Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Biyudo tinodas ng riding-in-tandem

$
0
0

LOVE triangle umano ang tinitignan motibo ng pulisya sa likod ng pagpatay sa 34-anyos biyudo matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo at katawan si Isagani Opiasa, 34, butcher ng Phase 2 Package 2 Block 63 Lot 17, Brgy. 176 Bagong Silang, habang mabilis namang tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang hindi kilalang mga suspek matapos ang insidente.

Sa nakalap na ulat kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 desk officer PO1 Reynante Duldulao, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo pauwi matapos nitong ihatid ang umano’y kanyang girlfriend malapit sa bahay nito dakong alas-11:20 ng gabi nang harangin siya ng riding-in-tandem na mga suspek sa Phase 1, Package 2, Block 30 at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo at katawan.

Sinabi ni Barangay 176 Executive Officer Rolly Cebu sa interview, walang naging kaaway si Opiasa sa kanilang lugar at hindi rin ito nasangkot sa kahit anung iligal na aktibidad lalo na sa droga.

Gayunpaman, nilinaw ng pulisya na ang di-umanoy’ girlfriend ng biktima ay may-asawa at may apat na anak ang mga ito.

Ayon naman kay North Caloocan police head of investigators Senior Insp. Dennis Odtuhan, ang asawa ng umano’y girlfriend ng biktima ay isa umano sa mga person of interest sa pagpatay kay Opiasa. RENE MANAHAN


75-anyos na lola, 2 bebot, 16 atbp dinakma sa droga

$
0
0

NALAMBAT ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang 75-anyos na lola, dalawa pang babae at 16 na lalaki na sinasabing tulak ng droga sa isinagawang ’round the clock drug operations’ sa Quezon City kahapon ng madaling-araw Marso 13, 2018 (Martes).

Kinilala ni QCPD Dir. P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang mga nadakip na suspek na sina Lola Adelina Milan, 75-anyos, dalawang pang babae na sina Raquel Nocum, 21, Josefina Eugenio, 35, at mga lalaking sina Rick Gardose, 34, Zan Suguilon, 38, Alvin Orio, 42, Ronie Salandro, 52, Julvic Abong, 32, Manuel Rimando, 43, Clifford Dingley, 42, Adrian Manzano, 34, Teddy James, 31, Fernando Pasion, 47, Jorgio Santilliana, 18, Jonathan Abordo, 31, Bingo Arispe, 19, Melvin Tacuyan, 28, Alexis Baniqued,29.

Ang mga suspek ay naaresto dakong alas-2:00 hanggang alas-6:00 ng umaga sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng QCPD.

Mismong mga residente ng Quezon City ang nagbibigay na ng impormasyon sa mga awtoridad hinggil sa umano’y pagtutulak ng illegal na droga ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa 75 plastic sachet na naglalaman ng droga na nagkakahalaga ng P750,000 at ibat-ibang drug paraphernalia.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165, (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.)

Pinuri naman ni Gen. Eleazar ang mga station commanders at ang mga tauhan nito sa patuloy at agresibong operasyon kontra illegal na droga. SANTI CELARIO

BI officers bawal mag leave sa Holy Week

$
0
0

HINDI muna pinapayagang magbakasyon o mag-leave ang mga immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang malalaking paliparan bago at pagkatapos ng Mahal na Araw .

Ayon sa Bureau of Immigration, ito ay upang matiyak na sapat ang mga personnel na mangangasiwa sa mga bibiyahe sa panahon ng Lenten Season.

Sa report ni BI port operations division Marc Red Mariñas kay BI Commissioner Jaime Morente, nag-isyu ito ng memorandum na nagsasabing hindi na ito tatanggap pa ng aplikasyon para sa bakasyon at forced leave sa Marso 20 hanggang April 15.

Aniya, naglabas ito ng kautusan dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa mahabang Lenten break.

Sinabi naman ni Morente na kong kinakailangan ay nakahanda ang BI na pansamantalang magtalaga sa NAIA at iba pang paliparan ng karagdagang immigration officers na kasalukuyang nakatalaga sa BI offices sa loob at labas ng Metro Manila at ang 100 IOs na kasalukuyang sumasailalim sa Basic Immigration Officer Course sa Philippine Immigration Academy.

