Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Trike driver mahilig manutok ng toy gun, patay sa totoong baril

$
0
0

ISANG siga at mahilig manakot ng toy gun ang namatay nang barilin ng kanyang nakaalitang kapitbahay sa Tondo, Maynila.

Namatay makalipas ng tatlong araw nang pagkakaratay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Jomar Binatero Salvador, 24, binata at residente ng no. 2273 F. Varona st., Barangay 96, Tondo.

Sa impormasyon, nakipag-ugnayan na ang mga kaanak ng suspek sa Manila Police District (MPD) para sa boluntaryong pagsuko ng suspek na si Mark Clemen Manalo Onoda, may-asawa, negosyante at residente ng 2204 F. Varona St., Tondo.

Napag-alaman na nabaril ng suspek ang biktima noong Abril 3 pasado alas-5 ng hapon sa panulukan ng Ugbo at Varona Sts., Tondo.

Nauna rito, naghamon umano ng away ang biktima gamit ang isang replica ng baril at napikon ang suspek nang tutukan ito na nauwi sa komprontasyon.

Dahil sa pag-aakalang tunay na baril ang hawak ng biktima kaya napilitang kunin umano ng suspek ang kaniyang baril at pinaputukan ang mapormang biktima sa ulo.

Sa una ay nag-jam pa umano ang baril ng suspek at ikalawang putok ay tumama sa tenga ng biktima na tumagos sa kaliwang mata..

Matapos ang krimen ay tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo .

Isinugod ng mga kaanak sa Tondo Medical Center na muling ipinalipat sa JRMMC dahil sa seryosong kalagayan at kakulangan ng medical equipment hanggang doon na pawian ng buhay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Kostumer dedbol sa loob ng SM mall

$
0
0

SINAKSAK at napatay ang 56-anyos na kostumer na nagpagawa ng kanyang nasirang laptop sa loob ng SM mall sa Quezon City, Abril 5, 2018 (Biyernes).

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo. hepe ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Geroldo Ramon Querijero, 56-anyos, may-asawa, freelance auditor, residente ng No. 153 K 2nd St.,Brgy. Kamuning,Kamias,QC.

Ang biktima ay namatay habang ginagamot sa JP Sioson Hospital sanhi ng tinamong siyam na saksak ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Leo Onate Laab, 43, head technician ng PC Homes Service Center at naninirahan sa Pritil Herbosa, Tondo, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Elario Wanawan, ng CIDU, naganap ang madugong krimen dakong alas-5:40 ng hapon sa PC Homes Service Center na matatagpuan sa ika-5 palapag ng SM North Edsa sa Brgy. Sto. Cristo ng nasabing lungsod.

Sinabi sa ulat na nagtungo umano ang biktima sa nasabing computer shop noong March 8 at pina-repair ang kanyang Asus notebook laptop na tinanggap naman ni Mark Anthony Rivas, isa sa mga technician sa nasabing computer shop.

Nitong Huwebes ng hapon (April 5, 2018) ay bumalik ang biktima sa computer shop para kunin na ang kanyang laptop na ipinagawa subalit ang humarap sa kanya ay ang suspek at hinihingan siya ng job order para umano mai-release ang kanyang laptop na ipinagawa.

Dito na umano nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa suntukin ng suspek ang biktima sa tiyan. Sa galit ng biktima ay sinabuyan naman nito ng tubig sa mukha ang suspek.

Sa galit ng suspek ay lumabas ito ng shop at pumunta sa kalapit na establisyimento para bumili ng kutsilyo saka binalikan ang biktima at paulit-ulit na sinaksak ang huli saka tumakas. SANTI CELARIO

Pondo kontra droga itataas sa P55M

$
0
0

ISANG panukalang batas na layong dagdagan ng P55 milyon kada taon ang pondo para sa giyera kontra droga ng pamahalaan partikular para sa tatlong ahensya ng gobyerno ang isinusulong at aprubado na ngayon ng isang komite sa Kamara.

Layon ng House Bill No. 1982 na dagdagan ang pondo ng Department of National Defense (DND), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG).

