Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Kotse vs motor, rider patay, angkas kritikal

$
0
0

TODAS ang isang rider habang kritikal naman ang angkas nitong saleslady matapos makasalpukan ng kanilang sinasakyang motorsiklo ang isang kotse sa Caloocan City kagabi.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Jhon Louie San Juan, 28, call center agent, ng 116-B Bronze St., Brgy. Tugatog, Malabon City.

Isinugod naman sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong bali sa katawan ang angkas nitong si Anna Ruzett, 26, saleslady ng 88 General Concepcion St., Bagong Barrio.

Hawak naman ng pulisya habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Honda Brio Amaze na nakilalang si Ricardo Coloma, 32, call center agent, ng 3614 F Roxas St., Tondo, Manila.

Sa imbestigasyon, dakong 10:45 ng gabi, tinatahak ng kotse na minamaneho ni Coloma ang kahabaan ng Boni Serrano at pagsapit sa kanto ng 7th Ave. ay nakasalpukan nito ang motorsiklo na minamaneho naman ni San Juan.

Sa lakas ng impact, tumilapon sa motorsiklo ang rider at kanyang angkas na agad isinugod ng mga rumespondeng rescuers sa nasabing mga pagamutan habang dinakip naman ng mga pulis si Coloma. RENE MANAHAN


4 kalaboso sa pot session

$
0
0

KALABOSO ang apat na lalaki matapos mahuli sa akto habang gumagamit ng iligal na droga ng mga tauhan ng Tactical Motorized Riding Unit (TMRU) sa Riverside St., Brgy. 156, Pasay City.

Nakilala ang mga suspek na sina Jojo Rosales, Bervick Bernal, Rolly Gonzalez at Rodolfo Tolu, kapwa nakatira sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga miyembro ng TMRU sa lugar nang lapitan ng isang concerned citizen hinggil sa nagaganap drug session.

Nang puntahan ng mga pulis, doon na nila nadatnan ang mga suspek habang gumagamit ng droga sa loob ng isang barung-barong.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek. JOHNNY ARASGA

ASEC. MOCHA, PIA INENDORSO NI MAYOR SARA SA PAGKA-SENADOR

$
0
0

INIHAYAG ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa pagka-senador sa halip inendorso niya ang dalawang babaeng kandidato na umano’y karapat-dapat na maglingkod sa publiko.

Sa “Tapang at Malasakit” activity sa Hongkong, sinabi ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino worker na dumalo sa naturang event na wala siyang planong tumakbo sa pagka-senador, sa halip, hinikayat nito ang mga OFW na iboto sina Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson at Deputy Speaker ng Kamara ng si Rep. Pia Cayetano.

“Hindi ko kayang iwanan ang mga anak ko. ‘Yun din ‘yung reason kung bakit hindi ako tatakbong senador. Kasi hindi ko, sorry, hindi talaga,” pahayag ni Duterte-Carpio sa harap ng mga tagasuporta ng Pangulo.

“Pero meron akong i-endorse sa inyo, nariyan si Usec. Mocha Uson at nandyan si Senator Pia Cayetano, sila ang ilagay nating mga senator,” aniya.

Samantala, sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Uson ang anak ng Pangulo sa pagkonsidera sa kanya sa naturang posisyon subalit iginiit nito na wala pa siyang planong tumakbo sa pagka-senador.

“Una sa lahat, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Mayor Inday Sara Duterte sa tiwalang ibinigay niya po sa akin. Ngunit sa ngayon po ay trabaho po muna tayo. Naniniwala ako na ang panawagan sa mas mataas na tungkulin ay isang panawagan mula sa Panginoon,” ayon kay Uson.

Matatandaan na isinama kamakailan ni House Speaker Pantaleon Alvarez, secretary general ng ruling political party na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang pangalan ni Uson sa senatorial slate ng partido sa 2019 elections.

Inihayag din ni Alvarez ang pangalan nina Presidential Spokesperson Harry Roque, Davao City Representative Karlo Nograles at Bataan Rep. Geraldine Roman na kasama sa senatorial slate ng partido. KRIS JOSE

Naningil ng utang pinatay

$
0
0

PATAY ang isang 47-anyos na lalaki makaraang barilin habang natutulog ng kanyang kabarangay dahil umano sa paniningil ng una ng halagang P150 na utang ng suspek sa Quezon City kaninang madaling-araw, Pebrero 28, Miyerkules.