Katunayan, sinabi ni Morente na nitong nakaraang mga linggo ay naglabas na ito ng personnel orders para sa pagtatalaga ng ilang immigration officers sa paliparan sa Clark, Mactan, at Kalibo na nangangailan ng manpower augmentation dahil sa pagbubukas ng karagdagang flights. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Hiniwalayan ng misis, nagbigti

$
0
0

MULA nang hiwalayan ng misis ay naging malungkutin na ang isang 48 anyos na padre de pamilya dahilan para wakasan nito ang kanyang buhay kagabi sa Tondo, Maynila.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa pag -asang maisasalba pa ang buhay ng biktimang si Elias Bonifacio, may-asawa, walang hanapbuhay at taga 138 CP Garcia St. Tondo, Manila ngunit hindi na ito naisalba pa.

Ayon sa ina ng biktima na si Elvira, umalis siya ng bahay at pagdating niya dakong 6:10 ng gabi nagulat na lamang ito nang makitang nakabigti na ang anak.

Agad naman itong nagpasaklolo sa mga kapitbahay upang madala sa nasabing pagamutan ang biktima.

Dagdag pa ni Elvira, mula nang hiwalayan ng kanyang misis ay naging malulungkutin na ang kanyang anak.

Tumanggi naman si Elvira na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng anak sa paniniwalang walang foul play sa pagkamatay ng biktima. JOCELYN-TABANGCURA DOMENDEN

Kagawad, huli sa droga

$
0
0

ARESTADO ang isang opisyal ng barangay kasama ang isang babae sa buy-bust operation sa Pandacan, Maynila kaninang madaling-araw.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban sa mga suspek na sina Ronald Falcis, 48, Barangay kagawad ng Barangay 852, Zone 93, at residente ng Lot 10, Block 7, Kahilum 3, Pandacan; at Jennifer Garilao, 43, dalaga, walang hanapbuhay at residente ng 2136 Pres. Quirino Avenue, kapwa sa Pandacan.

Dakong 1:10 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspek sa West Zamora Street, malapit sa Pres. Quirino Avenue sa Pandacan, batay sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Robert Domingo, commander ng Manila Police District (MPD)-Station 10 .

Nakatanggap umano ng report ang pulisya hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t nagkasa ng buy-bust operation laban sa kanila ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa kanilang pagka-aresto.

Dalawang pakete ng hinihinalang shabu, ibat-ibang drug paraphernalia at marked money na P1,000 ang nakumpiska mula sa mga suspek.

Nabatid na si Falcis ay hindi kasama sa drug watchlist ng MPD-Station 10 ngunit si Garilao naman ay kasama sa naturang listahan bilang isang drug user.JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Binatilyo tinarakan sa harap ng ama, kritikal

$
0
0

NASA malubhang kalagayan ang 15-anyos na out of school youth (OSY) matapos saksakin sa harap mismo ng kanyang ama ng tatlong hindi kilalang suspek sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Si Jodry Dela Cruz ng 36 Katipunan St. Brgy. Bayan-Bayanan ay isinugod ng kanyang ama na si Rudy, 53 sa Tondo Medical Center kung saan ito inoobserbahan sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng batok.

Mabilis namang tumakas ang hindi kilalang mga suspek na pawang may edad na 28 hanggang 30 patungo sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

Ayon kina Malabon Police Women and Children’s Protecttion Desk (WCPD) investigators PO2 Diana Palmones at PO2 Mary June Belza, kasama ng biktima ang ama habang hinihintay ang kanyang girlfriend sa Katipunan St. Brgy. Bayan-Bayanan dakong alas-4 ng madaling-araw nang mula sa likod ay sumulpot ang mga suspek at walang sabi-sabing tinarakan sa batok ang binatilyo.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-operation ang mga tauhan ng Malabon Police Follow-Up Unit sa pangunguna ni Insp. Paul Dennis Javier subalit nabigo ang mga ito na matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek. ROGER PANIZAL

Tulak nanlaban sa buy-bust todas,1 sugatan, 2 arestado

$
0
0

TODAS ang isang hinihinalang drug pusher matapos umanong manlaban sa mga pulis habang nasugatan naman ang isa sa kasamahan nito at naaresto naman ang dalawa pa sa isinagawang drug buy-bust operation sa Quezon City ka gabi Marso 14, 2018 (Miyerkules).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar, ang napatay na suspek na si Abdul Asis Daimon, alias Rudy, residente ng Brgy.Payatas,QC.

