Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Trike driver arestado sa pagdadala ng shabu sa police station

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver matapos madakip ng mga pulis dahil sa pagdadala ng shabu habang dinadalaw umano ang kanyang kinakasama na nakapiit sa police station sa Quezon City kagabi Marso 6, 2018 (Martes).

Kinilala ni Supt.Danilo Mendoza hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang suspek na si Patrick Negrete, 30, binata,tricycle driver at residente ng 34 Villegas St., Brgy. Bungad, Proj.7,QC.

Ayon sa ulat nadakip ang suspek sa loob ng police station ng QC Talipapa police station 3 sa Quirino Hiway, Brgy. Talipapa dakong 6:00 ng gabi.

Sinabi ni P03 Aescylus Calapano imbestigador na nagtungo sa naturang himpilan ng pulisya ang suspek para dalawin ang kanyang  kinakasama na nakapiit.

Bilang SOP (standard operating procedure) kinapkapan ni PO1 Steve Gregor Francisco Duty Sentinel ang suspek at dito nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang  heat sealed sachet transparent plastic ng hinihinalang shabu.

Agad dinakip ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa section 11, Article 2 ng RA 9165 o illegal drugs.

Kasalukuyan ngayong nakapiit ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya.  SANTI CELARIO


Abala sa pagkukumpuni ng motorsiklo,tinodas

$
0
0

PATAY ang isang helper nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang abala sa pagkukumpuni ng motorsiklo kagabi sa Tondo, Maynila.

Dead on arrival sa  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Christopher Cena, 24, at residente ng Slip Zero, Malonzo Compound, Pier 2, sa Tondo.

Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na inilarawang nakasuot ng sky blue na t-shirt, itim na shorts at ball cap.

Sa report ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District -homicide section, alas-10:30 ng gabi habang nagkukumpuni ng motorsiklo ang biktima kasama ng kanyang kapatid na si Crisanto, 19, at dalawang iba pa  na sa tabi ng Well Cargo Building sa Malonzo Compound nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Tumakas naman ang suspek matapos ang krimen.

Patuloy naman inaalam ang motibo ng krimen at pagkakilanlan ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

10 kababaihang ibinubugaw nasagip sa hotel

$
0
0

SAMPUNG kababaihan ang nasagip ng mga awtoridad kabilang ang pitong menor de edad na ibinubugaw umano sa isang hotel kagabi sa Tondo, Maynila.

Sa inisyal ulat, pasado alas-9 kagabi ng salakayin ang hotel kung saan isang pulis ng Women and Children Protection ang nagpanggap na kustomer.

Sa halagang P 2,500 ay nakakuha ang under cover agent ng babae.

Nang magpositibo ang transaksyon ay isa-isa nang sinagip ang mga dalagita habang inaresto naman ang kanilang bugaw na nasa 20-anyos pa lamang.

Ayon sa pulisya, ang mga dalagita ay iniaalok ng suspek sa kanyang mga nakakachat sa social media at pag nagkasundo sa presyo ay saka naman nito dinadala sa isang kuwarto ng hotel ang mga dalagita.

Paglabag sa Anti -Trafficking in Persons Act of 2003 ang maaring kaharaping kaso ng suspek.

Nakatakdang i-turn over sa DSWD ang mga menor de edad para sa counseling. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Binatilyo kritikal sa saksak dahil sa nakaw na bisikleta

$
0
0

KRITIKAL ang kagayan ng 14-anyos na out-of-school-youth matapos kuyugin at pagsasaksaking ng apat na suspek kagabi March 6 sa Malabon City

Inoobserbahan sa Tondo General Hospital sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Rhendel Angoring ng Blk 4, Kadima Letre, Brgy. Tonsuya.

Patuloy naman na hinahanting ng mga pulis ang mga suspek na nakilala sa mga alyas “Jetjet”, “Tolome”, “Benjie” at “Elmer” na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO1 Romirosa Mallari at PO1 Mayett Simon, unang sinamahan ang biktima ng hindi kilalang lalaki na sinasabing may-ari ng tinangay na bisikleta upang magpatulong na maibalik ito sa kanya.