Kinilala ang biktimang si Eddie Villanueva, may asawa, parking attendant, ng Riverside Market, Commonwealth Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jomar Pallado ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU), naganap ang krimen dakong 1:30 ng madaling-araw sa Riverside Overpass, Commonwealth Ave., QC.

Ayon sa report, natutulog ang biktima nang lapitan siya ng suspek na nakilala lamang sa pangalang “Sonny” at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang una.

Ayon naman sa anak ng biktima, mabait ang kanyang ama kaya ang posible lamang umanong dahilan ng krimen ay ang ginawang paniningil ng biktima ng P150 na utang ng suspek.

Nabatid na isang araw bago maganap ang krimen, nagalit ang suspek kay Eddie dahil siningil siya nito sa kanyang pagkakautang na ikinasama ng loob ng suspek na ngayo’y pinaghahahanap na. SANTI CELARIO

Trike driver, dedbol sa mga rider

$
0
0

PATAY ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo sa Paco, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktimang si Jimmy Liban, 40, ng lugar na pinagbabaril habang sakay ng kanyang minamanehong tricyle.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-homicide section, pasado 10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Guazon Ave. sa Paco.

Sa pahayag ng isang testigo sa lugar, nakarinig siya ng limang putok ng baril at nang kanyang tingnan ang pinagmulan nito ay nakitang nakasubsob na ang biktima sa kanyang pinapasadang tricycle habang papatakas na rin ang mga salarin.

Agad binawian ng buhay ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang panga, likod at iba pang parte ng katawan.

Anim na basyo ng bala ng kalibre .45 ang narekober ng mga pulis mula sa crime scene.

Aminado naman ang kapatid ng biktima na si Jeff na posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang pagpatay sa kapatid, na kabilang aniya sa drug watchlist ng mga awtoridad.

Nabatid din na nakulong na rin noong 2015 ang biktima dahil sa kasong robbery, ngunit nang makalaya ito ay mas lalo pa umanong lumala ang kaniyang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kasalukuyan pa namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen para matukoy ang motibo ng pagpatay at kung sino ang mga taong nasa likod nito, para sa agarang pag-aresto sa kanila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Holdaper tigok sa parak

$
0
0

BULAGTA ang isang lalaking holdaper na nambiktima ng isang part-time waiter na nag-aabang lamang ng masasakyan sa Ermita, Maynila matapos manlaban sa pulisya na nagtangkang umaresto sa kanya.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin, inilarawang nasa 5’6” ang taas, nasa hanggang 40-anyos ang edad, at naka-gray na jacket at asul na shorts.

Kaagad na nasawi ang salarin nang mapuruhan ng mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District (MPD)-Station 5 na naka-engkwentro nito.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro, ng MPD- homicide section, dakong 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Muelle del Rio St., Lawton sa Ermita.

Nauna rito, nag-aabang ng masasakyang taxi si Mark Cruz, 20, sa Silvia St. nang may dumaang dalawang lalaki, na magkaangkas sa motorsiklo.

Lumampas umano ang mga ito ngunit ilang sandali lamang ay bumalik ang isa sa mga sakay, nilapitan ang biktima at kaagad na nagdeklara ng holdap.

Nang makuha ang cellphone at P1,500 na cash ng biktima ay sinuntok pa umano siya ng suspek at nagpaputok ng baril sa kalsada.

Ayon sa biktima, dahil sa takot na patayin siya ng suspek ay ibinigay na niya ang lahat ng kanyang pera at cellphone at nang makaalis ito ay kaagad na siyang humingi ng tulong sa barangay kung saan nagkataong naroroon ang mga pulis ng Lawton PCP na sina PO2 Randy Quintal at PO1 Rex Macarubbo.

Ayon kay Lawton PCP commander, P/Sr. Insp. Randy Veran, hinabol ng kanyang mga tauhan, kasama ang biktima, ang mga suspek at tinangkang pasukuin.

Nakarating ang habulan sa Muelle del Rio St. ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa ang backrider na suspek sa mga awtoridad kaya’t nagkaroon ng engkwentro.

Napuruhan naman ng mga pulis ang suspek at nahulog sa motorsiklo habang nakatakas naman ang kasamahan niyang rider.