Nais padagdagan ang pondo ng DND ng P30 milyon upang mapalawig ang mga aktibidad at programa ng kagawaran para mapigilan ang kalakaran ng iligal na droga.

Samantala ang BOC naman ay nais padagdagan ng P15 milyon at PCG ng P10 milyon para mapigilan ang pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa.

Ayon sa pangunahing may-akda ng panukalang batas na si Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing, ang karagdagang alokasyon sa pondo ng tatlong ahensya ay magreresulta sa pagkakaroon ng mas magandang mga polisiya upang mapigilan ang kalakaran ng bawal na gamot.

Sakaling maipasang batas, kada taon ay makatatanggap ang DND, PCG at BOC ng mga naturang halaga sa loob ng tatlong taon.

Pagbobotohan pa ang naturang panukala sa plenaryo ngunit sa ngayon ay kasalukuyan pang nasa recess ang mababang kapulungan. JOHNNY ARASGA

MILF Commander, kaloboso sa Maguindanao

$
0
0

KALOBOSA ang isang komander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang palagiang pananakot sa mga residente ng Barangay Tapian sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Kinilala ang arestadong suspek na si Tato Ibrahim na kilala rin sa tawag na Commander Tato ng Task Force Ittihad ng MILF.

Ayon kay Superintendent James Allan ng Criminal Investigation and Detection Group – Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM), nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pagpapaputok ng baril ni Ibrahim kapag ito ay nagkakaroon ng pagtatalo sa kanyang mga kapitbahay.

Sinasabing sinampal rin nito ang isang kawani ng barangay matapos nitong subukang pigilan si Ibrahim na siyang nag-haharass naman ng sibilyan.

Kaya naman nagtungo ang mga otoridad sa bahay ni Ibrahim upang halughugin ang bahay nito. Dito na nakuha ang isang kalibre 45 baril mula sa suspek na inaresto sa salang paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition. JOHNNY ARASGA

Biktima ng Dengvaxia, nadagdagan

$
0
0

NADAGSAGAN pa ang bilang ng kaso ng mga batang namatay matapos maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 62 ang kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa naturang bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, patuloy pa ang pagkalap ng mga opisyal ng kagawaran ng medical records ng mga karagdagang kaso bago dalhin sa Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force (PGH-DITF) para imbestigahan ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.

Sa inilabas na first report ng DITF nitong Pebrero, unang naitala ang 14 na kaso ng mga batang namatay na nabigyan ng Dengvaxia kung saan tatlo rito ay napag-alamang namatay bunsod ng sakit na Dengue. JOHNNY ARASGA

Gangster ng Tondo, arestado sa sumpak

$
0
0

MAY bitbit pang sumpak nang maaresto ang isang gangster nang matiyempuhan ng pulisya sa Tondo, Maynila.

Hawak ngayon ng Manila Police District (MPD)-Station 1 ang suspek na si Roel Buni, 19, basurero, miyembro ng Batang City Jail (BCJ), at residente ng Building 3, Temporary Housing, Helping Compound sa Tondo.

Sa report ni MPD-Station 1 commander P/Supt. Jay Dimaandal, dakong 10:30 ng gabi nang maaresto ang suspek sa harapan ng Building 6, Temporary Housing sa Helping Compound habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Radial 10 .

Isang concerned citizen ang lumapit umano sa mga awtoridad at humingi ng tulong sa kanila matapos na mamataan ang isang lalaki na pagala-gala at may bitbit na sumpak.

Agad na nagresponde ang pulisya at namataan ang suspek na may hawak na sumpak na may isang bala kaya’t mabilis itong inaresto at dinala sa presinto.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Improvised Shotgun and Ammunition ang suspek na ngayon ay himas rehas sa kulungan. JOCELYN TABANGCURA -DOMENDEN

Pulis at kaanak inireklamo sa pambubugbog

$
0
0

INIREKLAMO sa tanggapan ng Manila Police District -General Assignment Section (MPD-GAIS) ang isang bagitong pulis ng pambubugbog sa mag-asawa sa San Andres Bukid, Maynila.

