Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

P40k halaga ng cytotec nasabat sa isang ginang

$
0
0

ARESTADO ang isang ginang nang maaktuhang nagbebenta ng pampalaglag o “cytotec” sa Sta.Cruz, Maynila.

Hawak ngayon ng Plaza Miranda PCP ang suspek na si Elizabeth Franco, alyas Betty, nasa 64 taong gulang.

Ayon kay Police Chief Inspector Leandro Gutierrez, si Franco ay naaresto sa bahagi ng Carriedo sa Sta.Cruz, Maynila at aksidente itong naaktuhang nagbebenta ng abortion pills habang nagsasagawa ang kanyang mga tauhan ng clearing operation sa lugar.

Depensa naman ni Franco, kahirapan sa buhay ang dahilan ng pagbebenta nito ng cytothec na nagmumula pa aniya sa isang dayuhan.

Nabatid na matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Franco dahil sa pagbebenta umano nito ng naturang gamot sa paligid ng Quiapo.

Sa pagkakaaresto ng suspek, nakuha sa kanya ang mga gamot na cytotec na umaabot sa halagang P40,000.

Nakatakdang isalang sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office si Franco kaugnay sa illegal na pagbebenta ng gamot na pampalaglag ng sanggol. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Tatay, patay sa ambush sa Pangasinan

$
0
0

BOLINAO, PANGASINAN – Patay ang isang ama ng tahanan habang nakaligtas ang dalawa nitong anak ng sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang tinatahak ang kahabaan ng Barangay Catuday, Bolinao sa nasabing lalawigan noong Sabado, March 31.

Dead-on-arrival ang ama na kinilalang si Christopher Hondrada, 38, ng Barangay Catuday ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ang biktima kasama ang kanyang 10 at siyam-na-taong gulang na mga anak ay tinatahak ang kahabaan ng nasabing barangay road gamit ang kanyang sasakyan ng biglang humarang ang hindi pa nakikilalang suspek at biglang pinaulan ng putok ng baril ang mga biktima.

Dito, biglang tumakas angsuspek pagkatapos ang pamamaril.

Sinugod si Hondrada sa pinakapalapit na ospital dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kanyang katawan ngunit siya ay dead-on-arrival at himala namang nakaligtas ang kanyang dalawang anak.

Inaalam pa ng Bolinao police kung ano ang motibo ng nasabing insidente. ALLAN BERGONIA

Lalaki nilaslas ang sariling leeg, kritikal

$
0
0

ISANG hindi pa nakikilalang lalaki na sinasabing may kapansanan sa pag- iisip ang nasa malubhang kalagayan matapos laslasin ang kanyang sariling leeg kaninanag madaling-araw, Apbril 2, sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police Chief Insp. Romulo Mabborang, inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong laslas sa kanyang leeg ang biktima na tinatayang nasa 30-35 ang edad, 5’3 ang taas, katamtaman ang katawan, nakasuot t-shirt at ng maong short.

Sa imbestigasyon ni PO3 Julius Mabasa, dakong alas-4:40 ng madaling -araw nang lumapit ang isang concerned citizen sa mga tauhan ng Police Community Precinct 8 at ipinaalam ang nangyaring insidente sa kahabaan ng Dampa Letre, malapit sa tulay ng Brgy. Tonsuya.

Agad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at nakita ng mga ito ang duguang lalaki na nakahandusay kaya mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan kung saan ayon sa doctor, sakaling makarekober ang biktima ay hindi na ito makapagsasalita.

Sa pahayag naman sa pulisya ng mga bystander, may problema umano sa pag-iisip ang biktima na hindi residente sa naturang lugar at kanya lamang itong tambayan. ROGER PANIZAL

Koreano arestado sa buy-bust

$
0
0

KULONG ang isang Koreano nang makumpiskahan ng mahigit isang kilo ng marijuana Sta. Ana, Maynila sa isinagawang buy bust operation.

Kinilala ni P/Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng MPD-Station 6 (Sta. Ana) ang naarestong suspek na si Sunghyun Kim, 25, binata, turista, pansamantalang nanunuluyan sa 515 Altiva Cypress Tower, Taguig City.

