosa, 25, ng 14 Catleya St., Maligaya Subd., Fairview, kapwa ng Quezon City.

Ayon kay Supt. Del Rosario, ikinasa ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) sa pangunguna ni PSI Allan Hernandez ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Samson Road, Brgy. 78 harap ng Nice Hotel alas-2:30 ng madaling-araw na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga ito.

Nakekober ng mga pulis sa mga suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang transparent plastic sachet ng blue grains ng hinihinalang ectasy, isang transparent plastic na naglalaman ng tatlong asul na tableta ng hinihinalang ecstasy, isang botelya na naglalaman ng blue grains ecstasy, dalawang botelya na naglalaman ng hinihinalang liquid ecstasy, dalawang improvised plastic tube na may bahid ng ecstasy, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, ilang drug paraphernalia at P500 buy-bust money.

Hindi lamang umano sa Caloocan nagbebenta ng iligal na droga ang mga naarestong suspek kundi maging sa Pasay, Makita at Taguig ay umaabot din ang kanilang transaksyon kung saan mga party places umano ang madalas na sinusuplayan ng mga ito.

Nalaman ng mga pulis ang iligal na gawain ng mga ito matapos ikanta ng live-in partner ng isa sa mga suspek na pinipilit umano nilang pinagbebenta ng droga, habang itinanggi naman ng dalawang naaresto na kanila ang mga narekober na droga. RENE MANAHAN

Binaril habang tulog: Pulis todas sa misis

$
0
0

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng isang misis ang kanyang mister na pulis sa Quezon City habang mahimbing na natutulog nitong Lunes, Pebrero 19.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, ang biktimang si PO2 Angelo Capili, 36, nakatalaga sa QCPD Station 5 sa Fairview, Quezon City.

Tulala pa nang maaresto ang misis ng pulis na nakilalang si Josan Capili, 31, ng Namapa, Blk. 3, Pook Pag-Asa, IBP Rd., Brgy. Batasan Hills, Fairview, ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang krimen dakong 1:20 ng hapon habang natutulog ang biktima sa kanilang bahay.

Inaalam pa ng homicide investigator kung mismong service firearm ng nasabing pulis na isang Glock 9mm pistol ang ginamit ng ginang sa pagbaril at pagpatay sa kanyang mister.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen na siyang subject ngayon sa ginagawang imbestigasyon.

Ang mag-asawa ay may tatlong mga anak na pawang mga menor-de-edad at ngayo’y nasa pangangalaga na ng kanilang kamag-anak. SANTI CELARIO


Dayo sa Tondo, inutas

$
0
0

ISANG bago lamang sa lugar ang pinagbabaril ng ‘di nakilalang suspek sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw, Pebrero 21.

Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilala lamang sa pangalang Joice Bading, tinatayang 25-30-anyos, 5’11 ang taas, may tattoo na “Joice” sa batok, naka-polka dots, brown short at pink na tsinelas, sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni SPO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 1:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa Purok 1 Alley, Honorio Lopez, Balut, Tondo, Maynila.

Sa salaysay ni Arvin Mark Balacano, 27, residente sa lugar, patulog na siya nang makarinig ng tila umiiyak sa labas ng kanilang bahay.

Sinubukan niyang silipin subalit naramdaman niyang bigla na lang tumakbo ang lalaki na tila may sumusunod sa kanya kasabay ng sunod-sunod na putok ng baril.

Naalerto ang ilang residente kung saan nakita ang biktima naduguang nakahandusay sa lugar.

Kilala ng mga residente ang biktima na madalas dumayo sa lugar upang maglaro ng bingo.

Inaalam pa kung ano ang tunay na motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

77-anyos tiklo sa buy-bust ops

$
0
0

TIMBOG ang isang 77-anyos na umano’y tulak ng droga at tatlong iba pa sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Ayon kay Lucena police head Supt.Vicente Cabatingan, inaresto si Rodolfo de Castro sa Brgy. 4 kagabi, kasama sina Eric Wong, 23, at Juanito Erella, 53.