Sugatan naman ang isa sa kasama ni Daimon na nakilalang si Xander Gal Dela Cruz, 18-anyos, habang naaresto naman sina Michael Mahinay, 37, ng Brgy.Payatas at Rizen Oclas Sobrepena,23 ng Brgy. Commonwealth.

Nabatid na isa pa sa kasamahan ng mga suspek sa pot session na nakilalang si Nazeer Sindato ay nakatakas habang nakikipagbarilan ang mga kasama nito sa awtoridad.

Ayon sa report, dakong alas-11:30 ng gabi nitong nakalipas na Miyerkules nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy-bust operation sa Lower Jasmin, Brgy.Payatas laban kay Daimon at sa mga kasamahan nito dahil umano sa pagtutulak ng iligal na droga.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu ng halagang P500.00 kay Daimon, subalit matapos ang transaksyon nakatunog si Daimon na may mga nakakalat na pulis sa paligid kaya agad itong pumasok sa kanilang bahay kung saan ay kasalukuyan namang nagsagagawa ng ‘shabu session’ ang mga kasamahan nito.

Nang malaman ng mga kasama ni Daimon na napapaligiran sila ng mga pulis agad nagpaputok ng baril si Dela Cruz na noon ay armado ng cal. 38 revolver kaya naman gumanti na rin ng putok ng baril ang mga awtoridad.

Ayon pa sa ulat sa halip na sumurender si Daimon ay kinuha pa nito ang kanyang shotgun at niratrat ang mga pulis na ikinasawi nito.

Nasamsam sa lugar na pinangyarihan ng engkwentro ang 15 sachets ng shabu, caliber .38 revolver na walang lisensiya, shot gun, buy-bust money at drug paraphernalia. SANTI CELARIO

20 menor de edad dinakma dahil sa paglabag sa curfew ordinance

$
0
0

DALAWANGPUNG kabataan na menor de edad ang dinakip ng mga pulis dahil sa paglabag sa City Ordinance No. 2301 (Quezon City Discipline Hours for Minors) ng lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Quezon City Police District station 3 Talipapa chief Supt. Danilo Mendoza ang mga dinakip na kabataan na may edad 15-taong gulang hanggang 17-taong gulang ay dahil sa ipinatutupad na city ordinance ng lungsod.

Nabatid sa ulat na dakong 3:40 ng madaling-araw dinakip ang mga naturang kabataan sa iba’t ibang barangay ng Brgy. Bahay Toro, Tandang Sora, Baesa, at Brgy. Culiat.

Sinabi ni Mendoza na nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng SACLEO (Station Anti Criminality Law Enfrocement Operation) na binubuo ng QCPD station 3 Talipapa, Barangay Public Safety Officer (BPSO) sa iba’t ibang barangay ng lungsod hinggil sa mga menor de edad na pakalat kalat sa kalye sa dis oras ng gabi.

Ayon kay Mendoza ang naturang operation ay bahagi ng kampanya ng PNP at local na pamahalaan ng Lungsod Quezon para maiiwas ang mga kabataan sa mga masasamang bisyo lalo na dis oras ng gabi.

Agad naman dinala ang mga hinuling menor de edad sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ng kanilang mga barangay. SANTI CELARIO


Pulis ‘Lubog’ sinabon ni NCRPO dir. Albayalde

$
0
0

SINABON ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde sa isinagawang general accounting and rank information sa Quirino Grandstand kaninang umaga ang
tinatayang 4,5999 na miyembro ng Manila Police District (MPD).

Partikular na kinastigo ni Albayalde ang mga pulis na tinatawanag na “lubog” o pumapasok lamang tuwing a-kinse at katapusan habang ang iba naman ay palaging nasa abroad.