Nabatid na dakong alas -12 ng tanghali nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa pamumuno ni S/Insp. Rommel Purisima laban sa suspek sa New Panaderos St., Sta. Ana kung saan nakuha ang pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon kay Sagaysay, umabot sa isang kilo at tatlo pang plastic sachet na naglalaman din ng mga nasabing iligal na droga na tinatayang aabot sa 1.25 kilos ng marijuana ang nakumpiska sa dayuhang suspek na nagkakahalaga sa mahigit P35,000 street value nito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act) si Kim na kasalukuyang nakakulong ngayon sa MPD-Station 6.

Ipinagbigay na rin sa Korean embassy ang pagkakaaresto ng suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Kelot na may tatoo na ‘Bebot’ itinumba

$
0
0

TODAS ang isang hindi kilalang lalaki na may tatoo na ‘Bebot’ sa kaliwang braso matapos barilin ng hindi nakikilalang gunman sa Quezon City, kagabi Abril 1, 2018 (Linggo).

Inilarawan ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD) ang biktima na nasa pagitan 35-46 anyos, may taas na 5’5 hanggang 5’7, nakasuot ng puting t-shirt, maong na pantalon at nakasapatos ng Nike at may tatoo na ‘Bebot’ sa kaliwang braso.

May tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril ang biktima sa batok na  ikinamatay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masankay, ng CIDU, naganap ang insidente dakong alas-9:10 ng gabi nitong Linggo sa harap ng No. 83 Kasunduan St., Brgy. Commonwealth, QC.

Batay sa pahayag sa pulisya nang witness nasa loob siya ng kanilang tahanan nang makarinig siya ng isang malakas na putok ng baril at nang lumabas siya ay nakita na lamang niya ang duguang katawan ng biktima kaya agad niya itong ini-report sa kanilang barangay.

Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng baril, kulay asul na sling bag, BDO credit card na may pangalang Nenita R. Panga.

Masusi namang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na pamamaril habang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima. SANTI CELARIO

Tricycle driver binoga ng ka-love triangle

$
0
0

LOVE triangle ang tinitignang anggulo ngayon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang sa isang tricycle driver sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Pasuelo, 31 taong gulang, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Isang residente naman sa lugar ang nakakita sa pangyayari na ang dating karelasyon umano ng kinakasama ng biktima ang namaril sa kanya na nagresulta ng agaran niyang pagkamatay.

Dahil dito isa sa tinitignang motibo ngayon ng pulisya ang posibleng “love triangle” o selos.

Inaalam na ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mag-live in partner tinadtad ng saksak ng kapitbahay

$
0
0

TODAS ang isang lalaki samantalang kritikal ang live-in partner nito makaraang pasukin at pagsasaksakin ng kanilang kalugar sa loob ng kanilang bahay kagabi sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Dr. Jose N Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan si Martin Celebre, 39, tricycle driver, habang patuloy namang inoobserbahan sa naturang ospital ang kanyang live-in partner na si Maricel Lopez, 36 sanhi rin ng mga saksak sa katawan.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis para maaresto ang suspek na nakilalang si Ronald Blanco,

Sinabi sa pulisya ng anak ni Celebre na si Marjorie, 16, dakong alas-9 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay sa San Flower St., San Roque, Tala ang mga biktima nang bigla na lamang pumasok ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak sa katawan ang maglive-in partner.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang mga biktima sa naturang pagamutan.

Narekober ang ginamit na armas ng suspek na tinurn-over sa pulisya habang patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente. RENE MANAHAN

12 katao pumapak ng aso, positibo sa rabies

$
0
0

INOOBSERBAHAN na ngayon ang 12 residente ng Dumingag sa Zamboanga del Sur matapos magkaroon ng rabies.

Ayon sa Department of Health, kinain ng mga residente ang karne ng aso na niluto ng may-ari nito.

Ito ay matapos umanong kagatin ng aso ang amo nito.

Pumanaw naman ang amo ng aso 15 araw matapos siyang kagatin.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang publiko na huwag kainin ang karne ng aso. JOHNNY ARASGA


Lalaking may kapansanan, todas sa tanod

$
0
0

PATAY ang isang lalaking bulag ang isang mata matapos iuntog ang ulo sa pader at suntukin sa mukha ng barangay tanod sa Valenzuela City.