Pagkatapos nito, umuwi na ang biktima at habang naglalakad sa kahabaan ng Roque Street kasama ang isang Manuel alyas “Nguso” dakong alas-8:35 ng gabi nang pagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek ang binatilyo.

Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang pinsan na si Willy sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TGH habang inaalam ng mga awtoridad na sinasabing ang biktima ay sangkot sa pangnakaw ng nawawalang bisikleta. ROGER PANIZAL

Publisher ng Sigaw ng Marino, dinampot ng Manila Police

$
0
0

SA bisa ng warrant of arrest, naaresto ang publisher ng magazine na Sigaw ng Marino, isang pahayagan para sa mga seaman dahil umano sa pagbebenta ng leakage o questionnaires para sa board exam ng MARINA.

Si Engr. Nelson Ramirez ay inaresto ng  Manila Police District Warrant Section sa  kasong cyber libel sa sala ni Judge Felizardo Montero Jr. ng Malolos City RTC Branch X1.

Nag-ugat ang kasong libel laban kay Ramirez nang mag-post sa kanyang Facebook page laban kay James Paul Llamas, board examiner ng Maritime Industry Authority o MARINA.

Sa panayam, inamin ni Ramirez na ipinost niya sa FB na ninakaw ni Llamas ang P28,000 na baril umano ng kanyang kaibigan.

Agad din namang pinakawalan si Ramirez matapos magbayad ng P12,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Ramirez habang nililitis ang kanyang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Graduating stude ng NU, patay sa magkapatid

$
0
0

HINDI  na magawang umakyat pa sa entablado ang isang graduating student matapos itong pagsasaksakin ng isang magkapatid dahil lamang sa masamang tinginan sa isang bilyaran kaninang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Nagtamo ng 4 na tama ng saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan ang biktimang si Daniel Hernandez, 19, marketing student ng National University at residente ng 726 Molave St., San Jose, Rodriquez, Rizal.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang magkapatid na responsable sa pagkamatay ng biktima na sina Eiffel de Guzman 19,Grade 12 student ng Lyceum of the Philippines University at nakababatang kapatid na si Elijah de Guzman, 15, Grade 7  sa Arellano University at kapwa nakatira sa 221-E  Ranzares St., Sampaloc, Maynila.

Sa report ni SPO3 Glenzor Vallejo, imbestigador ng  Manila Police District- Homicide Section, dakong alas-12:08 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Lakay Billiard sport bar na matatagpuan sa kahabaan ng P.Paredes St., kanto ng Tolentino St, Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon, sinabi  ng kaibigan ng biktima at  testigong si Randy Angelo Mendoza sa kanyang salaysay na 11 silang magkakaibigan  na nasa bilyaran nang ipakilala sa kanila ng kanilang kaibigang babae na si Angeli Chan ang magkapatid na suspek.

Sa gitna ng  kwentuhan , papilosopong sumasagot umano ang mga suspek at masama ang tingin hanggang nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan sa labas ng bilyaran.

Ayon pa kay Mendoza, bigla na lamang umanong inundayan ni Eiffel  ng saksak ang biktima subalit nakailag ito at  gumanti ng suntok sa suspek.

Gayunman, muling sinaksak ni Eiffel ang biktima na noo’y tinamaan na sa dibdib .

Sa kabila nang may tama na ang biktima ay muli umano itong nakaganti ng suntok sa suspek hanggang sa bigla na lamang itong nanghina at bumagsak habang ang ibang kaibigan ay nakikipagsuntukan na rin sa magkapatid na suspek.

Dito muling inundayan ng saksak ng paulit-ulit si Hernandez habang nakahandusay na sa semento bago tuluyang nagsitakbo papatakas sakay ng Toyota Vios na kulay gray at may plakang AAO-8021.

Sa follow up operation ng pulisya, tanging ang kotse at ang fan knife na 10 pulgada ang haba na ginamit sa pananaksak ang narekober.