Isang PO2 Alqueros ng MPD Station 6 na nasa ilalim ni Supt. Olivia Sagaysay ang nalaman na laging nasa ibang bansa at mayroong 11 travel sa abroad, habang hindi umano mahagilap ang isang police officer Diaz ng MPD Station 9 na nasa ilalim ni Supt. Eufronio Obong.

Ang dalawang pulis at kanilang station commander ayon sa heneral ay mananagot sa palpak na performance nina Alqueros at Diaz at maliban dito ay mayroon ding 5 na positibo sa paggamit ng bawal na droga.

Aminado si Albayalde na hindi niya kayang baguhin ang ugali ng lahat ng mga pulis sa Metro Manila ngunit habang sila ay nasa serbisyo ay dapat silang sumunod sa mga polisiya.

Hinimok din ni Albayalde ang mga pulis na magtrabaho bilang team, dahil hindi lamang individual performance ang tinitingnan kundi ang buo nilang hanay.

Kapag aniya pangit ang performance ng isang pulis, ang lahat ay nababahiran ng pagkakamali lalo na at nananaig ang command responsibility sa hanay ng PNP. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

“Sanglang-tira” Scam, 5 bebot, arestado

$
0
0

LIMANG babae na miyembro ng “Sanlang-Tira Scam” na nagsasabwatan sa pambibiktima sa mga nais magkaroon ng matutuluyang bahay sa pamamagitan ng sangla ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang entrapment operation sa Maynila.

Sasampahan ng kasong syndicated estafa sa Manila Prosecutor’s Office sa mga naarestong sina Melanie Pasai Languido, 55, residente ng Phase 2, Block 28, Lot 41, Pinagsama Village, Taguig City; Catherine Diorda Gumarang, 36, ng Block 19, Lot 15, Phase 2, Brgy. Pinagsama, taguguig; Eufemia Legarda Robles, 60, Block 47, Lot 32, Phase 2, Pinagsama, Taguig; Jelyn palacios Tolete, 45, ng Block 47, Lot 32, Phase 2, Pinagsama, at Olivia Domingo Aquino , 36, ng Block 22, Lot 26, Phase 2, Brgy. Pinagsama, Taguig.

Sa report ni SPO1 Dennis Insierto, dakong 3:35 ng hapon nang ikasa ang entrapment operation sa isang fast food chain sa Ramon Magsaysay Boulevard corner Pureza St., Sta. Mesa, Maynila.

Napag-alaman naman kay District Police Intelligence Operation Unit Chief,Chief Insp. Rosalino Ibay na apat na walk-in complainant ang unang naghain ng reklamo dahil sa panloloko ng mga suspek sa pamamagitan ng online scam na nakatangay na sa kanila ng mula P20,000 hanggang P30,000 kapalit ng mga pekeng dokumento na isinanglang bahay na maaring tirhan bilang interes.

Napaniwala umano ang mga biktima pero nabigo sila makuha ang sinasabing sanglang bahay na itinuturo sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at Cavite.

Nagsama-sama naman ang mga biktima at nagdesisyon na maghain ng reklamo laban sa mga suspek kung saan may tatlo pang bagong complainant ang naghain din ng kaparehong reklamo.

Ang huling complainant ay pinagsanglaan ng bahay sa Maynila at hiningan ng downpayment na P20,000 at nang malaman sa ibang biktima ang scam ng mga suspek ay humingi ng tulong sa DPIOU at ikinasa ang entrapment.

Nakipagkita ang biktima sa mga suspek para ibigay P28,000 bayad sa isinasanglang bahay sa isang fast food kung saan dinakip ang 5 babae. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Update: 5 patay sa sunog sa Manila Pavillion

$
0
0

UMABOT na sa lima ang kumpirmadong patay sa nasunog na Water Front Manila Pavillion Hotel and Casino sa United Nations Avenue corner Maria Orosa Street , Ermita, Maynila.

Huling nakitang patay sa loob ng CCTV room sa ikaapat na palapag ng gusali ang biktimang si Cris Sabido, na kawani rin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Tumagal ang sunog ng halos mahigit 25 oras na umabot sa Task Force Bravo .