Sa kuha ng CCTV camera sa Brgy. Arkong Bato, naglalakad ang tanod na si Angelito Calderon habang hawak sa kamay at batok si Benjamin Mesina, 50, na umano’y lasing nang bigla na lamang inuntog ng suspek sa pader ang ulo ng biktima at sinapak pa sa mukha kaya napabagsak ito sa kalsada.

Sinubukan pa ng biktima na tumayo ngunit hindi nito kinaya hanggang sa kaladkarin siya ng suspek sa eskinita at pagkaraan ng ilang minuto ay tinulungan ito ng ilang residente bago isinugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Naghihinagpis naman ang ina ng biktima sa sinapit ng kaniyang anak. “Maingay lang po yan pag lasing pero di po nananakit ng tao yan kahit kanino po kayo magtanong,” pahayg ni Aling Emily.

Depensa naman ng suspek, sumaklolo lang siya matapos umanong ma-harass ng biktima ang kaniyang anak.

“Partially blind yung tao tapos person in authority yung tanod, ginamitan niya ng superior force, inuntog niya sa pader. Sana inaresto niya na lang, pinakulong niya na lang kung magulo yung tao. Hindi niya ginamitan ng dahas”, pahayag ni Valenzuela Police Chief Inspector Rhoderick Juan.

Humingi ng paumanhin si Calderon sa pamilya ni Mesina at iginiit na hindi niya gusto ang nangyari subalit nanindigan ang ina ng biktima na hindi sila makikipagareglo sa suspek. RENE MANAHAN

Driver, todas sa dating kaaway

$
0
0

NAGHIHINTAY lamang umano ang isang padre de pamilya na tricycle driver sa kanyang mag-ina nang barilin ng kanyang dating kaalitan sa Binondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jelbert Pasuelo ng 113 Area-H Gate 19 Parola Compound sa Binondo dahil sa tama ng bala sa kayang katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alias “Marlon Santol ” nasa 55 ang edad at residente ng Gate 20 Parola Compound sakop ng Tondo.

Sa report ni Supt. Julius Cezar Domingo, station commander ng Manila Police District (MPD)- Police Station 11, dakong 1:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Gate 56 sa Area-H sa Parola Compound sakop ng Binondo.

Sa paunang ulat, sinasabing love triangle ang dahilan ng pamamaril sa biktima na noo’y nag-aabang sa lugar sa kanyang mag-ina nang sumulpot ang suspek lulan ng tricycle at armado ng baril at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Bagamat naisugod pa sa pagamutan ang biktima, hindi naman nagawa pang maisalba pa ng mga doktor ang kanyang buhay dahil sa tinamong tama ng bala

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na may dati nang alitan ang suspek at biktima, kaya posibleng paghihiganti ang motibo sa pamamaslang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Pekeng pulis arestado sa carnapping at illegal drugs

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang pekeng pulis makaraang madakip ng mga awtoridad dahil umano sa pagnanakaw ng kotse, illegal drugs at illegal possession of firearms sa Fairview, Quezon City kahapon ng umaga Abril 3, 2018 (Martes).

Kinilala ni Quezon City Police District Director Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang nadakip na suspek na si Norberto Bernalez, 36, tubong Olongapo City at residente ng No. 3 Log-V Cluster 2, 4th Floor, Unit 6, Smile Citi-Homes Annex, Brgy. Kaligayahan,QC.

Ayon kay Eleazar nadakip ang suspek dakong 9:00 ng umaga nitong nakalipas na Abril 3, 2018 (Martes) sa Bristol St., Brgy. Greater Fairview, QC.

Nabatid sa ulat na ipinagharap ng reklamo ang suspek ng complinant na si Kevin Aquino ng Brgy.Culiat,QC sa tanggapan ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU) nitong nakalipas na Abril 2, 2018 matapos umanong tangayin ang kanyang Toyota Vios na nakapangalan sa kanyang tiyahin na si Marvic Joseph Roxas.

Namataan umano ang ninakaw na sasakyan sa Brgy. Fairview, QC dahilan para humingi ito ng tulong sa mga operatiba ng QCPD-DSOU sa pamumuno ni Supt. Rogarth B. Campo.

