Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Kelot sinamurai, todas

$
0
0

NASA malubhang kalagayan ang isang lalaki habang sugatan ang kasama nito makaraang pagtatagain ng samurai sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Nabatid na nag-iinuman sina Ronald Bopos at Jason Galanido sa loob ng bahay nang maganap ang pananaga.

Naingayan umano sa mga nag-iinuman ang mga residente na nauwi sa tagaan na itinuturong suspek ang magbayaw na sina Jing Hermocilla at Sixto Dorado na kapitbahay ng mga biktima.

Laslas ang tagiliran ni Bopos habang sa palad naman napuruhan si Galanido nang tangkain nitong salagin ang pananaga ng suspek.

Nabatid pa na may matagal nang alitan sina Bopos at Dorado kung saan ipinakulong umano ng suspek ang tiyuhin ng biktima nang hagisan ng teargas ang anak ni Dorado.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek na patuloy pa ring nagtuturuan kung sino ang nanaga sa mga biktima.


Drug user binitbit sa presinto

$
0
0

TAGUIG CITY – KALABOSO ang isang hinihinalang drug user na nahuli ng dalawang patrolling policemen ng Sector 4 sa kahabaan ng Franco Street, Barangay New Lower Bicutan ng Miyerkules ng hapon sa naturang lungsod.

Sa turnover ng suspect sa tanggapan ng Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group, inamin nito sa mga awtoridad na nakilalang si Jay-Ar B. Valdez, 20, walang hanap-buhay at nakatira sa 57 Pardiñas Street Zone 6 Barangay South Signal Village, Taguig City  na dati na umano siyang nakulong bunsod ng pagkahumaling sa masamang bisyo tulad ng ipinagbabawal na gamot.

Ang suspect ay nahuli dakong alas 2:00 ng hapon nina PO2 El John Pacete at PO1 Raymund Sannadan habang ang mga ito ay nagsasagawa ng kanilang tour of duty at ng magawi sa tinukoy na lugar ay nakita si Valdez na may kahina-hinalang kilos kaya agad nila itong nilapitan at inusisa.

Matapos itapon sa damuhan ang hawak na isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, tinangka pa umanong tumakbo ng suspect subalit maagap itong nadakma ng mga arresting officers.

Pagkaraang kumpirmahin ng PNP Crime Laboratory na ang nasamsam na ebidensiya ay positibong methamphetamine hydrochloride, nilapatan ng kasong paglabag sa Section 11 Art 2 ng Dangerous Drug Act of 2002 ang ikinulong na suspect.

Asawa ng pulis patay sa sagasa

$
0
0

BAGO pa lamang ikinasal ang 24-anyos na babae sa isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) nang madisgrasya at masagasaan ng L-300 van sa Sta.Cruz Manila, kanyang agad na ikinamatay.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Barbacina, 22, ng bodega sa Old Antipolo St. sa Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reynaldo Nava, hepe ng MPD-Traffic Enforcement Group, alas-9:35 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa panulukan ng Old Antipolo at Oroquieta St., sa Sta. Cruz.

Nabatid sa report ng Traffic Bureau, lasing si Barmacina nang pakialaman ang L-300 na puti (ULL-702) na pag-aari ng kanyang amo.

Pababa naman at naglalakad ang biktima na galing sa hospital nang suruin ng sasakyan.

8 sasakyan nagkarambola sa C-5 Taguig

$
0
0

WALONG sasakyan ang nagkarambola sa southbound lane makalampas ng elevated u-turn slot ng C-5-Kalayaan Interchange Road sa Taguig kaninang hapon.

Nabatid na nawalan ng preno ang trak ng buhangin na minamaneho ni Roberto Gapan na nagresulta ng pagkakarambola ng pito pang sasakyan kabilang na ang dalawang kotse, isang public utility jeep, isang van, isang revo, isang wing van, at isang motorsiklo.

Isinugod si Gapan sa ospital dahil naipit ang mga hita nito sa minamaneho niyang trak.

Habang mapalad na nakatalon isang lalaki na sakay ng motorsiklo na kinilalang si Marlon Concepcion bago pa maipit at makaladkad ng trak.

Pawang nabasagan naman ng salamin ang iba pang nadamay na sasakyan.

1 patay, 19 sugatan sa paglabag sa 60/KPH speed limit

$
0
0

ISA ang patay habang 19 ang sugatan makaraang bumaligtad ang isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City kanina.

Kinilala ni Supt. Arnold Santiago, hepe ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang namatay na si Franco Gelito, ng No. 134 Christian Dior St., LD Village, Tala, Caloocan City.

Ayon sa ulat, si Gelito ay binawian ng buhay matapos isugod sa Sta.Teresita General Hospital dahil sa pinsala sa kanyang katawan matapos  bumaligtad ang sinasakyang bus.

Habang nasugatan naman ang 19 na pasahero ng bus na hindi pa nakikilala.