Isinugod pa ng mga awtoridad ang suspek sa pagamutan, ngunit patay na ito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .22 na baril, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia, gayundin ang cellphone at pera ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Robbery gang leader arestado

$
0
0
ARESTADO ng National Bureau of Investigation-Technical Intelligence Division (NBI-TID)  ang isang gang leader at notoryus Abarquez robbery hold-up na nag-ooperate sa area ng  CALABARZON.
Kinilala ni NBI Director Dante A. Gierran ang suspek na si Prensica Clodualdo na naaresto sa isang joint operation ng  NBI-TID and Naval Intelligence and Security Force (NISF) na nagsilbi ng warrant of  warrant of arrest laban dito.
Sa beripikasyon mula sa Identification Records Division (IRD) and validation ng mga impormasyon, nakumpirma na sa desisyon na may petsang Oktubre 24, 2002 ni Hon. Norberto Y. Geraldez ng  Regional Trial Court Branch 36  Calamba, Laguna,  napatunayan na guilty si Clodualdo kasama ang kapwa akusadong sina  Paran Pacanza y Malate and Lamberto Pancanza y Malate Jr. sa kasong robbery in band na tinukoy at pinarusahan sa ilalim ng Artikulo 296 na may kaugnayan sa Artikulo 294 ng Revised Penal Code, at sinentensiyahan ang mga ito na maparusahan ng  pagkabilanggo ng anim na (6) taon at isang (1) araw ng Prision Correcional bilang minimum hanggang sampung taon (10) ng prison mayor bilang maximum at lahat ng mga parusang accessory sa ilalim ng naturang batas.
Matapos ang ilang serye ng surveillance, ikinasa ang pagsalakay ng TID, NISF at Philippine Navy kay Clodualdo  na  noo’y nagtatrabaho bilang in-house security ng Luxe Auto and Marine Trading Corporation sa  Pasay City.
Gamit umano ng akusado ang pangalang  “Raymundo A. Castro” upang pagtakpan ang iligal nitong aktibidad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

23 nagbebenta ng passport appointment slots, kalaboso

$
0
0

KULUNGAN ang bagsak ng 23 fixers na nagbebenta ng passport appointment slots sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD).

Ang pag-aresto sa mga suspek ay bunsod na rin ng hiling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa SPD na imbestigahan ang naturang scam.

Nabatid na habang pahirapan ang pagkuha ng slots sa online appointment system ng DFA ay may mga fixer na tila paninda kung ilako ang naturang appointment slots sa mga nag-aaplay ng pasaporte.

Sa isinagawang surveillance ng SPD, lumalabas na nagkakaroon ng VIP treatment ang aplikante sa pamamagitan ng endorsement letter mula sa high-ranking official at pag-reserve ng slot mula sa contact ng fixer sa opisina ng DFA.

Upang mapabalis ang pagproseso ng passport, kinakailangan ng P7,000 initial payment sa isang fixer sa Macapagal Avenue.

Ang mga aplikante ay pinagbibihis ng formal attire at dadaan sa interview sa agency. Matapos nito ay ipaliliwanag ng interviewer na mapo-postpone ang kanyang aplikasyon habang pinoproseso naman ito sa loob ng DFA ng kanilang insider.

Upang matapos na ito, naglunsad ng tatlong magkakasunod na entrapment operation ang SPD sa ASEAN, Parañaque City; Libertad, Pasay City at Gate 3 Plaza, Taguig City.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9485 at estafa. JOHNNY ARASGA


Kelot pumalag sa buy-bust ops, patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaking drug suspect matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa Visayas Ave. sa lungsod Quezon.

Kinilala ang napatay na suspek na si Bryan Montawan, 23.

Ayon sa nagtitinda ng barbecue na si Ruel Pacho na nakasaksi sa pagdating ni Montawan at mga kasama, napansin niyang dumating sa tapat ng isang bar ang sasakyan ng mga suspek. Nakita niyang basag ang salamin ng sasakyan at nakabukas ang mga pintuan nito.

Ani Pacho, agad na nagtakbuhan ang apat na sakay ng kotse palayo at hindi kalaunan ay dumating naman ang mga pulis.

Ayon naman kay P/Supt. Igmedio Bernaldez, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 11, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa kanto ng Tandang Sora Ave. at Congressional Ave. Sa kalagitnaan ng transaksyon ay natunugan umano ng grupo ni Montawan na pulis ang katransaksyon kaya agad na tumakas.

Tinugis ng mga pulis ang mga suspek at pagdating sa Visayas Ave. umamba si Montawan itong babarilin ang mga pulis kaya naman nagpaputok na rin ang mga awtoridad na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Si Montawan ang pangunahing target ng operasyon.