Ayon sa ulat matapos mamataan ang ninakaw na kotse sa naturang lugar agad humingi ng tulong ang complinant sa mga pulis at nagtungo sa naturang lugar habang tinatahak ng mga ito ang Bristol St.,Brgy. Brgy. Greater Fairview namataan ng mga ito ang naturang sasakyan habang minamaneho ng suspek at pinahinto ng mga pulis.

Pagsapit umano sa kahabaan ng Sultan St., corner Ascension Avenue agad pinababa ang driver ng kotse na si Bernaldez, subalit nagpakilala ang huli na isang pulis at nagpakita pa umano ng PNP Badge subalit wala naman itong maipakitang PNP identification card.

Kaya agad dinakip ng mga pulis ang suspek at nakumpiska dito ang isang cal. .45 Norinco pistol kasama ang pitong bala na walang kaukulang lisensya, PNP ball cap, badge at traffic vest, apat na sachets ng shabu at drug paraphernalia at ang umano’y ninakaw na dark brown Toyota Vios (AJA-1828). SANTI CELARIO

Tambay kulong sa pagnanakaw ng manok

$
0
0

BAGSAK sa rehas na bakal ang isang lalaking kawatan matapos magnakaw ng panabong na manok sa Malabon City, Miyerkules ng hapon April 4 .

Kinilala ni Malabon police head of investigators Insp. Paul Dennis Javier ang suspek na si Leonard Mendez alyas “Onad”, 30 ng 36 Interior Miguel, North Bay Boulevard North, Navotas City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Alexander Dela Cruz, dakong alas-5 ng hapon nang kunin ng suspek ang panabong na manok na nagkakahalaga sa P10,000 sa loob ng Bendel Construction Compound, Don Basillio St., Brgy. Dampalit, Malabon City.

Habang papatakas ang suspek, nakita ito ng caretaker na si Ramil Nazareth, 29 ng 111 Burgos St. Ugnatan, Brgy. Concepcion na naging dahilan upang magsisigaw na nakatawag pansin sa mga barangay tanod.

Hinabol ang suspek ng mga barangay tanod hanggang sa maaresto ito bago tinurn-over sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong Theft sa piskalya ng Malabon City. ROGER PANIZAL

12 arestado, P1-M na hinihinalang shabu nasamsam sa drug ops

$
0
0

LABING dalawa (12) drug personalities kabilang ang sinasabing lider ng drug group ang naaresto sa magkahiwalay na drug operation ng Northern Police District Miyerkules ng hapon April 4 sa Malabon City

Ayon kay Northern Police District Director Police Chief Superintendent Amando Empiso, unang naaresto sa ikinasang buy bust operation ng District Special Operation Unit si Marvin Oraño alyas “Mabong” 32 anyos residente ng Navotas City.

Nakabili ng 500 pisong halaga ng shabu ang poseur-buyer sa suspek at pagkatapos siya matimbog narekober sa kanya ang apat na plastic sachet na hinihinalang shabu.

Nang mahuli si Mabong ay kanyang inginuso ang mga sinusuplayan ng droga. Pagkatapos nito, naaresto ng mga operatiba ang labing-isa pang mga umano’y drug personalities.

Sa kabuuan ng drug operations na ikinasa ng mga operatiba, ay umabot sa 84 na gramo ng hinihinalang shabu ang nasabat na may street value na mahigit 1 milyong piso, dalawang hand grande, isang uzi machine pistol at mga bala. ROGER PANIZAL

5 katao sugatan sa banggaan sa Sampaloc

$
0
0

SUGATAN ang lima katao nang magkabanggaan ang isamg pampasaherong jeep at van kaninang umaga sa Sampaloc , Maynila.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-5 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng España Boulevard sakop ng Sampaloc, Maynila.

Nabatid na mabagal lamang ang takbo ng pampasaherong jeep nang bigla itong masalpok ng puting van na may plakang ABA 3150.

Sa lakas ng impact ay sumampa ang jeep na biyaheng Cubao -Quaipo sa plantbox sa lugar.

Kabilang sa nasugatan ang kapwa drayber ng dalawang sasakyan at tatlong pasahero ng naturang jeep. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mamboboso huli sa entrapment

$
0
0

KULONG ang isang lalaki matapos ireklamo ng isang dalaga na kanyang binusohan sa Malate, Maynila.