Patuloy  ang imbestigasyon ng Homicide Section sa krimen para sa ikadarakip ng magkapatid na ayon sa ilang nakakakila sa kanila sa lugar ay mga magugulong estudyante. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

3 misyonero, ninakawan

$
0
0

BAUANG, LA UNION – Tatlong babaeng foreign Christian missionary ang nabiktima ng pagnanakaw sa tinitirhan nilang hotel sa Barangay Pagdalagan Sur, Bauang sa nasabing lalawigan kagabi, March 9.

Nakilala ang mga biktima na sina Danielle Kathleen Braun, 23; Courtney Marie Wayne, 28, parehong American national at Clara Masland Grandfeir, 19, isang Finnish national.

Sa imbestigasyon, sinabi ng Bauang police na nag check-in ang mga biktima sa Hotel 45 na nakabase sa nasabing barangay.

Ayon sa police, ni -lock diumano ang mga missionaries ang kanilang kuwarto at lumabas upang mag dinner sa pinakamalapit na restaurant.

Ngunit noong bumalik sila, laking gulat nila na nahalughog na ang kanilang mga gamit na kung saan nawawala ang mga cellphone, dalawang camera, dalawang laptop, iPhone na nagkakahalaga ng kulang P200,000 at P5,000 cash.

Agad na nagtungo ang mga biktima sa Bauang police upang eriport ang insidente.

Sinabi ng Bauang police na sa kanilang nakita sa CCTV ng hotel isang lalaki ang suspek na naka suot ng blue t-shirt at maong pants na siyang pumasok sa kuwarto ng mga dayuhan.

Inaalam din ng police kung mayroong inside job na nangyari sa nasabing insidente. ALLAN BERGONIA

 

Murder laban sa Aegis Juris itutuloy ng MPD

$
0
0

TULOY ang pagsusulong ng Manila Police District (MPD) sa kaso laban sa respondents sa krimen hanggang sa matamo ang hustisya.

Ito ay sa kabila ng naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkamatay ng UST Law stydent na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Supt. Erwin Margarejo, ang tagapagsalita ng Manila Police District, pansamantala lamang ang pagkatalo sa kaso sa naging desisyon ng DOJ.

Titiyakin din aniya na isusulong pa rin nila ang kaso upang nakamit ng pamilya ang hustisya sa pagkamatay ni Asio.

“Although some personalities were not included in the information it is just only temporary setback on our side but we will assure the family of ATIO that we will continue to pursue this case till the end in the interest of justice”, ani Margarejo.

Sa kabila nito, ikinagalak ng MPD ang resolution ng DOJ na nagrerekomenda ng kasong criminal o murder laban sa mga miyembro ng Aegis Juris na pinaniniwalaang nasa likod ng pagkakapaslang kay Horacio Castillo III.

Si Castillo ay natagpuang patay ng kanyang mga magulang sa morge ng Chinese General Hospital noong buwan ng Setyembre 2017 na ang katawan ay kulay talong dulot ng matinding hazing o pagpapahirap.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ng DOJ dahil paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law ay sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munrio Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos. Kasong perjury at obstruction of justice ang pinasasampa laban kay John Paul Solano .

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kina UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at Faculty Secretary Arthur Capili dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Abswelto naman si Mark Anthony Ventura dahil siya ay nasa ilalim ng Witness Protection, Security and Benefits Program ng DOJ. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Sunog sa Ermita itinaas sa 3rd alarm

$
0
0

ISANG sunog ang naganap sa isa sa mga building sa kahabaan ng Erminita, Manila ngayong araw, Marso 9.

Ayon sa paunang ulat, itinaas sa 3rd alarm ang naganap na sunog sa Zen Tower Condominium sa Natividad St., Cor. San Marelino St., Ermita, Manila kaninang tanghali na nag simula umano sa room 203 sa ika-28 ng palapag ng gusali.

Agad naman naapula ang apoy dakong 1:55 ng hapon. Photo and story by: CRISMON HERAMIS

Pagpa-palabas ng subpoena balik PNP na

$
0
0

OPISYAL nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na nagbabalik sa kapangyarihan ng ilang piling opisyal ng Philippine National Police (PNP) na magpalabas ng subpoena sa mga kasong sumasailalim sa imbestigasyon.