Sa 50 gramo ng shabu na dapat ay bibilhin ng poseur buyer mula sa mga suspek ay apat na sachet lamang ang narekober, bukod pa sa isang kalibre .38 na baril.

Patuloy naman na tinutugis ang tatlo pang mga kasamahan ni Montawa. -30-

Holdaper sa Caloocan, tigok sa engkwentro

$
0
0

TIGOK ang isang lalaking suspek sa panghoholdap sa Brgy. 160, Caloocan City.

Blangko pa ang pagkakakilanlan ang suspek na isang notorious holdupper sa Caloocan ngunit nakilala lamang ito sa alyas na Tangkad.

Ayon sa babaeng biktima, naghihintay siya ng masasakyang bus sa tapat ng isang convenience store sa Brgy. 138 nang lapitan siya ng riding-in-tandem at tutukan ng baril sa likod bago nagdeklara ng holdap.

Sa takot ng biktima ay hindi na siya umimik at ibinigay na lamang ang kanyang bag na naglalaman ng mga importanteng ID at pera.

Matapos ang insidente ay hindi na mapakali ang biktima at nakita siya ng mga Detective Beat Patrol ng Caloocan City Police. Ikwinento ng biktima ang nangyari at agad na iniradyo ng mga pulis ang hitsura ng motor at mga suspek.

Kaya naman nang mamataan ng mga nagpapatrolyang pulis ang motor ay tinugis nila ang mga ito.

Sumemplang ang motor sa NLEX West Service Road at nagtangka pa si alyas Tangkad na paputukan ang mga pulis kaya naman inunahan na siya ng mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay. RENE MANAHAN

Higit P2.5M halaga ng shabu, nasamsam sa Quiapo

$
0
0

TINATAYANG aabot sa P2.5-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Maynila, Sabado ng gabi.

Kasabay nito, naaresto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Special Enforcement Service ang target na drug personality sa isang hotel sa bahagi ng Palanca St. sa Quiapo.

Kinilala ang suspek na si Hassanosin Domato Ampuan alyas “Kasador” o “Rusty.”

Ayon kay PDEA agent Robins Cataluña, inabot ng mahigit isang buwan ang isinagawang surveillance ng mga awtoridad para mahuli ang suspek na nagbebenta ng shabu sa loob ng mga hotel at malls.

Dagdag pa nito, kilala rin ang suspek na supplier ng ilegal na droga sa National Capital Region, Region 6 at Lanao del Sur sa Mindanao.

Samantala, inamin naman ng suspek na pag-aari nito ang mga nakulimbat na ilegal na droga at kumanta rin na kumukuha ng suplay mula sa isang alyas “Bryan.” JOHNNY ARASGA

Pinagalitan ng magulang, 15-anyos nagbigti

$
0
0

CAOAYAN, ILOCOS SUR – Dahil napagalitan ng kanyang mga magulang, isang 15-anyos na babae ang nagbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Brgy. Fuerte, Caoayan sa nasabing lalawigan kahapon, February 3.

Kinilala ang biktimang na si Daniella Izza Antiporda, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Caoayan police commander P/Sr. Insp. Frederico Artates, bago ang insidente, napagalitan ng kanyang ama at ina ang biktima dahil sa sobrang paggamit nito ng cellphone.

Habang pinagsasabihan, imbes na tumahimik ay sinigawan pa umano ni Antiporda ang kanya ina at doon pinagalitan siya ulit ng kanyang tatay.

Bigla na lamang pumasok ang biktima sa kanyang silid at hapon na ng ito ‘y madiskubre nilang nakabitin ang biktima gamit ang isang kumot.

Agad na itinakbo si Antiporda sa ospital ngunit hindi na ito naisalba pa. ALLAN BERGONIA

Shooting sa 999 mall posibleng away sa negosyo

$
0
0

POSIBLENG away sa negosyo ang tinitignang motibo sa pamamaril sa mag-asawang stall owner sa 999 shopping mall kahapon.

Sa patuloy na pag-iimbestiga ng pulisya sa insidente, lumalabas na hindi lamang iisang stall ang pag-aari nang napatay na si Edilberto Lustado Pornobe, 60-anyos at ikinasugat ng kanyang maybahay na si Maria Teresa na nagtamo ng tama ng bala sa siko.