Sa entrapment operation ng Manila Police District (MPD) , naaresto ang suspek na si Christopher Andrada, nasa hustong gulang.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Helen, tinakot umano siya ng suspek sa pamamagitan ng text message na ipapakalat ang kanyang mga maselang video kapag hindi ito pumayag na makipagtalik sa kanya.

Nabatid na tuwing naliligo sa banyo ng apartment ng kanyang boyfriend ay binubusohan naman ng suspek ang dalaga.

Dahil umano sa takot at hindi na nakakatulog ay humingi ng tulong sa pulisya ang biktima na agad namang nagsagawa ng operasyon.

Ayon kay C/Insp.Michael Garcia, ng MPD Station 9 kakasuhan ng robbery extortion si Andrada na umaming matagal nang may gusto sa biktima kaya nagawa niya itong busohan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 


9 na inmates sugatan sa noise barrage

$
0
0

SIYAM na inmates ng Metro Manila district Jail ang isinugod kamakalawa, sa iba’t-ibang pagamutan kasunod ng nangyaring sagupaan ng otoridad at mga inmates, sa nangyaring noise barrage ng mga preso.

Siyam na inmates ng Metro Manila district Jail ang isinugod kamakalawa, sa iba’t-ibang pagamutan kasunod ng nangyaring sagupaan ng otoridad at mga inmates, sa nangyaring noise barrage ng mga preso doon.

Batay sa impormasyon, dakong alas-8:00 pasado ng gabi nang sumiklab ang kaguluhan at nagkaroon ng noise barrage na nauwi sa sagupaan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasunod ng insidente, dito na naglabas-masok ang mga ambulansiya sa loob ng piitan kung saan nabatid na 9 na inmates ang sugatan at isinugod sa pagamutan.

Ayon naman sa BJMP, nag-ugat ang pag-iingay ng mga preso, nang magreklamo ang umano’y grupo ng mga pasaway sa nasabing piitan na inilipat ng selda.

Dahil dito tuluyang nauwi sa sagupaan nang maging bayolente ang mga preso.

Winasak umano ng mga preso,ang kanilang tarima (higaan)para makagawa ng ingay at ginawang barikada sa detention 1.

Pinilit din umano nilang sumali ang ilang mga inmates sa noise barrage.

Maging ang close circuit television ay sinira din ng mga ito.

Sinabi ni J/S-Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP na wala silang pagpipilian sa nagaganap na kaguluhan, bagama’t pinairal nila ang maximum tolerance, ay kinakailangang maglaglag sila ng canister, para lumabas sa kanilang selda at ditto nasugatan ang ilang sa mga inmate na nagmamadaling lumabas.

Samantala may ilang putok din ng baril ang narinig sa labas ng MMDJ habang nagkakagulo at may mga sumisigaw na sa paliwanag ng BJMP ay warning shot lamang anila ito

Siyam na inmates ng Metro Manila district Jail ang isinugod kamakalawa, sa iba’t-ibang pagamutan kasunod ng nangyaring sagupaan ng otoridad at mga inmates,sa nanagyaring noise barrage ng mga preso doon.

Batay sa impormasyon, dakong alas-8:00 pasado ng gabi nang sumiklab ang kaguluhan at nagkaroon ng noise barrage na nauwi sa sagupaan ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasunod ng insidente, dito na naglabas-masok ang mga ambulansiya sa loob ng piitan kung saan nabatid na 9 na inmates ang sugatan at isinugod sa pagamutan.

Ayon naman sa BJMP, nag-ugat ang pag-iingay ng mga preso, nang magreklamo ang umano’y grupo ng mga pasaway sa nasabing piitan na inilipat ng selda.

Dahil dito tuluyang nauwi sa sagupaan nang maging bayolente ang mga preso.

Winasak umano ng mga preso,ang kanilang tarima (higaan)para makagawa ng ingay at ginawang barikada sa detention 1.

Pinilit din nilang suma;li ang ilang mga inmates sa noise barrage.

Maging ang close circuit television ay sinira din ng mga ito.

Sinabi ni J/S-Inspector Xavier Solda, tagapagsalita ng BJMP na wala silang pagpipilian sa nagaganap na kaguluhan, bagama’t pinairal nila ang maximum tolerance, ay kinakailangang maglaglag sila ng canister, para lumabas sa kanilang selda at dito nasugatan ang ilang sa mga inmate na nagmamadaling lumabas.