Bukod sa pulis na si PO1 Mike Asistio, nakatalaga sa Mandaluyong City Police ay inireklamo din ang nakatatandang kapatid nito na si Roland Asistio at pinsan nila na si Josephine Asistio, pawang residente ng no. 2064-C Batangas Line, Paco, Maynila.

Ipinag-utos naman ni MPD-GAIS chief, Chief Inspector Joselito De Ocampo ang agarang pag-iimbestiga sa reklamo ng mga complainant na sina Romnick Mallari, 29 at common-law wife nitong si Enalyn Poblete , 29, kapwa residente ng no. 2088 Batangas Line, San Andres Bukid, Maynila laban sa pulis at kaanak nito.

Sa inisyal na ulat ng MPD-GAIS, alas-9:30 ng gabi noong Abril 7 nang lapitan umano ni Roland si Mallari habang nakatambay sa harapan ng kaniyang bahay at inalok umano siya ng shabu para sila gumamit nito.

Mariin tumanggi si Mallari na lubos na ikinagalit ni Roland at nagsumbong sa kapatid na pulis at sa pinsan na si Josephine.

Hindi naman nakadetalye kung ano ang naging sumbong ni Roland kaya galit na linusob ng dalawa pang suspek si Mallari at pinagtulungan umanong bugbugin hanggang sa dumating si Poblete na pilit na umaawat subalit maging siya ay nagtamo umano ng mga sugat at pasa.

Batay naman sa ipinalabas na kuha ng closed circuit television (CCTV) hindi naman kasali si PO1 Asistio sa nambugbog pero umalalay lamang siya habang nakaumang ang kaniyang baril sa direksiyon ng komosyon.

Sa impormasyon, sinabihan umano ni Mallari si Roland na huwag tumambay sa kanila dahil baka sila ay madamay pero ikinagalit umano ito ng huli at sa halip ay nagpakita pa umano ng diumano’y hawak na shabu.

Nakatakdang ipatawag ng MPD-GAIS ang pulis at iba pang suspek para sa imbestigasyon at paghahain ng kaukulang kaso. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Lasing nalunod sa Manila Bay, patay

$
0
0

PATAY ang isang lalaking lasing nang malunod sa Manila Bay kahapon.

Ayon sa ulat ng Manila Police District- Station 9 sakop ng Malate, nakilala ang biktima na si Cristopher Ian Torres, 37-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakainom umano si Torres nang magkayayaan sila ng kanyang kaibigan na lumangoy sa Manila Bay.

Bagamat ipinagbabawal na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang paliligo sa Manila Bay dahil bacteria na dulot nito ngunit mayroon pa ring nakakalusot.

Sinabi naman ni SPO3 Flaviano Gacal, na may nagbabantay na sa Manila Bay ngunit mayroon pa ring sumasalisi kapag nalingat na ang mga nagbabantay.

Ang ordinansang pagbabawal sa paliligo sa Manila Bay may kaparusahang pagkakakulong ng
hanggang isang buwan at pagbayarin ng multang P500 hanggang P1,000 ang sino mang lalabag nito .

Payo ng pulisya sa publiko, maari namang mag-swimming sa ilang pampublikong pool na pinagkakaloob ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila upang malayo sa panganib ang kanilang kalusogan lalo na ang kanilang buhay sa maruming tubig ng Manila Bay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


2 Koreano arestado sa panggagantyo

$
0
0

ISANG magkapatid na Koreano ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) dahil wanted sa kasong panggagantyo sa kanilang lugar sa Seoul, Korea.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga  dayuhan na sina Choi Sunghyun, 32, at Choi Sungmin, 35.

Ang dalawa ay naaresto ng mga ahente ng Bureau’s Fugitive Search Unit (FSU) sa kanilang bahay noong Byernes sa A.S. Fortuna St., Mandaue City .

Ayon kay Morente, ang magkapatid ay nasa ilalim na ng red notice ng Interpol dahil kapwa sila pinaghahanap o wanted ng Korean police dahil sa kasing fraud.