Una na ring nagbigay ng salaysay sa pulisya ang isang saksing tindera sa mall na nakausap ng dalawang suspek na nagpanggap na kostumer bago maganap ang pamamaril.

Kahina-hinala ang kilos at tila may kausap sa cellphone na tila may nag-uutos sa suspek kasunod ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa kalibre .45 sa loob ng naturang mall.

Kasalukuyang nasa puwesto ng kanyang pag-aaring “Drescription Stall” ang mag-asawang biktima nang mangyari ang insidente kung saan si Edilberto ang target.

Gayunman, nangangalap pa ng iba pang impormasyon at ebidensya ang mga awtoridad na posibleng makatulong sa pagresolba sa kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pagpasok ng foreign terrorists sa MM, bineberipika na

$
0
0

BINEBERIPIKA pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may presensya na nga ba ng mga foreign terrorists sa Metro Manila.

Ito’y makaraan umano silang makatanggap ng mga ulat na may mga suportang ipinadala sa local terrorist groups ang ISIS leadership sa Malaysia at Indonesia na dumating sa bansa sa pamamagitan ng southern backdoor.

Ayon kay Philippine Army Commanding Gen. Rolando Joselito Bautista, napag-alaman ng kanilang hanay na sa central Mindanao at sa Metro Manila ang concentration ng mga terorista kaya naman gumagawa na sila ng aksyon hinggil dito katuwang ang Philippine National Police (PNP).

“Alam din nating may mga support sila coming from the different leadership particularly sinasabi natin sa Indonesia and Malaysia and there were reports na bina-validate pa lang na ‘yung pasok nila through the backdoor and even sa Metro Manila meron pero sabi nga natin na na-identify naman sila and at the same time meron ding ginagawang aksyon yung ating kapulisan at Armed Forces of the Phils., yung concentration ngayon is ang nakikita namin is dito sa area ng Central Mindanao,” ayon kay Bautista.

Matatandaang inihayag ng Western Mindanao Command na hinahanap nila ang sinasabing 40 foreign fighters na pumasok sa bansa sa pamamagitan ng pagtawid dagat, para makumpirma ang mga report.

Magugunitang sinabi rin ni NCRPO Director Oscar Albayalde na posibleng nagtatago ang mga dayuhang terrorista sa mga Muslim communities sa Metro Manila dahil dito ang kalimitan nilang taguan. -30-

Ginang nagkalasog-lasog sa trak

$
0
0

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang babae makaraang masagasaan sa bahagi ng McArthur Highway sa Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Normita Barcelona, 49.

Sa tindi ng pagkakabangga, kumalat ang iba’t ibang parte ng katawan ng biktima kahabaan ng highway ng Brgy. Saloysoy.

Ayon kay SPO1 Filamer Guillermo, napag-alaman nilang mayroong live-in partner si Barcelona na kasama nito ngunit matapos ang insidente ay hindi ito naabutan sa lugar ng mga awtoridad.

Wala rin sa lugar ang sasakyang nakasagasa sa biktima, maging ang driver nito.

Teorya ng mga pulis, habang nasa gilid ng kalsada ang dalawa ay mayroong dumaang truck na siyang nakasagasa at nakakaladkad sa katawan ng babae.

Kita rin kasi sa trail ng dugo at lamang-loob ni Barcelona sa kalsada ang skid mark ng isang malaking sasakyan.

Samantala, ayon sa kapatid ng biktima na si Glenn Santos, mismong ang live-in partner ni Barcelona ang pumunta sa kanya upang sabihin ang tungkol sa aksidente.

Marahil aniya ay dahil sa takot at kaba ay hindi na nakabalik pa ang live-in partner ng kapatid.

Nanawagan si Santos para sa live-in partner ng kanyang kapatid na lumantad upang mabigyang-linaw ang nangyari. Hiling din niya na sumuko na ang driver na nakasagasa kay Barcelona. -30-


Senglot tumilapon sa trike, tepok

$
0
0

UMINGAN, PANGASINAN – Dahil sa sobrang kalasingan, patay ang isang construction worker matapos malaglag sa tricycle sa bayan ng Umingan sa nasabing lalawigan nitong Linggo, March 4.

Kinilala ng Umigan police ang biktimang si Geraldine Garcia, 35, ng Brgy. Barat sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinara ng biktima ang isang tricycle na minamaneho ng isang Edwin Nucasa at imbes na sumakay sa loob ng sidecar, pumunta sa likod ng driver si Garcia.