Nito lamang Marso 1 ay nilagdaan ni Pangulong Duterte ang  Republic Act 10973 na binibigyan ng otoridad ang PNP chief, PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director at CIDG deputy director for administration na mag-summon o magpatawag ng mga indibidwal at dokumentong kinakailangan at makakatulong sa investigative work ng  PNP.

Nakapaloob sa batas na maaari ng sampahan ng PNP-CIDG ng kasong indirect contempt sa Regional Trial Court (RTC) ang sino mang tatanggi o hindi tutupad sa kanilang subpoena.

Ang naturang batas ay isinulong ni Sen. Panfilo Lacson sa Senado noong nakaraang taon.

Sinasabing  kapag nagsanib puwersa ang Philippine Constabulary at  Integrated National Police, sa ilalim ng Republic Act 6975, karamihan sa kapangyarihan ng isang ahensiya ay  naki-carry over maliban sa  subpoena powers. KRIS JOSE

Suspek sa online pornography, arestado; 5 kabataan nailigtas

$
0
0

ARESTADO ang isang lalaki na nagbebenta ng kaanak na menor de edad sa mga dayuhang parokyano sa pamamagitan ng online kapalit ng libu-libong halaga ng salapi.

Lima namang kabataan naman ang naisalba may edad 7 pataas nang salakayin ang hideout ng suspek na si Anselmo Ico, Jr., alyas Jaja Jhoncel sa Barangay Anilao, Malolos City.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), 2016 nagsimula ang suspek sa online pornography at binebenta ang kanyang mga materyales sa halagang mula P5,000 pataas.

Ilan sa aktibidad ng suspek ay ang produksiyon, paggawa, pagbebenta, promosyon, pagpapakalat ng sexual activities ng mga bata o child pornography sa pamamagitan ng online o internet.

Noong Enero 3, 2018, lumiham sa NBI ang National Criminal Investigation Service o NCIS ng Norway NCIS matapos na madakip ang Norwegian na si Ketil Andersen na natunton na bumibili ng mga lewd materials mula kay Ico kasama na rito ang live sexual performance ng mga kababaihang menor de edad na pawang Filipino.

Katuwang sa isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation Anti Human Trafficking Division at Philippine National Police – Children’s and Women’s Protection ang Homeland Security Agency, Federal Bureau of Investigation, International Justice Mission .

Isasalang sa inquest proceeding ng Department of Justice ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan ng RZ 10364 o Expanded Anti-Human Trafficking of Persons Act of 2012, RA 10175 o cybercrime prevention act of 2012, RA 7610 o special protection children against child abuse, exploitation and discrimination act, RA 9775 o anti child pornography act of 2009. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

1 sa 3 holdaper na pumalo sa mukha ng call center agent, arestado

$
0
0

TIMBOG ang isa sa tatlong holdaper na humampas ng matigas na bagay sa mukha ng call center agent na kanilang hinoldap  sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis  kaninang madaling-araw sa Malabon City

Si Rendell Espiridion, 19 ng 9-F Batangas Alley, Brgy. 153 Caloocan City ay positibong kinilala ni Delfin Cruz, Jr. 29 call center agent ng 51 Milagros St. Batong Barrio, Caloocan City na isa sa tatlong lalaki na  umagaw ng kanyang Samsung J7 cellphone na nagkakahalaga sa P16,000.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang kasama ni Espiridion na nakilalang si Mark Lester Polo, residente din ng Batangas Alley at isa pang hindi kilalang kasamahan ng mga ito.

Ayon kay Malabon police investigator PO2 Jose Romeo Germinal II, kumakain ang biktima sa labas ng convenience store sa kahabaan ng Victoneta Avenue, Brgy. Potrero  pasado alas-1:50 ng madaling-araw nang walang sabi-sabing hinataw ito ng ng bato sa mukha ng isa sa mga suspek at sapilitang inagaw ang kanyang cellphone.