Samantala may ilang putok din ng baril ang narinig sa labas ng MMDJ habang nagkakagulo at may mga sumisigaw na sa paliwanag ng BJMP ay warning shot lamang anila ito. JOHNNY ARASGA

P1.5m halaga ng shabu nakuha sa buntis

$
0
0

P1.5M na halaga ng shabu nasabat sa dalawang drug suspect sa Mandaue City

Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang anim na buwang buntis sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Mandaue City.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Branch at ng Mandaue City Police Office, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, ang buntis ay isa sa malaking supplier ng droga sa mga lungsod ng Mandaue at Cebu.

Nadakip din ang kasama niyang lalaki na umano ay nagsisilbi niyang runner.

Nakuha mula sa dalawa ang 125 na gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.5 million pesos. JOHNNY ARASGA

5 supplier ng drugs sa Close Up concert, hinatulan ng habambuhay

$
0
0

5 nagpakalat ng droga sa Close Up Forever Summer concert, hinatulang makulong ng habambuhay

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng korte ang ilang mga akusado na nagpakalat ng iligal na droga sa 2016 Close Up Forever Summer concert sa MOA, Pasay City noong May 2016 na ikimatay ng limang katao.

Sabi ng Pasay City Regional Trial Court (RTC), life imprisonment ang hatol sa mga akusadong sina Marc Deen at Seergeoh Villanueva.

Habang mula 20 taon na pagkakalulong hanggang habambuhay na pagkakakulong ang inihatol sa tatlo pang suspek na sina Erica Valbuena, Thomas Halili at Martin Dimacali.

Ang limang mga akusado ay sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2016.

Ito ay matapos silang maaresto sa Parañaque City at matukoy na sila ang pinagmulan ng iligal na droga sa nasabing konsyerto.

Matapos mahatulan, iniutos na rin ng korte na mailipat ang apat na lalaking akusado sa New Bilibid Prisons (NBP), habang ang babaeng na si Valbuena ay dadalhin naman sa Women’s Correctional. JOHNNY ARASGA

Oposisyon sa Kamara natuwa sa pagbitiw ni Aguirre

$
0
0

TAMA lamang, dapat ay noon pa.

Ito ang reakyon ng oposisyon sa Kamara sa pagalis na sa Department of Justice ni resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Aminado sina Gabriela Reps Emmi de Jesus at Arlene Brosad na halos ipagduwang nila ang tuluyan nang pagbibitiw ni Aguirre lalo at maituturing na long overdue na ito.

Bagamat natutuwa sila sa paglisan sa DoJ ni Aguirre ay aminado silang ang agaran nitong pag alis ay desperadong pagtatangla para pagtakpan ang mga kapalpakan sa kanyang pamumuno.

Malinaw umano na maraming mga paglabag sa karapatang pantao si Aguirre at sa ilalim ng kanyang pamumuno sa ahensya ay naging political tool lamang ito para i-persecute ang mga kalaban ng administrasyon.

Samantala sinabi ni Kabataan Rep Sarah Elago na hindi dapat makaligtas si aguirre sa pananagutan kahit nagbitiw na sa pwesto,malinaw umano na guilty sa Gross Negligence at kawalang aksyon sa extra judicial killings ang dating kalihim.

Tinuring naman ni Ako Bicol Rep Alfredo Garbin na matitigil na ang injustice sa DOJ sa pagbibitiw ni Aguirre. GAIL MENDOZA

2 katao tiklo sa Marijuana

$
0
0

DALAWANG hihinalang tulak sa illegal na droga ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy- bust operation kagabi April 5 sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief , Sr.Supt Brent Milan Madjaco ang suspek na sina Paul Carmelo De Leon, 26 ng Phase 1C, Bisugo St. Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) at John John Cruz, 44 ng Bagong Bario, Brgy. San Jose.

Ayon sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kahabaan ng Estrella St., Brgy. Navotas East dakong alas-10:10 ng gabi.

Nang iabot na ng mga suspek ang isang sachet ng pinatuyong dahon marijuana sa pulis na umaktong poseur-buyer ay agad dinamba and dalawa nina PO1 Raymond Nagal at PO1 Erwin Montederamos.

Nakuha sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at P200 buy-bust money. ROGER PANIZAL

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>