Dagdag pa ni Morente na nakatakdang ipatapon pabalik ng Korea ang dalawa sa oras na maglabas ng kautisan ang BI Board of Commissioners para sa kanilang summary deportation.

Sa impormasyong ibinigay ng Korean embassy sa BI, nasa kalagitnaan ng Pebrero at Abril 2011 nang ​tumanggap mula sa kanyang biktima ng kabuuang 360 milyon won si Choi Sung Hyun sa walong magkakahiwalay na pagkakataon .

Nangako ito sa biktima na ang malaki ang magiging interest ng kanyang pera kapag ito ay nag-invest sa negosyo.

Sa kabilang banda, si Choi Sungmin naman ay wanted sa pandaraya at panghihikayat sa kanyang mga biktima na mag-invest ng US$40,000 sa isang  “non-existent business venture”.

Sa halip na ibalik ang pera ay ginamit nito upang bayaran ang kanyang pagkakautang sa ilang indibidwal.

Sinabi naman ni BI-FSU chief Bobby Raquepo na ang magkapatid ay kapwa overstaying at undocumented aliens at kinansela na ang kanilang pasaporte ng gobyerno ng Korea.

Ayon pa kay Raquepo, ang magkapatid na Choi ay nagmamay-ari at nagpapatakbo ng diving center sa Punta Engaño, Mactan, Cebu.

Napag-alaman din na si Choi Sungmin ay naisyuhan na ng deportation order ng BI noong 2015 habang ang kanyang kapatid ay kinasuhan ng paglabag ng immigration law sa bureau’s board of commissioners. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Obrero, patay sa traydor na kaibigan

$
0
0

PATRAYDOR na sinaksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan habang nakikipag-inuman ang isang 40-anyos na lalaki sa kanyang kabarkada sa Punta, Sta. Ana, Maynila .

Wala nang buhay nang idating sa  Sta. Ana Hospital ang biktimang si Allan Taraya Lovendino alayas “badong”, construction worker at residente ng 45 Hernandez Compound, Almanza, Las Pinas City.

Si Lovendino ay nagtamo ng mga sugat sa mukha, sa palibot ng leeg, kaliwa at kanang kamay at harap at likod ng katawan.

Naaresto naman ang suspek na si Michael Garados alyas “Macmac”, walang trabaho at residente ng B 1418 Cardinal Sin Village, Punta, Sta. Ana, Maynila.

Narekober din ang ginamit na patalin na may mga bahid ng dugo na may sukat na 10 pulgada.

Sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pananaksak alas-8:00 ng gabi sa likod-bahay ng no. 2411 J. Posadas St, malapit sa covered court ng Barangay 905, Sta. Ana, Maynila.

Nagtungo lamang umano ang biktima sa lugar kung saan siya nakipag-inuman sa kanyang mga barkada nang biglang sumulpot ang suspek sa kanyang likuran.

Armado ng patalim at magkakasunod na inundayan ang biktima na tinangka pang gilitan sa leeg.

Matapos ang pananaksak ay mabilis namang tumakbo patakas ang suspek subalit naging maagap ang mga opisyal at tanod ng Brgy. 905, Zone 100 kasama si PO1 Reagan Wandangan ng MPD-Station 6 na tumugis at nakadakip sa suspek.

Kasong murder ang inihahanda ng MPD-Homicide Section laban sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Rider itinumba ng kapitbahay

$
0
0

PATAY ang isang rider makarang barilin sa ulo ng apat na kalalakihan na kanyang kabarangay habang abala sa pagre-repair ng kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang bahay sa Quezon City kamakalawa ng hapon Abril 8, 2018 (Linggo).

Kinilala ni Supt. Rodelio Marcelo,hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU)) ang biktimang si Emmanuel Estender Quizora, alyas Jun,49,may live-in parter, walang trabaho at residente ng No.15 Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa,QC.

Si Quizora ay namatay noon din sanhi ng tinamong isang tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo na tumagos sa mukha.

