Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

2 sa riding-in-trio na holdaper, dedbol

$
0
0

DALAWA sa tatlong riding in trio na holdaper ang tumimbuwang nang makipagpalitan ng putoj sa mga tauhan ng Manila-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kagabi sa likod ng Post Office, Ermita, Maynila.

Inilarawan niya PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District -homicide section, ang mga nasawing suspek na nasa edad 25-35 .

Habang nakatakas ang isa nilang kasamahan sakay ng isang motorsiklo walang plaka.

Naganap umano ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, isang mag-asawa ang nagreklamo sa Manila-CIDG matapos silang holdapin sa bahagi ng Dapitan St. corner Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila.

Kasama ang mga biktima ay kaagad na nagsagawa ng follow up operation ang mga awtoridad at makalipas ang isang oras, nakita ang tatlong suspek na nakasakay sa motorsiklo na tumutugma sa deskripsiyon sa mga humoldap sa mag-asawa.

Sinundan umano ng mga pulis ang mga suspek pero pagdating sa likod ng post office, bigla umanong bumunot ng baril ang mga suspek at nagpaputok sa direksyon ng mga pulis dahilan upang gumanti ng putok na nagresulta ng kamatayan ng dalawa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


5 arestado, 1 sugatan sa buy-bust operation

$
0
0

LIMA ang dinakip habang isa naman ang nasugatan sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy.Payatas,Quezon City kahapon ng hapon Marso 20, 2018 (Martes).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar ang mga dinakip na sina Enrique Quiambao , 32, alias Kalabaw at Ramil Calzado, 22, kapwa ng Brgy. Payatas, QC.

Ayon kay Eleazar nadakip ang dalawa dakong 4:30 ng hapon nitong nakalipas na Martes sa No. 105 La Trinidad St.,Payatas B.,Brgy. Payatas,QC.

Sinabi sa ulat na isang undercover police ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng shabu ng halagang P500 kay Quimbao at Calzado matapos ang transaksyon nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya tumakbo ito sa loob ng bahay ni Quimbao.

Agad bumunot ng baril na cal..38 revolver si Calzado at pinaputukan ang mga pulis na gumanti naman ng putok ng baril na ikinasugat ni Calzado sa kanan binti.

Kaugnay nito apat pang suspek ang nadakip ng mga pulis na kinilala na sina Fedelito Calzado,52, Remigio Calzado,22, ng La Trinidad St.,Payatas B, Brgy. Payatas, Ringo Bunuan,43, ng Majaas St.,Brgy. Payatas at Mark Atanacio, 26 ng Brgy. Commonwealth na nadakip sa bahay ni Quimbao at nahulihan ng iba’t ibang sachets ng shabu ang mga suspek.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 28 sachets ng shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P80,000.00,dalawang maliit na timbangan,drug paraphernalia, buy-bust money at hindi lisensyadong cal. .38 revolver at bala. SANTI CELARIO

72-anyos binaril sa mukha dahil sa babae

$
0
0

NASA bingit ng kamatayan ang 72-anyos na presidente ng senior citizen matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek na sakay sa motorsiklo kaninang madaling-araw, March 21, sa Malabon City,

Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktimang si Virgilio Geronimo, 72, ng 59 Flores St., Brgy., Flores.

Kasalukuyang nag sasagawa ng follow-up imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang suspek na nakasuot ng helmet, itim na jacket at maong short pants.

Ayon kay Malabon police Sr. Insp. Carlos Cosme Jr., dakong alas-5:05 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Flores Street.

Base sa pinagsamang imbestigasyon nina SPO1 Rolando Hernando at PO3 Randy Billedo, nagwawalis ang biktima sa harap ng kanilang bahay habang may kausap na isang babae nang dumating ang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing binaril ito sa mukha.

Narinig naman ng mga tauhan ng PCP-5 ang insidente kaya agad rumesponde ang mga ito sa naturang lugar subalit, mabilis na nakatakas ang suspek sa hindi matukoy direksyon habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan.

Isang basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene habang ayon asawa ni Geronimo, ang biktima ay dating nagkaroon ng relasyon sa ilang babae na inaalam na ng pulisya kung isa ito sa posibleng motibo sa pag tangkang pagpatay sa biktima. ROGER PANIZAL

12,000 pulis ipapakalat sa NCR para sa Semana Santa

$
0
0

MAGPAPAKALAT ng aabot sa 11,800 pulisya ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Metro Manila para sa darating na Semana Santa.