Ayon kay Manila Fire Supt. Jonas Silvano , idineklarang fire out ang sunog ganap na alas 10:56 ng umaga kanina lamang, Marso 19, 2018.

Sa joint press briefing ng Pagcor, Manila Police District (MPD), Bureau of Fire Protection (BFP) at mga opisyal ng Manila Pavilion, nilinaw ni Ms. Carmelita Valdez, ang Assistant Vice-President at pinuno ng Corporate Communications Department ng Pagcor, na hindi patay si Jen Figueroa. Nakikipaglaban pa rin upang mabuhay at umaasa aniya siya na maka-survive.

Una nang naitala ang pagkamatay ng apat sa mga casualty na kinabibilangan nina Billy De Castro, Edilberto Braga Evangelista, Marlyn Omadto at John Mark Sabido.

Samantala, kabilang sa mga nasugatan na nasa Manila Doctors Hospital ay sina Tobias Cres Tamondong, Randy Antipala, Angelica Joyce Mercado Sebastian, Mary Joyce Rodil, Sheryl Hui Nin Foo, Takahiro Yano, Sahria Gaos, Marco Blanca Castandiello, Ae Kyeong Kim, Jennifer Cruz, Leced, Tuideo Sta. Rita, at Rey Tebelin.

Kaugnay nito, tiniyak ng pamunuan ng Pagcor na tutulungan ang mga namatay na kawani.

Personal na rin aniyang nakiramay si Pagcor Chairman Andre Domingo sa mga naulilang pamilya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

8-taon na batang babae dinukot sa loob ng paaralan

$
0
0

LABIS na takot at pag-aalala ang dinaranas ngayon ng mga magulang at kaanak ng isang walong taong gulang na batang babae na umanoy tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek mula sa loob ng isang paralan sa Caloocan City, kaninang umaga.

Nabatid na dakong 9:00 ng umaga ng mapansin ng guro ng biktimang hindi muna pinangalanan ang pagkawala nito sa loob ng kanyang silid aralan sa Kasarinlan Elementary school.

Ayon sa mga kamag-aral ng biktima nakita ng mga ito na tinawag ng hindi kilalang lalaki ang bata na kung saan ay agad itong lumapit at nakita na lamang ng mga ito na kasama ng lumabas ng nasabing paaralan.

Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang mga magulang ng biktima na kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon

Samantala, nagdulot naman ng bahagyang kaguluhan sa tapat ng gate ng naturang paaralan makaraang dumagsa ang ilang mga magulang ng mga batang mag-aaral matapos mabalitaan ang pagtangay sa biktima. RENE MANAHAN

Basurero nabagsakan ng pader, patay; 2 pa kritikal

$
0
0

PATAY ang isang basurero habang sugatan naman ang dalawa kasamahan nito matapos mabagsakan ng gumuhong pader habang nagpapahinga sa tabi nito sa Quezon City kahapon ng hapon Marso 18, 2018 (Linggo).

Ayon kay P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD),hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang basurerong si Jimmy Alcera,46,residente ng No.143 Calamba St.,Brgy. Sto. Domingo, sanhi nang pagkabasag ng bungo, at pagkabali ng buto sa katawan.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Orthopedic Hospital ang dalawa pang kasama nito na nakilalang sina Grace Cabigting, 29, dalaga, residente ng Maria Clara St., Brgy. Sto. Domingo, at Ronald Anoya, driver, at naninirahan sa Biak na Bato ng nasabing barangay. Sila ay nagtamo ng malalalim na pasa, sugat at pagkabali ng buto sa katawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 George Caculba ng CIDU, ang aksidente ay nangyari dakong alas-5:40 ng hapon nitong nakalipas na Linggo sa harapan ng No. 96 Don Manolo St., kanto ng Biak na Bato, Brgy. Sto. Domingo,QC..

Nabatid sa ulat na dahil sa tindi umano ng init at pagod sa pangangalakay ng basura ay nagpasya na maupo at magpahingi sa tabi ng nasabing pader ang biktima at ang dalawa pang kasama nito, subalit bigla na lamang bumigay ang kanilang sinasandalang concrete wall barrier.