Kahit sugatan, nahawakan ng mahigpit ng biktima ang kanyang cellphone at sumigaw na humingi ng tulong na naging dahilan upang magsitakas ang mga suspek habang nakahingi naman ng tulong si Cruz sa mga tauhan ng PCP-2 na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Espiridion. ROGER PANIZAL

Problemadong lalaki naglaslas sa leeg bago tumalon sa ilog

$
0
0

NAGPASYANG magpatiwakal ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg bago tumalon sa ilog dahil umano sa dinadalang malaking problima miyerkules ng hapon March 7 sa Malabon City

Ayon kay Malabon police Insp. Paul Dennis Javier, tinatayang ang biktima na nasa 35-45 ang edad, 5’6 ang taas, may balbas at bigote, nakasuot ng gray polo shirt at green basketball short pants.

Sa pahayag ng saksi na pedicab driver na si Renato Sawal, 29, kina Malabon police investigators PO2 Roldan Angeles at PO2 Junny Delgado, pasado alas-2:40 ng hapon, nakita niya ang biktima na naglalakad sa ibabaw ng Maynilad water pipe sa gilid ng Lambingan Brigde sa Gov. Pascual. Brgy. Concepcion na may hawak na basag salamin.

Tinangkang kumbinsihin ng saksi ang biktima na bumaba subalit sa halip na makinig ay sumagot ito na “Malaki ang problima ko” saka nilaslas ang kanyang leeg gamit ang basag na salamin sabay tumalon sa ilog.

Inireport ang pangyayari sa Malabon Rescue na humingi naman ng tulong sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at agad nagsagawa ng search and rescue operation hanggang sa maiahon mula sa ilalim ng ilog ang walang buhay na katawan ng biktima dakong alas-6:24 ng gabi

Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa biktima ang isang cellphone at sa isinagawang cursory examination, nagtamo ito ng laslas sa kanyang leeg at may sakit sa balat sa mga braso at hita. ROGER PANIZAL

Ex-convict pumatay ng vendor para muling makulong

$
0
0

DAHIL sa kagustuhang makabalik sa kulongan upang may makain at may permanenteng matutuluyan, pinatay nito sa pamamagitan ng paghataw ng “coco-lumber” sa ulo ang isang 52 anyos na “newspaper vendor” sa Sampaloc, Maynila kagabi.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa UST hospital ang biktimang si Edwin Liquiran Jr., binata ; tubong Magallanes St., Centro 05, Tuguegarao City, at naninirahan sa Sulucan St., sa Sampaloc, Maynila.

Arestado naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, ang suspek na nakilalang si Alberto Bongcal, miyembro ng Sigue Sigue Commando, walang permanenteng tirahan.

Sa report ni Det. Milbert Balinggan, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente dakong 8:12 ng gabi sa Dos Castillas St., malapit sa panulukan ng Piy Margal St., sa Sampaloc.

Naglalakad umano papauwi ang biktima nang abangan ni Bongcal na armado ng isang coco lumber na 2X3 , saka ito pinagpapalo sa ulo at nang bumagsak sa semento ang biktima, muli itong pinagpapalo sa ulo hanggang sa iniwang duguan.

Ilang tambay sa lugar ang mabilis na nagtulong tulong na maisugod sa UST Hospital ang biktima pero makalipas ang ilang oras ay binawian rin ng buhay.

Sa rekord ng pulisya, may apat na taon na ang nakakaraan ng pagpapaluin naman ng martilyo ng suspek ang isang mangangalakal matapos umanong mamataan ni Bongcal sa kanyang teretoryo sa Dos Catillas St., sa Sampaloc, at nagawa naman nitong sumuko at nakulong sa Manila City Jail.

Sanhi na wala namang lumutang na kaanak ang biktima ay na-dismiss ang kaso nito noong Pebrero 19.

