ARESTADO ng mga pulis ang pitong hinihinalang drug user kabilang ang 49-anyos na ginang habang naglalaro ng “cara y cruz” na sinasabing shabu ang taya miyerkules ng gabi April 18 sa Malabon City,
Kinilala ni Malabon police head of Station Drug Enforcement Team ang mga naarestong suspek na sina Michael Ramirez, 33, Romulo Villaester, 28, Renan Oriendo, 38, Marvi Barredo, 30, Jayde Gonzales, 31, Jocelyn Viscante, at Nestor Acosta, 58, pawang mga residente ng Brgy., Potrero.
Sa imbestigasyon ni PO2 Aires Manansala, dakong alas-8:45 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality campaigned ang mga tauhan ng PCP-2 sa kahabaan ng Mangustan Toad, Brgy. Potrero nang may lumapit na concerned citizen at inireport ang umano’y mga naglalaro ng cara y cruz sa naturang lugar.
Agad pinuntahan ng mga pulis ang naturang lugar at naabutan ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Ayon kay PCI Romulo Mabborang, narekober sa naturang lugar ang tatlong peso coin (pangara) at P270 taya habang nang kapkapan ang mga suspek ay nakuhanan ang mga ito ng pitong plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na dami ng hinihinalang shabu. ROGER PANIZAL