Habang binabagtas ng driver ang ang kahabaan ng Brgy. Nancalabasaan, biglang nalaglag ang biktima dahil nakatulog ito sa kalasingan.

Nabagok ang ulo ng biktima na tumama sa matigas na semento at nagkabali-bali ang buto sa katawan na nagsanhi ng kanyang agarang pagkamatay. ALLAN BERGONIA

5 patay, mahigit 50 sugatan sa pagguho bunkhouse sa Cebu

$
0
0

PATAY ang tatlong trabahador habang mahigit 50 pa ang nasugatan makaraang gumuho ang apat na palapag na bunkhouse sa Cebu City.

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) Chief Nagiel Bañezia, gumuho ang 4-storey bunkhouse na pag-aari ng Abraham Lee Construction sa Archbishop Reyes Avenue sa Barangay Lahug, Martes ng madaling-araw at natabunan ang mga construction worker na natutulog noon.

Sa datos ng kumpanya, aabot sa 153 mga manggagawa ang natutulog sa bunkhouse nang maganap ang insidente at sila ay natabunan ng mga scaffolding at steel bars.

Maliban sa limang kumpirmadong nasawi, apat pa ang malubhang nasugatan makaraang magtamo ng bali at malalalim na sugat sa katawan, pito pa sa mga dinala sa ospital ang nagtamo ng sugat, habang 44 ang minor injuries lamang lamang natamo kabilang ang gasgas at pasa sa katawan. Nasa 103 naman ang nakaligtas.

Posible ayon kay Bañezia na sobrang dami ng tao sa loob ng bunkhouse kaya ito gumuho.

Tiniyak ni Bañezia na magsasagawa ng imbestigasyon ang building officials ng Cebu City sa insidente. JOHNNY ARASGA

Sub-leader ng Maute, isinalang sa interogasyon

$
0
0

ISINALANG sa Tactical Interrogation ng MPD-DID ang nahuling sub-leader diumano ng Maute Group na si Abdul Nasser Lomondot ng Lanao Del Sur. Si Lomondot ay naaresto noong nakaraang Sabado ng mga tauhan ng MPD-DPIOU sa kahabaan ng Divisoria at Dagupan St., sa Tondo, Maynila, kung saan nakuhanan ito ng kalibre .45 at granada. CRISMON HERAMIS

2 patay sa drug-bust sa Binondo

$
0
0

SANGKOT sa iligal na aktibidad ang dalawang lalaking nabaril at napatay ng awtoridad nang manlaban sa ikinasang buy-bust operation sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga napatay na sina alyas ‘Resty/Mac-mac’, 35 hanggang 40-anyos, malaki ang katawan, at may mga tattoo sa balikat at alyas ‘Jomar,’ nasa 20 – 25-anyos, maliit ang pangangatawan, at may mga tattoo sa dibdib at kaliwang balikat.

Sa report, ala-1:15 Martes ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD-Station 11 sa Delpan St., malapit sa Missionary of Charity, Alay Puso Charity sa Binondo.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga ito.

Nagpanggap na poseur buyer si PO1 Mark Laurence Legaspi at nakipagpalitan ng shabu at P500 marked money sa mga suspek.

Nang magpositibo ay sumenyas si Legaspi  sa mga kasama ngunit nakahalata si Jomar na mga pulis ang katransaksyon kaya’t sumigaw nang, “Put….ina! Parak yan!”

Halos sabay na bumunot ng baril ang mga suspek at tinangkang barilin ang mga awtoridad ngunit nagawa ni Legaspi na tabigin ang baril ni Resty kaya’t hindi siya tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lalaking hubo’t hubad natagpuang patay sa loob ng sementeryo

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang museleyo sa Manila North Cemetery (MNC) Marso 7, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Saturnino Plameras, 67, taga-Maniguit, Tondo, Maynila.

Ayon sa report ni SPO2 Joseph Kabigting, imbestigador ng Manila Police District-Homicide dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Plameras.

Hubo’t hubad na umanong nakahandusay ang bangkay ng biktma sa ikalawang palagpag ng museleyo at bahagyang nabubulok na.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima kasama ng kanyang asawa noong Marso 5 ng umaga na nakabisikleta at paalis na sa naturang sementeryo.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima maliban sa nakitang dugo na umaagos sa museleyo na umanoy mula sa katas ng katawan ng bangkay. REGINAH RAE MACAPAGAL

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>