Sa tindi nang pagkakaipit ng mga biktima sa pader ay agad na tumulong ang mga bystander at tumawag sa Disaster Risk Reduce Management Office (DRMMO) ng Quezon City Hall.

Matapos ang ilang oras ay naiahon ang mga biktima mula sa pagkakaipit sa pader at isinugod sa nabanggit na ospital subalit minalas na nasawi si Alcera. SANTI CELARIO

Pulis, 2 iba pa arestado sa buy-bust

$
0
0

ARESTADO ang isang aktibong pulis, isang retired pulis at isa pa sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police, PDEA sa Cubao, Quezon City kagabi Marso 18, 2018 (Linggo).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang nadakip na si Police Officer 2 (PO2) Joseph Soriano, 44, nakatalaga sa Police Holding and Accounting Unit (PHAU) ng Camp Crame, residente ng No. 268 14th Ave., Brgy. Socorro,Cubao, retired SPO1 Eduardo Valle, 53, ng San Jose Del Monte, Bulacan at Don Jacky Cortez, 32, ng No. 5 14th Ave.,Brgy. Socorro, Cubao,QC.

Ayon kay Eleazar si Soriano ay pumasok sa police service nitong nakalipas na September, 1997, at na-assigned sa iba’t ibang units sa Mindanao bagong napasailalim sa floating status sa PHAU sa Camp Crame matapos humiling ng early retirement dahil sa head injury na tinamo nito sa motorcycle accident.

Nabatid pa sa ulat na si Soriano at Cortez ay nasa PDEA target list at sila ay nasa under monitoring at surveillance ng QCPD station 7 Cubao anti-drugs personnel sa ilalim ni PSupt Louise Benjie Tremor at Barangay Officials of Brgy. Socorro.

Ayon sa ulat dakong 11:35 ng gabi March 18, 2018 (Linggo) nagsagawa ng buy-bust operation ang Station Anti-illegal Drug Enforcement Unit (SDEU) Cubao Police station 7 at PDEA sa harap ng gusali sa corner 10th Ave., at P. Tuazon Blvd. sa Cubao na nagresulta ng pag-aresto ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 19 sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P20,000.00, dalawang cellphone na ginagamit sa drug transactions at buy-bust money. SANTI CELARIO

Obrero, nilooban, binarili sa mata

$
0
0

INASINTA sa mata ng isang lalaking maskarado ang isang obrero nang looban sa kaniyang bahay at barilin habang naghahanda na sanang matulog sa Binondo, Maynila.

Dead on the spot ang biktimang si Ariel Cain, 37, construction worker, at residente ng 0553 Area H, Gate 58, Parola Compound, Binondo, bunsod ng isang tama ng bala sa kanyang kaliwang mata.

Nakatakas naman ang suspek, na hindi pa batid ang pagkakakilanlan.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong 7:28 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Mary Jean Sumaya, 39, nakahiga na ang biktima nang bigla na lang pumasok sa kanilang tahanan ang di kilalang lalaki, at kaagad itong binaril sa kaliwang mata bago tumakas.

Agad namang nagpasaklolo si Sumaya sa kapitbahay upang maisugod sa ospital ang biktima subalit patay na rin ito.

Bigo naman si Sumaya na makilala ang suspek dahil sa suot nitong itim na maskara.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo sa krimen. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Siargao binabantayan, 49 negosyante inangasan

$
0
0

INATASAN kahapon (March 20) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 49 na negosyante upang ayusin ang mga kinakaharap nilang environmental problems.

Ayon kay Environment and Natural Resources Secretary Roy A. Cimatu, kailangan masiguro ang maayos na pagpapatupad ng “responsible ecotourism” sa Siargao, Surigao del Norte dahil sikat na sikat na ito sa buong mundo.

Ani Cimatu, kapuri-puri ang DENR-CARAGA regional office sa mabilis nilang pagresponde sa kanyang kautusang kilalanin ang mga tourism service providers na lumabag sa environmental laws.

Aniya, dalawang buwan pa lamang mula ng magbigay siya ng kautusan ngunit maagap ang DENR-CARAGA na alamin kung sino ang mga negosyanteng pasaway.