Tumakas naman ang mga suspek matapos ang pamamaril na nakilalang sina Mark Lester Ang, alyas Ating; Gilbert Marbella, alyas Gambit; Jerico Francisco,alyas Jeriko, at Romar Alcantara, alyas Omar, pawang residente ng Sitio San Roque 2, Brgy. Pag-asa,QC.

Nabatid sa pahayag ng witness na si Jhesica Lacson kay PO3 Julius Cesar Balbuena, ng CIDU, dakong ala-1:10 ng hapon habang bumibili siya ng pagkain sa isang Sari-Sari store sa kanilang lugar sa Sitio San Roque , Brgy. Bagong Pag-asa nang lapitan umano ng suspek na si Ang ang biiktimang si Quizora na noon ay abala sa pagre-repair ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa witness paglapit umano ni Ang sa biktima ay agad itong bumunot ng baril at malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima habang ang mga kasamang suspek ay nagsilbing look-out.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay tila walang nangyari na naglakad lamang ang mga suspek palayo sa lugar ng insidente.

Nagsasagawa na ng ‘manhunt’ operation ang mga tauhan ng QCPD para madakip ang mga suspek. SANTI CELARIO

5 sa 17 preso na pumuga sa Zamboanga, nadakip na

$
0
0

NAKATAKAS ang 17 preso sa police station 6 ng Zamboanga City, Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Inspector Shellamae Tubo-Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, nilagari ng mga preso ang padlock ng kanilang selda at saka normal lang na naglakad palabas ng pasilidad.

Sa main entrance pa ng Tetuan police station lumabas ang mga bilanggo.

Kinilala ang mga tumakas na sina: Nadzar Hack, Rio De Asis, Arkham Ignacio, Adzmir Ibrahim, William Pajarado, Alexandrus Manog, Junie Boy Rodriguez, Oscar Baguinda, Roger Mark Vincent Ragas, Haibi Sandain, Al-Fermin Saddang, Emmanuel Matulac, Adzri Zuhuri, Jezreel Salazar, Sulayman Sali, Jeremy Maruji, Chuck Lorence Tarangda.

Lima sa nasabing mga bilanggo ang muli nang naaresto ng mga pulis.

Binigyan naman ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco ng 24 na oras lang ang mga pulis para muling dakipin ang labingdalawa pang nakakatakas na bilanggo.

Dalawang pulis din ang sinuspinde na habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagtakas ng mga preso.

Umapela si Climaco sa mga residente na agad makipag-ugnayan sa mga pulis kapag may nakitang kahina-hinalang mga kilos.

Karamihan sa mga tumakas na preso ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga. JOHNNY ARASGA

PNP target ang 300 k9 dogs ngayon taon

$
0
0

TARGET ng Philippine National Police na magkaroon ng 300 na K9 dogs bago matapos ang taong 2018.

Ayon kay supt Reynaldo Helaga, deputy chief ng PNP Explosive Ordnance Division o EOD, nakatakda silang bumili ngayong taon ng 48 bagong explosive detection dogs.

Sa ngayon kasi ay mayroon lang silang 200 aso na nakakalat na ngayon sa buong bansa kung saan 45 sa mga ito ay sumasailalim pa sa training.

Pero ayon kay Helaga, kulang pa rin ang 300 k9 units.

Nasa 510 aso kasi aniya ang kailangan ng PNP para sa buong bansa.

Nitong Lunes lamang ay nasa 45 teams na binubuo ng mga myembro ng Special Action Force, Armed Forces of the Philippines, Aviation Security Group, National Capital Region Police Police Regional Office 4-A at PRO 3 ay nakilahok sa unang EOD/K9 Group Explosive Detection Dogs and Handlers Competition.

Kabilang dito ang mga K9 units na ginamit sa engagement sa Marawi.

Una nang sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nasa P500,000 ang presyo kada isang aso na bibilhin ng PNP. JOHNNY ARASGA

5 kidnapper at 1 pulis patay sa engkwentro sa Laguna

$
0
0

PATAY ang limang kidnapper sa engkwentro na naganap sa Barangay San Nicolas sa San Pablo, Laguna.