Walang uuwiang bahay ang suspek matapos na lumaya kaya ninais marahil na gumawa na lamang ito ng kasalanan para makakain ng libre at may matutuluyang kulungan kaya ng makita ang biktima na naglalakad sa lugar ay pinagpapalo ng ulo ng kahoy. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

manhaunt operasyon kinasa laban sa magkapatid na de Guzman

$
0
0

IPINAG-UTOS ngayon ng Police District (MPD) ang manhunt operation laban sa magkapatid na Grade 12 at Grade 7 student na pumaslang sa isang-19 anyos na
Marketing student ng National University (NU) Sampaloc, Maynila.

Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, may hawak ng kaso  na may sinusundan ng lead ang pulisya pero itinanggi nitong banggitin ang detalye sa pangambang masunog ang operasyon.

Hinimok ni Vallejo ang magkapatid na suspek na sina Ariel, di tunay na pangalan,15, Grade 7 student sa Arellano University  at ang kuya nitong si Eiffee de Guzman,19 at Grade 12 student sa Lyceum of the Philippines student at kapwa residente ng 221 Riansarez  St., Legarda, Sampaloc, Maynila na mas makabubuting sumuko na lamang sa pulisya at harapin ang kanilang kaso.

Ang biktimang si Daniel Hernandez, 4th year college at taga 726 Molave St. San Jose Rodriguez, Rizal ay anak umano ng isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si SFO1 Aldrin Hernandez.

Matatandaan na naganap ang insidente dakong  1:40 ng madaling-araw sa labas ng “Lakay Billiards” sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nag-iinuman umano sa naturang bilyaran ang biktima at mga kaibigan nito ng dumating ang mga suspek na kakilala ng mga kasamang babae ng biktima.

Nalaman sa mga testigong si Mark Angelo Laza at Angelo Mendoza may nasabing hindi maganda ang suspek sa biktima na nauwi sa masamang tinginan at sagutan ng “pilosopo” hanggang sa lumabas ang magkapatid sa bar.

Sinundan umano ito ng biktima para kausapin pero kaagad umano itong sinaksak ni Ariel at nakipagsapakan naman ang kuya nito sa iba pang kasama ng biktima.

Nang makitang may tama ang biktima mabilis na tumakas ang magkapatid sakay ng Toyota Vios na may plakang AAO 8021 na pag-aari umano ng kanilang ina .

Inabandona rin umano ng magkapatid ang sasakyan sa harap ng kanilang bahay kung saan dito narekober ng mga pulis ang ginamit na .29 balisong ng suspek at may nakita rin dugo sa loob ng sasakyan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Carnapper, todas sa pulis

$
0
0

ISANG hinihinalang carnapper ang napatay nang makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang suspek na inilarawan na may edad sa pagitan ng 35-40, may taas na 5’4 at may tatto sa katawan, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Sa report ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District (MPD)- homicide section, nangyari ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa Delbros, Gate 14, Parola compound, Tondo.

Ayon sa salaysay ni Nicole Moreno, 16 ng 113 Wagas St., Tondo, minamaneho nito ang kanyang motorsiklo na Mio I-125 at binabagtas ang naturang lugar nang dikitan siya ng riding in tandem, tinutukan ng baril saka binangga ang minamanehong motor at sapilitang tinangay.

Walang nagawa si Moreno kundi ibigay ang kanyang motor, hanggang sa madaanan siya ng ng isang miyembro ng Tactical Motorcycle Rider Unit (TMRU) na siyang tumulong at nag dala sa kanya sa MPD- Station 2 kung saan nagsagawa ng dragnet operation laban sa mga suspek sa pamumuno ni SPO3 Cesario Martin

Namataan ang suspek kung saan nagkaroon ng habulan hanggang sa paputukan siya dahilan upang gumanti si Martin at tamaan ang suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Drug bust kinasa, 11 timbog

$
0
0

LABING-ISA katao kabilang ang 66-anyos na lolo ang naaresto sa isinagawang anti-drug operation sa Tondo, Maynila .

Ayon sa MPD-Station 1 , isinagawa ang operation kasama ang Philippine Drug Enforcement Unit kung saan sinalakay ang Room 301, Building 11 sa Barangay 101 Vitas Katuparan sa bisa ng search warrant.