Sa isang panayam, sinabi ni NCRPO chief Oscar Albayalde na ipinag-utos ang mga pulis na magpatrolya sa mga komunidad para maiwasan ang insidente ng pagnanakaw sa mga maiiwang bahay ng mga magbabakasyon.

Aniya, kadalasan kasing nangyayari ang modus ng salisi at akyat-bahay tuwing Semana Santa para samantalahin ang pag-uwi sa mga probinsya ng libu-libong residente sa Metro Manila.

Tututukan rin aniya ng pwersa ng mga pulis ang mga pampublikong lugar tulad ng malls, mga paliparan, pantalan at bus terminals sa Quezon City, Pasay at Maynila.

Dagdag pa nito, magpapatuloy din ang anti-drugs operations ng pulisya sa kasagsagan ng Holy Week. JOHNNY ARASGA

Patay sa Manila Pavilion Fire umakyat sa 6

$
0
0

UPDATE: Binawian na rin ng buhay ang isa pang empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na unang iniulat na kritikal sa naganap na sunog sa Manila Pavillion sa United Nations Avenue corner Ma. Orosa St., sa Ermita, Maynila noong Linggo ng umaga.

Kinumpirma ng pamunuan ng PAGCOR, na si Jennilyn Figueroa, 28 , at Internal Security Staff sa Casino Filipino Pavilion ay nalagutan ng hininga kaninang madaling-araw sa Manila Doctors Hospital matapos ang tatlong araw na malagay sa kritikal na kondisyon.

Bukod kay Figueroa, limang iba pa ang nauna nang iniulat na namatay sa sunog sa nasabing hotel na tumagal ng 25 oras.

Sila ay nakilalang sina Billy De Castro; Edilberto Braga Evangelista; Marlyn Omadto at John Mark Sabido, at Jo Cris Sabido na pawang mga kawani ng PAGCOR.

Nangako naman ang pamunuan ng PAGCOR na kanilang tutulongan ang pamilya ng mga biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

2 holdaper bulagta sa mga parak

$
0
0

BULAGTA ang dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga pulis kagabi sa Binondo, Maynila.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek na positibong kinilala ng biktima babae.

Ayon sa biktima, nag-aabang ito nang masasakyan sa Plaza Cervantes mula sa maghapong paghahanap ng trabaho nang lapitan siya ng mga suspek na nakamotorsiklo.

Tinutukan pa umano ang biktina ng baril at mabilis na inagaw ang kanyang bag na may lamang mahahalagang gamit kaya ito nagsisigaw na nakaagaw ng pansin ng mga naka-duty na pulis malapit sa outpost.

Agad naman inasistihan ng mga awtoridad ang biktima at isinama sa follow up operation kung saan nagkaroon pa ng habulan hanggang sa pagsapit sa bahagi ng San Miguel sa Binondo ay nagpaputok ang mga suspek .

Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta ng kamatayan ng dalawa.

Ayon kay Chief Insp. Fernando Reyes, hepe ng Gandara Police Community Precinct, isinugod pa sa ospital ang mga suspek ngunit idineklarang patay na.

Narekober sa kanila ang 2 kalibre .38 na baril at ang bag ng biktima. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Bangka tumaob, lola patay

$
0
0

BUGALLON, PANGASINAN – Isang 64-anyos na babae ang patay habang apat pa ang isinugod sa ospital matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka sa Agno River parte ng Barangay Bolaeon sa bayan ng Bugallon.

Kinilala ng Bugallon police ang biktima na si Premitiva Aguilan, ng Sitio Pangapisan, Barangay Lasip, Lingayen, Pangasinan.

Samantala, ang mga patuloy na ginagamot sa Bugallon hospital ay sina Mariel Prado, 19, estudyante; Joey Prado, 30; Helen Prado at Hernacio Aguilan, asama ni Premitiva.

Sa imbestigasyon, sinabi ng Bugallon police na may karga umano ang bangka na mais kasama ang mga biktima kung kaya’t na overload ito.

Dahil sa bigat ng bangka, hindi na-control ng bangkero ang nasabing bangka at tumaob.

Itinakbo si Premitiva sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead-on-the spot.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot ang mga nakaligtas sa nasabing insidente. ALLAN BERGONIA

Top 2 most wanted person tiklo!