Nahuli pang nagpo-pot session sina Wong at Erella na famit ang shabu na binili umano mula kay De Castro.

Kinumpiska sa mga suspek ang tinatayang P1,850 halaga ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, inaresto naman sa isa pang tulak ng droga kaninang umaga.

Nakilala ang suspek na si Manuel Royo, 18. Ayon sa pulisya, pinagbnetahan ni Royo ng shabu ang isang undercover police sa Brgy. Dupay.

Nakumpiska kay Royo ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalagang P2,035.

Ayon kay Cabatingan, nakatakas ang kasamahan ng suspek na si Upao Lacson, ngunit naiwan ang kanyang sumpak na may isang bala. JOHNNY ARASGA

IBP nagpasaklolo sa pagpaslang sa abogado ni Espinosa

$
0
0

NAGPASAKLOLO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang maimbestigahan kaugnay sa naganap na pagpaslang sa abogado ni Kerwin Espinosa na si Atty. John Jonah Ingab, Vice Mayor ng Ronda, Cebu.

Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nais ng IBP na magsagawa ng malawakang imbestigasyon ang NBI upang agad makilala ang mga salarin at manapagot sa krimen.

Nababahala ang samahan ng mga abogado sa gitna ng sunud-sunod na pamamaslang sa kanilang mga miyembro at sa mabagal na pagkakaloob ng hustisya.

Una rito, humingi na rin ng saklolo sa NBI Region 7 ang pamilya ni Ungab upang mapadali ang pagresolba ng mga awtoridad sa krimen.

Naninindigan ang Pamilya Ingab na walang kinalaman sa bawal na droga ang bise-alkalde, kundi, pinagtatanggol lamang nito ang kliyenteng si Kerwin Espinosa, ang itinuturing na drug lord ng Eastern Visayas.

Samantala, ngayong umaga ay itutuloy ni Judge Silvino Pampilo ng Manila RTC Branch 26 kaugnay sa kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Espinosa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Tserman sa Vigan, tigbak sa tandem

$
0
0

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang barangay chairman ng pagbabarilin ng isang riding-in-tandem kahapon, February 22, sa Vigan City Ilocos Sur.

Kinilala ang biktimang si Orbil Paa, chairman ng San Julian Sur, ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nanggaling si Paa sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang at pabalik na sa kanilang barangay ng sundan siya ng mga suspek sa Brgy. Tamag, Vigan City.

Dito ay agad siyang binaril sa ulo ng mga suspek na agad tumakas gamit ang isang motorsiklo.

Narekober mula sa crime scene ang limang basyo ng bala ng .45 pitol na tumama sa ulo at katawan ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo ng pagpatay at patuloy ang manhunt operation ng mga Vigan City police laban sa mga suspek. ALLAN BERGONIA

Propesor sibak sa pangmomolestiya, pangingikil

$
0
0

BAYAMBANG, PANGASINAN – Posibleng matanggal bilang guro ng isang state university ang isang lalaki matapos ireklamo ng pangmomolestya ng isang menor-de-edad na babae sa Bayambang sa nasabing lalawigan noong Martes, February 20.

Arestado ang suspek na si Florencio Bagaforo, Jr., propesor ng Pangasinan State University (PSU) ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, inireklamo si Bagaforo ng isang 15-anyos na batang babae na hindi na pinangalanan ng pangmomolestya.

Bukod sa pang-aabuso, nahaharap din sa kasong estafa ang suspek dahil sa paghingi niya ng P5,000 sa biktima dahil ilalabas diumano ng suspek ang kanilang larawan habang minomolestya niya ang biktima.

Hindi na pumasok ang suspek buhat nang inireklamo siya ng biktima.

Ayon naman sa pamunuan ng PSU Bayambang, nakahanap na sila ng substitute teacher na papalit kay Bagaforo.

Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ng PSU Bayambang tungkol sa kaso at possible nilang tanggalin sa trabaho ang suspek kung mapatunayang nagkasala ito.

Nahaharap sa kasong child abuse at extortion ang suspek na naaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI)-Pangasinan. ALLAN BERGONIA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>