Nais ni Cimatu na panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng lugar, lalo pa ait ito umano ang itinuturing na international surfing capital sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng DENR-CARAGA, may 148 negosyante sa Siargao Island, at 49 dito ang nabigyan ng notice of violations (NOVs) dahil sa paglabag sa Clean Air Act, Clean Water Act, o Environmental Impact Statement System.

Ang kalupaan at karagatan ng Siargao ay klasipikadong protected area, kahit naging paborito itong destinasyon ng mga international surfers.

Dinaragsa rin ng mga turista ang buong isla.

Kadalasang paglabag ng nga negosyante ay kawalan ng environmental compliance certificates (ECCs) at kawalan ng sewage treatment facilities.

“Right now, they are serving notices of violations to the identified establishments, and by the end of the month, they aim to finish serving them, conducting the associated technical conferences, and determining whether to elevate the case to the Pollution Adjudication Board,” Cimatu said.

Kasama sa tinututukan ngayon ng DENR-CARAGA ang mga problemang maaaring makasira sa kalikasan tulad ng kalidad ng maiinom na tubig, pag-iisyu ng business permit ng gobyernong lokal ng walang ECC, kawalan ng sewage and septage treatment facilities, coastal encroachment, palpak na solid waste management, kakulangan ng drainage system, at hindi tamang paggamit ng environmental fee.

Samantala, humihingi ng suporta ang LGU ng Siargao upang maaprobahan agad ang 10-taong solid waste management plans.

Kailangan din umano nilang gumawa ng sanitary landfill, magkaroon ng koordinasyon sa pagkalap at treatment ng basura, sewage at septage, mahigpit na pagpapatupad ng ECC bilang requirement sa mga business permits, at pag-aatas sa lahat ng resort at iba pang establisimyentong magkaroon ng sarili nilang sewage treatment plants. NENET L. VILLAFANIA

NBI sasali sa imbestigasyon sa sunog sa Manila Pavilion

$
0
0

PAIIMBESTIGAHAN na rin sa National Bureau of Investigation ( NBI) ang sunog sa Manila Pavilion na ikinamatay ng limang kawani ng PAGCOR.

Sa kautusan ni Justice Secretary Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa NBI na alamin kong mayroon criminal, civil at administrative na pananagutan sa panig ng gobyerno at may-ari ng nasunog na Hotel .

Pinakakasuhan rin ni Aguirre sa NBI ang sinumang mapapatunayang may pananagutan.

Tumagal ang naturang sunog ng 25 oras kung saan bukod sa mga nasawi ay mahigit 20 empleyado at guest din ang kinailangan isugod sa Manila Doctors Hospital.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection(BFP) ang naging sanhi ng malaking sunog na sinasabing mula sa pagwe-welding ng mga trabahador sa ilang bahagi ng gusali na under renovation.

Aalamin din ang ulat na walang alarm system at water sprinklers ang hotel.

Kahapon nagsimula na sa Occular Inspection ang BFP sa 22 palapag na hotel at nagsimula na rin na ilabas ang mga gamit ng hotel.

Tinatayang aabot naman sa P150 milyon pinsala sa naganap na sunog. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Natustang katawan sa Manila Pavilion, isasalang sa DNA

$
0
0

ISASALANG sa DNA examination ang labi ng isa sa nakuhang bangkay sa natupok na Manila Pavillion sa Ermita , Maynila .

Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno, ang pinuno ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection sa Maynila, hindi na makilala ang bangkay ni
Jocris Banang, ang operator ng closed-circuit television o CCTV operator na natagpuan sa ilalim ng data video recording equipment dahil sunog-sunog ang katawan.

Sinabi ng opisyal na nais nilang maging maayos ang pagproseso ng pamilya ng biktima sa death certificate nito gayundin sa pag-asikaso sa mga benepisyo na maaari nilang makuha.

Sa proseso ng DNA examination, kukuha ng tissue sa katawan ng biktima na ikukumpara sa tissue sample na kukunin sa isa sa mga miyembro ng pamilya Banang.

Si Banang ay kinilala ng mga opisyal ng PAGCOR.