$
0
0

ARESTADO ang isang 37-anyos na top 2 most wanted person ng Maynila na kasapi din sa isang vigilante group na naglilikida sa mga tulak na hindi nagreremit ng bayad sa iligal na droga, sa ikinasang operasyon sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Chief Inspector Rosalino Ibay, Jr., hepe ng Manila Police District-District Police Intelligence Operations Unit (MPD-DPIOU), nagsanib ang kanilang puwersa sa grupo ni C/Insp. Niño Lope Briones nang arestuhin ang wanted na si Manuel Zamora Murillo alyas Joel, 37, may-asawa at residente ng St. Peter, Tondo, Maynila sa kasong murder.

Una na umanong nadakip si Murillo noong Pebrero 8, 2017 sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Possession of Firearms and Ammunitions) at Batas Pambansa 6 (Illegal Possession of Bladed Weapon) kasama ang iba pang suspek na sina Marco Morallos alyas Naldo, 30 at Alfredo Alejan, Jr., 42, ng Temporary Housing, Vitas, Tondo, Maynila, subalit nakalaya si Murillo dahil sa piyansa.

Ginamit ng mga awtoridad ang ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Presiding Judge Ma. Silverio Castillo ng Branch 48, ang warrant of arrest laban kay Murillo sa Article 248 ng Revised Penal Code o murder criminal case nos. 17-333680 bilang ‘no bail’.

Ilang linggong surveiilance ang isinagawa ng DPIOU at nang matunton ang kinaroroonan nito, alas 2:30 ng hapon nitong Marso 21, 2018 (Miyerkules) ay nalambat si Murillo sa panulukan ng Antonio Villegas, malapit sa panulukan ng Taft Avenue, sa Ermita, Maynila.

Kasalukuyang nakapiit na sa MPD Integrtaed Jail sa MPD headquarters ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order para sa paglilipat sa Manila City Jail.

Naitala si Murillo bilang top 2 most wanted sa lungsod dahil sa mga kaso ng vigilante killing sa Tondo na sangkot ang kaniyang grupo. CRISMON HERAMIS


Religious leader na rumaraket bilang hitman, arestado sa Taguig

$
0
0

NASAKOTE ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang religious leader na rumaraket bilang hitman.

Nabatid na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong homicide at carjacking ang suspek na hindi pa pinangalanan.

Nadakip ang suspek sa Road 17, Roldan St., Purok Dos, Kangkungan, New Lower Bicutan, Taguig, malapit sa isang Mosque.

Nakuha rito ang ang isang granada at isang submachine gun.

Bukod dito, apat na drug suspects din ang naaresto sa buy-bust operation ng Taguig PNP at drug enforcement unit ng Southern Police District (SPD) sa lugar. JOHNNY ARASGA

2 dead-on-spot sa salpukan ng truck at motor

$
0
0

BAUANG, LA UNION – Dead-on-the spot ang dalawang lalaki na nakasakay sa motosiklo matapos suwagin ng isang truck sa national highway sa Barangay Santiago, Bauang sa nasabing lalawigan kahapon, March 23.

Kinilala ang mga biktima na sina Hazer Arsay at Benjamin Buscas, parehong taga Barangay Urayong sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Bauang police, binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Barangay Santiago ng biglang nag overtake ang isang truck na minamaneho ni Romeo Dizon sa isa 10-wheeler truck.

Dito, nakasalubong ni Buscas sina Arsay at Dizon na nakasakay sa motorsiklo at binangga ang mga ito (mga biktima).

Sa lakas ng impact, nagka lasog-lasong ang mga biktima sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Suka namang sumuko si Dizon sa Bauang police at sinampahan ng kasong reckless driving resulting to double homicide na nakakulong ngayon sa detention cell ng Bauang police. ALLAN BERGONIA

AWOL na pulis, 2 pa naaresto sa shabu

$
0
0

DALAWA pang kasamahan ng AWOL na dating pulis ang naaresto sa ikinasang buy bust operation ng Manila Police District-Station 5 sa Malate, Maynila, kaninang umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Salvador Tangdol, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng MPD-Station 5, ang mga suspek na sina PO2 Francisco Balao Ylagan alyas “Boss”, 41 anyos, may-asawa at residente ng no. 1923 F. Leveriza st., Pasay City; Nielsen Mosqueda, 39, tricycle driver at residente ng no. 142 Maginhawa st., Pasay City at Jessica Grace Estores Cabrera, alyas “Negra” , 20 anyos, at residente ng no. 2150 Maginhawa st., Malate.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang tanggapan ni Tangdol hinggil sa illegal na aktibidad ni Ylagan dahilan upang magkasa ng operasyon.