Maliban sa namattay na mga suspek, patay din sa nasabing engkwentro ang isang pulis at sugatan ang tatlong pulis pa at isang sibilyan.

Sa insiyal na imbestigasyon, naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga suspek at mga tauhan ng PNP-Anti Kidnapping Group pasado alas-6:00 ng umaga ng Martes, April 10.

Dinukot umano ng mga suspek ang isang lalaki na nagngangalang Ronaldo De Guzman Arguelles sa kaniyang bahay sa Candelaria, Quezon kagabi.

Ayon kay PNP-AKG Director Glenn Dumlao, tinangay ng mga armado ang mga gamit ni Arguelles at saka isinakay sa dala nilang sasakyan.

Matapos ito, nakatanggap na ng ransom demand ang pamilya ng biktima at P700,000 ang hinihingi ng mga suspek.

Agad nagkasa ng operasyon ang PNP-AKG at nakita ang sasakyan ng mga suspek sa San Pablo City at doon na naganap ang engkwentro.

Nabatid na nakasuot ng fatigue uniform ang mga suspek at base sa name cloths sa kanilang suot, ang mga nakasaad na pangalan ay SPO2 Adalla, SPO3 Fernandez, PO3 Dizon, PO2 Rebadulla, habang ang isa ay walang pagkakakilanlan.

Kinilala naman ang nasawing babaeng pulis na si PO1 Andal habang ang mga sugatan at sina PO1 Mendoza, PO1 Orlanes at PO1 Villaflor at isang hindi pa nakikilala.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang Thompson rifle, 2 caliber 45, 2 granada at iba’t ibang uri ng mga bala. JOHNNY ARASGA

 

Dating pulis Kyusi, arestado sa buy-bust

$
0
0

SWAK sa kulungan ang isang dating pulis matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Masambong, Quezon City kahapon Abril 10, 2018 (Martes).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang nadakip na dating pulis na si P03 Wilborn Lava aka R1/Sarge, 46, ng no. 67 West Riverside St., Brgy. Del Monte, QC.

Ayon kay Eleazar si Lava ay kabilang sa High Value Targets (HVT) na drug personalities ng Quezon City Police District Intelligence Division (DID).

Nabatid sa ulat dakong 4:30 ng hapon nitong nakalipas Abril 10, 2018 (Martes) isang undercover na pulis ang bumili umano ng P14,000 na halaga ng shabu mula sa suspek na nagresulta ng pagkakadakip nito.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang plastic sachets ng shabu na may street value na P28,000 at P13,000 boodle money na isang P1,000 peso bill ang totoong pera.

Ayon sa ulat si Lava ay sangkot umano sa pagpapakalat ng illegal drugs sa Brgy. Del Monte, Quezon City.

Matapos ang isinagawang case build up at ilang buwang surveillance operation ng District Intelligence Division (DID) Counter Intelligence Branch at ng Masambong Police station 2 si Lava ay nadakip ng mga awtoridad. SANTI CELARIO


Pulis nanggulo sa isang condo, arestado

$
0
0

KALABOSO ang isang pulis matapos ireklamo ng panghaharass sa isang condominium sa Malate, Maynila.

Kinilala ang naturang pulis na si Sr /Supt. Enrique Ancheta, nakatalaga sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory sa Camp Crame.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station 9 Commander Superintendent Eufronio Obong,
isang babaeng tenant ng Pacific Regency Condominium ang tumawag sa kanilang tanggapan hinggil sa panggigipit ng isang lalaki.

Nauna rito, nagtungo umano si Ancheta sa condo unit ng complainant kung saan pinipilit aniya itong pinalalabas ng pulis upang pirmahan ang isang dokumento.

Depensa naman ni Ancheta, papipirmahin lamang niya ng affidavit ang complainant upang patotohanan ang pagnanakaw umano ng dalawa nitong kaibigan ng higit P60,000 cash sa dalawang Korean nationals na kanilang nakilala sa isang KTV bar.