Siya rin ang unang iniulat na nawawala at natagpuang sunog sa isinagawang search and rescue operation ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kinilala ang iba pang namatay na sina John Mark Sabido, Edilberto Evangelista, Marilyn Omadto at Billy Rey de Castro. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lalaki na dumukot at nanghalay sa 8-anyos na paslit, arestado

$
0
0

ARESTADO ang 29-anyos na construction worker na dumukot at nanghalay umano sa 8-anyos na batang babae na pamangkin ng kanyang dating asawa matapos itong dukutin sa loob ng isang paaralan Caloocan City.

Naging maagap naman ang mga umarestong tanod ng Barangay 28 at pulis upang hindi makuyog ng mga galit na residente ang suspek na si Herbert Tagulao, dating residente ng Blk 87 Lot 16 Kawal St. Dagat-Dagatan matapos dumagsa ang mga ito sa himpilan ng Barangay kung saan ito unang dinala bago inilipat sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay Caloocan deputy chief for administration Supt. Ferdinand Del Rosario, inaresto din ng pulisya ang live-in partner ng suspek na si Airis Jandog, 29 ng Aladin Compound, Tanigue St. na kasama rin bilang kasabwat sa kasong kidnapping, rape at paglabag sa R.A. 7610 matapos masaksihan ang kanyang live-in partner na minomolestiya umano ang hubad na katawan ng bata subalit wala itong ginawa at sa halip ay p[nalitan ang mga damit ng biktima bago dinala ang paslit sa C-3 Road sa tapat Frabelle Foods at iniwan dakong 1 ng hapon.

Nauna rito, tinangay umano ng suspek ang biktima sa classroom nito sa Kasarinlan Elementary School sa Tuna Street., Brgy 28 na hindi alam at walang pahintulot ng mga magulang ng bata dakong 9 ng Lunes ng umaga at dinala sa bahay ng kanyang live-in partner at doon ginawwan ng kahalayan.

Inamin ng suspek sa pulisya at mga opisyal ng barangay 28 na ginawan niya ng kahalayan ang biktima subalit, kalaunan ay itinanggi nito at sinabi na naghaharutan lang sila ng bata.

“Ang sabi ng suspek, naghaharutan lang daw sila ng bata at hindi raw niya hinalay,” pahayag ng pulisya.

Gayunpaman, sinabi ng biktima sa pulisya na tinanggal ng suspek ang kanyang mga saplot saka dinilaan umano ang pribadong parte ng katawan ng paslit at ipinasok ang daliri nito sa bibig bago tinangkang takpan gamit ang unan.

Nang pumasok sa bahay ang live-in partner ng suspek, nasaksihan niya ang insidente subalit nagkunwari lamang na walang nakita.

Putok ang nguso at lagas ang ilang ngipin ng bata ng ito ay marekober na sinaktan din siya ng suspek ng kanya itong kalmutin habang ginagawan ng kalaswaan.

Wala ring suot na brief ang suspek ng ito ay maaresto na kung saan naiwan nito ang duguang panloob sa bahay ng kinakasama. RENE MANAHAN

8 sugarol dinampot, shabu nasamsam

$
0
0

WALO katao kabilang ang 5 babae ang inaresto matapos maaktuhang nagsusugal at makuhanan pa ng shabu sa isang eskinita malapit sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay Barbosa PCP Commander Chief Inspector Marlon Mallorca, tatlo sa inaresto ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa illegal na droga kabilang na ang mag-live in partner na sina Jaspher Mateo at Ronalyn Angeles at maging si Rose Ann Angeles habang ang iba naman ay nasa drugs watchlist ng barangay.

Isang concerned citizen umano ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya hinggil sa nagaganap na bentahan ng
illegal na droga habang nagka-cara-cruz at nagbabaraha ang mga walong suspek.

Nakakuha ang pulisya ng kabuuang 14 na sachet ng shabu na may street value na P7,000.

Aminado sina Mateo at Angeles na sa kanila nakuha ang ilang sachet pero itinanggi ang alegasyon na nagtutulak sila ng shabu.

Depensa naman ni Roxas, napadaan lang siya sa lugar at matagal na siyang huminto sa paggamit ng shabu.

Isasailalim sa inquest proceeding sa kaso ng illegal gambling at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live