Nagpanggap na poseur buyer ang isa niyang tauhan at nagkasundo na idedeliber ang shabu sa panulukan ng Quintos at MH Del PIlar sts.

Dumating sa lugar si PO2 Ylagan sakay ng tricycle kasama si Cabrera at ang nagmaneho ng tricycle na si Mosqueda.

Nang magka-abutan na ng pera at droga, dito na inaresto ang tatlo.

Depensa naman ni Mosqueda na isinakay lamang niya bilang pasahero ang dalawa.

Narekober mula sa mga suspek ang 21 sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust , isang itim na wallet na may NBI Badge at naglalaman din ng PNP ID ni PO2 Ylagan, police clearance ID at Florida driver’s license.

Isinumite na sa PNP-Crime Laboratory Office ang mga nakalap na ebidensiya para sa qualitative at quantitative examination na gagamiting ebidensiya para sa inihahandang reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002 ) na ihahain sa Manila Prosecutor’s Office. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Miyembro ng sindikatong nanghoholdap ng Bumbay, timbog

$
0
0

ISA pang 36-anyos na gangster at miyembro nang sindikato na nambibiktima ng mga Indian national na nagpapautang ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang follow-up operation at “Oplan Galugad” ng kapulisan sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng MPD-Station 6 (Sta. Ana), ang suspek na si Antonio Carayacay, binata, walang trabaho, miyembro ng Bahala Na Gang, ng 1661 Estrada St., San Andres Bukid.

Si Carayacay ay naaresto makaraang ireklamo ng biktimang si Nachatter Singh, Indian National, 24, binata, negosyante, ng 428 Bacood St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:30 ng hapon ng holdapin ng suspek ang biktiman sa Estrada St. malapit sa kanto ng Onyx St., San Andres Bukid.

Nabatid na naniningil ang biktima ng kanyang mga pautang nang biglang sumulpot sa nasabing lugar ang suspek at tinutukan siya ng patalim sabay deklara ng holdap saka tinangay ang mamahaling cellphone ng biktima gayundin ang nasa mahigit P3,000 cash na nakolekta nito at mabilis na tumakas patungong Zobel St., San Andres.

Matapos ang pangyayari ay agad nagreklamo sa pulisya ang biktima at nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkaka-aresto sa suspek makaraang mamataan itong nakatambay at tila naghihintay ng bagong bibiktimahin sa Estrada St., Sta. Ana, Maynila.

Nakumpiska sa suspek ang isang patalim, apat na bala (live ammunition), at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Nahaharap sa kasong robbery hold-up, paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act), at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang naarestong suspek.

Matatandaan na kamakailan lamang ay naaresto ang dalawang holdaper na hinihinalang kasamahan ni Carayacay na kinilalang sina Raymond Dulot, 30, Christian Martin, 18, binata, kapwa taga-San Andres Bukid makarang ireklamo din ang mga ito na nangholdap ng Indian National habang nangongolekta ng kanilang mga pautang sa San Andres Bukid.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga Indian National na mag-ingat laban sa mga masasamang loob at tiniyak nila na patuloy ang kanilang isinasagawang operasyon upang tuluyang malansag ang grupo o sindikato ng mga holdaper na ang target ay ang mga nasabing dayuhan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lalaking may insomia, nagbigti

$
0
0

NAGPAKATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang lalaki dahil sa karamdamang sakit na insomnia kaninang umaga March 25 sa Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Glenn Manuguid, 33-anyos na nadiskubre ng kanyang ama na si Primo, 62, na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa 215 Sitio 6, Brgy, Catmon dakong alas-8:30 ng umaga.

Batay sa pahayag ng ama ng biktima kina Malabon police investigators SPO1 Rolando Hernando at PO3 Randy Billedo, umalis siya sa kanilang bahay at naiwang mag-isa ang biktima.