Dito nagresulta ang pagkakaaresto ng mga suspek kabilang ang pito na matagal na umanong nasa drug watchlist ng MPD-Station 1.

Nasamsam din ng mga otoridad ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu, isang sumpak na kargado ng isang 12 gauge na bala at mga drug paraphernalia.

Nabatid na sa nasabing kuwarto umano ginagawa ang illegal na aktibidad ng mga suspek.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

Sasampahan din ang nahulihan ng sumpak sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Sundalo patay sa bakbakan sa Kalinga

$
0
0

BALBALAN, KALINGA – Nasawi ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos makabarilan ng kaniyang tropa ang nasa 20 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nasabing bayan kahapon ng umaga, March 11.

Ayong kay B/Gen. Leopoldo Imbag Jr., unit commander, nagpapatrolya ang 50th Infantry Battalion ng PA sa Sitio Gesang, Poblacion nang biglang magpaputok ang mga rebelde.

Ayon kay Imbag, gumanti sila ng putok sa mga rebeldeng nagtago 25 metro mula sa isang guard post.

Tumagal nang nasa 20 minuto ang bakbakan, kung saan nagpasabog pa ng granada ang mga NPA.

“One of our troops unfortunately ended as casualty,” ani Imbang.

Samantala, tiniyak ng opisyal na magpapatuloy ang pag-alalay ng mga sundalo sa mga programa ng lokal na pamahalaan at pagbibigay ng seguridad sa mga residente, katuwang ang pulisya.

Ayon sa unit commander, pinaigting na ang mga checkpoint sa Balbalan habang patuloy na iniimbestigahan kung saan nagmula ang mga rebelde. ALLAN BERGONIA

 

Seguridad sa mga daungan hihigpitan

$
0
0

PAIIGTINGIN na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghihigpit sa seguridad sa lahat ng daungan sa bansa at terminal ng ferry para sa paghahanda sa Mahal na Araw.

Kaugnay nito ay inatasan ni PCG Commandant Rear Admiral Elson E Hermogino ang lahat ng Coast Guard units sa buong bansa na tiyaking ligtas at komportable ang mga paglalayag ng publiko na uuwi sa iba’t ibang lalawigan upang gunitain ang Mahal na Araw.

Ayon kay Rear Admiral Hermogino nasa alert status ang lahat ng PCG unit sa buong bansa mula Marso 25 hanggang Abril 1, 2018.

Lahat ng coast guard commander ay inatasan din ni Hermogino na higpitan ang pagpapatupad ng maximum security measures at panatilin ang regular na pagmamanman sa lahat ng daungan sa bansa.

Partikular na pinatututukan ni Hermogino ang pag-i-inspeksiyon sa mga bibiyaheng barko, ang pre-departure inspection lalo na sa bilang ng mga pasahero, mga dokumento ng barko gaya ng manipesto bago payagang makapaglayag.JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mga colorum na van sa Maynila, hinuli ng i-Act

$
0
0

ILANG colorum na pampasaherong van ang hindi nakaligtas sa mga tauhan ng Inter Agency Council on Traffic o i-ACT matapos silang harangin kaninang umaga sa Paco, Maynila .

Ayon sa i-ACT, nagkataon lamang na sila ay dumadaan sa kahabaan ng San Marcelino nang mapuna ang sunud-sunod na van na may tinted na salamin at gaantenna.

Kanila itong sinundan at pagsapit sa harap ng Manila Police District headquarters sa United Nations Avenue ay saka nila pinara ang mga sasakyan.

Sa pagtatanong ng mga tauhan ng i-ACT, inamin naman ng mga driver ng van na sila ay colorum na may rutang Tayuman, Sta, Cruz, Maynila patungong Buendia.

Dahil pawang kolorum, tinikitan ng i-ACT at dito nadiskubre ang isa sa mga tsuper na retiradong pulis.

Dinala naman sa impounding area ng i-ACT sa Marikina City ang mga naharang na sasakyan. JOCELYN DOMENDEN-TABANGCURA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>