Kinilala lamang sa alyas “Heart” at alyas “Karen” ang dalawa umanong kaibigan ng complainant.

Iginiit ni Ancheta na nagmagandang-loob lamang siya para mahuli ang nagnakaw sa pera ng dalawang Koreano.

Sinabi naman ni Obong na may paglabag pa rin si Ancheta dahil hindi ito nakipag-ugnayan sa MPD Station 9 na nakakasakop sa lugar.

Nilabag aniya ni Ancheta ang Police Operational Procedure kaya naman tinuluyan itong binitbit at ikinulong sa nasabing istasyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

 

 

Pahinante na natutulog nagulungan, patay

$
0
0

HINDI na nagising pa sa mahimbing na pagkakatulog ang isang pahinante matapos na magulungan habang natutulog sa ilalim ng truck sa Sta. Cruz, Maynila kaninang umaga.

Agad nasawi ang biktimang si Gil Teroy , binata ng 2022 Ipil St., Sta. Cruz, Maynila.

Sasampahan naman ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang driver na si Jay Losloso , 24 ,binata ng 3040 Dimasalang St., Sampaloc.

Nalaman sa imbestigasyon ni PO2 John Mark Estrada na isinumiti kay Sr. Insp. Raymundo Regala, Hepe ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Special Investigation and Detection Branch ng Manila Police District, dakong 9:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa panulukan ng
Felix Huertas at Ambrocio Lorenzo Jr, Sts, sa Sta.Cruz.

Sa pahayag ni Losloso , hindi niya alam na natutulog ang kanyang pahinante sa ilalim ng kanyang truck, kaya nang paandarin umano niya ito ay naramdaman ang pang-angat ng gulong.

Nagulat pa ang suspek nang makita sa ilalim ng kanyang minamanehong Mitsubishi –Fuso (UNG-336) ang kanyang pahinante na wala nang buhay.

Kaagad na itinurn over ng MPD-Police Station 3 ang suspek sa tanggapan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU). JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Mag-utol na durogista, naaresto ng MPD

$
0
0

TIMBOG ang magkapatid na durogista nang matyempuhan armado ng sumpak at balisong na noo’y katatapos lang umanong humithit ng marijuana sa Tondo, Maynila kagabi.

Bukod sa sumpak at balisong nakumpiskahan din ng illegal na droga ang magkapatid na nakilalang sina Herminio Hogan, 26, miyembro ng notoryosong Commando gang, at Harris Hogan, 20, tricycle driver, kapwa residente ng 1398 Antonio Rivera Street, Tondo.

Ang dalawa ay nakakulong ngayon sa Manila Police District (MPD)-Station 2.

Sa report ni PO3 Lalaine Almosa, nabatid na dakong 7:40 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa La Torre Street, malapit sa kanto ng Guerrero Street sa Tondo.

Bago naaresto ang magkapatid, nakatanggap ng tawag ang Padre Algue Police Community
Precinct (PCP) hinggil sa presensya ng dalawang lalaking amoy-marijuana at may bitbit umanong sumpak sa naturang lugar.

Kaagad namang nagtungo sa lugar ang mga beat patrollers na sina PO3 Jovelito Lavarias, PO1 Medel Biluan at PO1 Raymon Reyes upang beripikahin ang sumbong.

Pagsapit sa lugar, agad namataan ng mga pulis ang dalawa ngunit nang makita ni Herminio ang mga awtoridad ay kaagad sunigaw ng “pulis! takbo! ” habang hawak ang sumpak.

Hinabol naman ng mga pulis ang mga suspek na nagresulta sa pagkaaresto sa mga ito.

Narekober mula sa kanila ang isang sumpak, na may dalawang 12 gauge live ammunition, isang balisong, drug paraphernalia, dalawang plastic sachet ng pinatuyong marijuana, at isang plastic sachet ng shabu.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 10951 (illegal possession of firearms) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Isa bulagta, 1 pulis sugatan

$
0
0

BULAGTA ang isang lalaki na hinihinalang suspek sa ialng serye ng holdapan at snatching sa Malate, Maynila kagabi.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng nasawi na inilarawang nakasuot ng kulay asul na t-shirt, maong pants at nasa hustong gulang.