Makalipas ang kalahating oras, bumalik si Primo at laking gulat na lamang nito nang maabutan ang anak na nakabigti na gamit ang pulang nylon cord na nakapulupot sa kanyang leeg habang ang dulo ay nakatali naman sa kahoy ng kisame.

Agad pinutol ng ama ang tali sa leeg ng anak subalit wala na itong buhay kaya ipinaalam na lamang ang insidente sa pulisya, habang ayon kay Primo may insomnia ang biktima at ilang araw na itong hindi nakakatulog na isa sa posibleng dahilan ng pagpakamatay nito.

Ganun paman patuloy ang follow-up imbestigasyon ng pulisya mara malaman kung may naganap na foul play sa insidente. ROGER PANIZAL

Lolo, sugatan nang hatawin ng dos por dos ng apo

$
0
0

SWAK sa kulungan ang 40-anyos na lapastangang apo matapos hatawin sa ulo ng kahoy ang kanyang lolo nang pagsabihan siya ng biktima na tigilan na ang pag-inum ng alak at matulog na lamang sa kanilang bahay sa Malabon City, Linggo ng gabi March 25.

Ayon kay Malabon police head of investigators Insp. Paul Dennis Javier, nakapiit ngayon ang suspek na si Fronie Castillo ng 386 Custudio St., habang inoobserbahan naman sa Valenzuela Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at daliri ang biktimang si Julio Padua, 83 ng 393 Custudio St., Padua compound Brgy. Santulan.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Rolando Hernando, dakong alas-8 ng gabi, inawat ng biktima ang suspek saka sinabihang tigilan na ang pag-inum ng alak at matulog na lamang sa kanilang bahay.

Ikinagalit ito ng suspek at kumuha ng dos-for-dos na kahoy saka walang-awa na hinataw sa ulo ang biktima na naging dahilan upang agad na isinugod ng kanyang apong babae na si Laila sa San Lorenzo Ruiz Hospital .

Matapos malapatan ng paunang lunas, inilipat ni Mercedita Zamora ang biktima sa VMC habang naaresto naman ang suspek ng rumespndeng mga tauhan ng PCP-1. ROGER PANIZAL

Hindi nagkaintindihan sa bentahan ng shabu, 2 patay

$
0
0

SAN FERNANDO, LA UNION – Dead-on-the spot ang isang 28-anyos na mekaniko at drug surrenderee ng barilin siya ang kanyang ka transaksyon sa illegal drugs Barangay Dallangayan Este, San Fernando City sa nasabing lalawigan kahapon, March 25.

Kinilala ang biktima na si Mark Bon Sumuingit, 28, binate, ng Barangay Sagayad sa nasabi ring syudad.

Ayon sa San Fernando police, posible namang nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng biktima at hindi pa nakilalang suspek sa umano’y nangyaring illegal drug transaction.

Naka rekober ang mga police sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng bala ng cal. 45 pistol, isang unit ng cal. 45 pistol, isang plastic sachet na may dalawang marijuana fruiting tops at isang plastic sachet ng umano’y shabu.

Ayon sa police, ang biktima ay nagtamo ng limang tama ng baril sa katawan na agad nitong ikinamatay.

Samantala, nasa custodiya na ngayon ng lokal na Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga narekobreng droga, baril at bala para sa isasagawang mas masusi pang imbestigasyon. ALLAN BERGONIA


Opensiba ng PNP vs NPA, tuloy ngayong Semana Santa

$
0
0

TULOY  ang opensiba ng Philippine National Police (PNP) laban sa New People’s Army (NPA) kahit ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Superintendent John Bulalacao, kahit sa Huwebes Santo, Biyernes Santo at Sabado de Gloria ay tuloy ang opensiba ng PNP sa mga rebelde.

Ito ay dahil inaasahan ng PNP ang pag-atake na gagawin ng NPA dahil bukas ay ipagdiriwang nila ang kanilang ika-50 anibersaryo.

Ayon kay kay Bulalacao sa datos ng PNP, taun-taon ginagawa ng NPA ang mga pag-atake bago at pagkatapos ng kanilang anibersaryo.

Kaya naman kahit Semana Santa at sa kabuuan ng summer season ay itutuloy ang opensiba laban sa NPA. Naka-alerto din ang lahat ng pwersa ng PNP sa buong bansa upang masigurong payapa ang magiging paggunita sa Holy Week at ligtas ang mga magbabakasyon. JOHNNY ARASGA

BSP nagbabala kasunod ng cyber-attact sa Malaysian Central Bank

$
0
0

INALERTO ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga local financial institutions kasunod ng nangyaring cyber attack sa Malaysian central bank.

Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, sinubukang magnakaw ng pera ng mga hackers gamit ang fraudulent wire transfer sa naturang bansa.

Ayon sa Bank Negara Malaysia (BNM), wala namang nakuhang pera sa insidente noong Martes.

Pinangungunahan ng BNM ang aabot sa 45 commercial banks sa Malaysia.

Napag-alamang mali ang nailagay na wire-transfer requests ng mga hackers sa SWIFT bank messaging network.

Hindi na rin sinabi ng Bank Negara kung sino ang nasa likod ng pang-hahack.

Sa ngayon, wala aniyang anumang natatanggap na banta ang BSP. JOHNNY ARASGA

‘Kamay ni Hesus’ sa Lucban umabot sa tatlong milyon deboto ang bumisita

$
0
0

HINDI bababa sa tatlong milyong deboto ang bumisita sa ‘Kamay ni Hesus’ shrine sa bayan ng Lucban sa Quezon province ngayong Semana Santa.

Sa panayam ng Inquirer, sinabi ni Fr. Joey Faller, healing priest at administrador ng naturang shrine, umabot ng 3.2 million ang mga bumisitang deboto sa kilalang limang ektaryang religious complex sa Barangay Tinamnan mula noong Linggo ng Palaspas hanggang Biyernes Santo.

Mas mataas aniya ng 600,000 na deboto ang bumisita ngayong Semana Santa kumpara noong nakaraang taon.

Ayon naman kay PC/Insp. Alejandro Onquit, hepe ng Lucan Municipal Police Station, nahirapan ang mga nakatalagang pulis sa walang tigil na pagdating ng mga deboto lalo na noong Biyernes Santo.

Dagdag pa aniya rito ang mahabang pila ng mga paparating na kotse sa lugar.

Samantala, sinabi ni Fr. Faller na inaasahan pa ang pagdagsa ng mga deboto hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay kung saan posible pang pumalo sa 3.8 million. JOHNNY ARASGA

PCG, nakaalerto sa pagbuhos ng mga pasaherong pauwi ng Manila

$
0
0

MAS pinaigting na ang Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa iba’t ibang pantalan ngayong araw, Linggo ng Pagkabuhay.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, inaasahan na kasi ang pagdagsa ng mga pasahero pabalik ng Metro Manila simula ngayong umaga.

Bilang pagtutok sa mga PCG districts at stations, regular aniyangj nagsusumite ng ulat at litrato ang kanilang mga personnel para makita ang sitwasyon sa mga pantalan.

Nagtalaga na rin ang PCG ng passenger assistance centers kasama ang PCG Auxiliary unit at medical team para gabayan ang mga pasahero.

Samantala, inabisuhan ang mga pasahero na pumunta sa mga pantalan tatlong oras bago ang nakatakdang departure time.

Iwasan na rin aniyang magdala ng mga ipinagbabawal na gamot tulad ng flammable liquids, toxic at infectious substances, radioactive materials at pagpasabog.

Pinaalalahanan rin ng PCG ang mga pasaherong magbbiyahe sa barkong may open decks na sumunod sa pagsusuot ng life jackets. JOHNNY ARASGA

2 NAIA security personnel arestado sa pagnanakaw

$
0
0

ARESTADO ang dalawang airport security personnel matapos magnakaw ng pera mula sa isang turistang Japanese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ninakawan ng mga suspek ang turistang si Yuya Sakata habang sumasailalim sa baggage inspection sa nabanggit na paliparan noong Holy Wednesday.

Batay sa ulat ni case investigator APO2 Jerrold Demegillo, nasa predeparture area na ang 22-anyos na turista para sa kanyang connecting flight patungong Cebu nang mapag-alamang nawawala ang kanyang pitaka.

Ayon kay Sakata, nawala sa kanya ang aabot sa 1,700 Australian dollars o katumbas ng P68,000.

Ngunit batay sa mga otoridad, aabot lang sa 300 Australian dollars o P12,000 ang narekober mula sa dalawang suspek na sina Stephen Bartolo at Demie James Timtim, intelligent agents ng Office for Transportation Security.

Bunsod nito, mahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa nawawalang pera ni Sakata. JOHNNY ARASGA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>