Habang sugatan naman ang isang pulis na nakilalang si PO1 John Rupert Agustin.

Sa impormasyon, naglatag ng check point ang mga otoridad sa P. Ocampo St. malapit sa Arellano St. nang biglang umiwas ang limang kalalakihan na pawang magkakaangkas sa dalawang motorsiklo.

Ayon kay Police Chief Insp. Paulito Sabulao, hepe ng Arellano PCP, agad na hinabol ng pulis ang mga suspek at pagsapit sa Estrada St. kanto ng Taal Street ay saka nagkaputokan.

Isa sa mga suspek ang tinamaan at nasawi habang nakatakas naman ang iba pa nitong kasamahan.

Sinabi naman ni Francis Villegas, Punong Barangay ng Brgy.752 na posibleng mga sangkot sa mga serye ng hokdapan at snatching sa kanilang lugar ang mga suspek na natiyempuhan ng mga otoridad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Ex-SK Chair, arestado sa hybrid Marijuana

$
0
0

TIMBOG ang isang dating SK Chairman nang maaktuhang nagbebenta ng “hybrid marijuana” sa Sta. Ana, Maynila.

Naaresto rin ang apat na iba pa na kasamahan nito.

Kasong RA 9165 (Dangerous Drug Act) Sec 5 (selling illegal drugs) ang kakaharapin ni Randell De Leon, alyas “Romnick”, dating SK Chairman, binata, walang trabaho, residente ng 47 P. Mariano St., Ususan, Taguig City.

Habang paglabag sa Sec. 11 (possession of illegal drugs) ang isasampang kaso laban kina Jon Eugene Placido, 23, binata, ng 49 P. Mariano St., Ususan at Tom Juvy Cruz, 27, binata, messenger, nakatira sa 115 N. P Cruz, Ususan.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni P/ Supt. Olivia Sagaysay, hepe ng MPD-Station 6, dakong alas-10 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa suspek na si De Leon sa Lamayan Bridge, Sta. Ana.

Napag-alaman na isang impormante ang tumawag sa pulisya hinggil sa talamak na bentahan ng marijuana kung saan sangkot si de Leon.

Dahil dito, agad nakipagtransaksyon ang isa sa mga tauhan ni S/Insp. Rommel Purisima, hepe ng Station Drug Enforcement Team na nagsilbing poseur buyer.

Sa Lamayan Bridge nagkasundo ang poseur buyer at si De Leon na magkikita ngunit biglang tumawag ang suspek na ibahin ang lugar na kanilang pagkikitaan dahil may mga pulis umano na nagsasagawa ng pagpapatrulya sa nasabing lugar.

Muling nagkasundo ang dalawa na magkita na lamang sa Tomasa St., Ususan, Taguig City na nagresulta sa pagkakaaresto kay De Leon makaraang tanggapin nito ang marked money na P1,500 kapalit ng isang sachet ng hybrid marijuana.

Sa gitna ng komosyon, apat na kalalakihan naman anh lumapit kabilang sina Placido at Cruz kung saan tinangka nilang hatakin ang kamay ni De Leon upang makabitaw sa pagkaka-aresto sa kanya ng mga pulis ngunit napigil naman ito makaraang rumesponde ang iba pang tauhan ng pulisya.

Dito na nabuking na may itinatago ring marijuana sa bulsa sina Placido at Cruz.

Kabilang din sa naaresto sina Chierro De Leon, 26, Casino dealer, at Mark Anthony Abrera, 23, binata, waiter, kapwa taga-Ususan, Taguig City na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1829 (Interfering of Police Duties).

Aabot umano sa mahigit P30,000 halaga ng hybrid marijuana ang nakumpiska sa mga naarestong suspek.

Hawak na ngayon ng MPD-Station 6 (Sta. Ana) ang mga naatesto kung saan sila nakadetine. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live