Ayon kay PO2 Enrico Viterbo, traffic investigator, naganap ang aksidente dakong 3:00 ng hapon matapos bumaliktad ang pampasaherong bus na Jackpherlyn (TXL-824)  sa tapat ng Halamanan Area, Commonwealth Ave., Brgy. Commonwealth, QC.

Sinabi ni PO2 Viterbo na nawalan ng preno ang nasabing bus na minamaneho ni Roderick Berin habang sakay ang 20 pasahero dahil sa bilis na takbo nito taliwas sa itinakdang 60/kph  sa kahabaan  ng Commonwealth Avenue  kung kaya  bumaliktad ang naturang  bus.

Posibleng maharap sa kaso ang driver ng bus bunga ng naturang  insidente.

Mancao pugante na – De Lima

$
0
0

IPINAG-UTOS ni Justice Secretary Leila De Lima sa NBI na palakasin ang manhunt kay dating police Superintendent Cezar Mancao na ngayon ay itinuturing nang pugante matapos manindigan  na hindi siya susuko.

Una nang kinumbinsi ng kalihim si Mancao na sumuko sa kanya kanina.

Sinabihan pa ni De Lima ang dating police officer na bibigyan ng proteksyon hinggil sa banta sa kanyang buhay.

Kinumbinsi rin ni De Lima si Mancao na maghain ng motion for reconsideration sa Manila RTC kaugnay sa kautusan na siya ay ilipat sa Manila City Jail.

Si Mancao ay isa sa mga respondent sa Dacer-Corbito double murder case.

P45-M lotto jackpot iniuwi ng ex-NAWASA employee

$
0
0

MAHIGIT P45 milyon jackpot ang naiuwi ng 56-anyos na dating kawani ng binuwag na National Water Sewerage Authority (NAWASA) makaraang solong mapanalunan  ang 6/45 Mega Lotto na binola noong Abril 29 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Kinuha ng mapalad na nagwagi ang tamang kombinasyon na 34-37-17-09-14-21 mula sa araw ng kapanganakan ng kanyang apo na may katapat na kabuuang premyong P45,049,768.20

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, isa ang nagwagi sa libo-libong kawani ng NAWASA na puwersahang pinagbitiw sa trabaho matapos maisapribado ang naturang kompanya.

Nang maubos ang natanggap niyang salapi, nabigo nang mabayaran ng nagwagi ang inutang na bahay at lupa sa GSIS hanggang sabihan siya ng isang eviction lawyer na hindi na niya mababayaran ang P.3 milyon maliban na lamang kung tatama siya sa lotto.

Nagsilbing hamon ang pahayag ng abogado kaya pinaglaanan na ng nagwagi ang pagtaya sa lotto hanggang masapol niya ang tamang kombinasyon.

Habambuhay na pagkabilanggo sa drug pusher

$
0
0

PINATAWAN  ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City court  ang isang lalaki na napatunayang guilty sa kasong drug pushing may limang taon na ang nakararaan.

Sa pitong pahinang desisyon, bukod sa life imprisonment, inatasan din ni Quezon City Regional Trial Court Branch 82 Judge Severino de Castro Jr. ang akusadong si Mohamadali Mawarao, alyas Danny na magbayad  ng multang P500,000 dahil sa ginawang paglabag sa Section 5 ng Article 2 ng Republic Act number 9165  (Drugs Pushing).

Hindi naman pinaniwalaan ng korte ang alibi ng akusado na siya ay nasa loob ng kanyang bahay noong December 30, 2008  nang maganap ang bentahan ng shabu sa may Payatas QC.

Si Mawarao ay nahuli sa isang buy bust operation  noong December  30, 2008  sa San Miguel St., Barangay Payatas, QC habang nagbebenta ng P200 halaga ng shabu sa poseur buyer na isang pulis QC.


Lolo inararo ng saksak sa Taguig tigok

$
0
0

AGAD nalagutan ng hininga ang isang senior citizen na mangingisda matapos saksakin ng kanyang nakaalitan sa

Lt. RR Cruz Street, Barangay Bambang, Taguig.

Wala nang buhay nang madatnan ng mga rumespondeng pulis ang biktima na si Guilermo Cahilig, 60, mangingisda, habang ang kasama nito na nakilalang si Mark Glenn Magalit, 24, ay mabilis na isinugod sa Makati Hospital bunsod ng saksak din sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Isinuko naman ng mga umarestong pulis ang isa sa dalawang suspect na si Jorge Onofre, 24, ng 62 Lt. RR Cruz Street, Barangay Bambang, Taguig City, habang tinutugis na si Rodillo Domingo.

Sa pagsisiyasat, alas 11:30 ng gabi ng magkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkabilang panig ng magkrus ang landas ng mga ito hanggang sa bumunot ng patalim si Onofre at walang babalang hinalihaw ng saksak ang dalawang biktima.

Nahaharap sa kasong homicide at frustrated homicide ang salarin.

Mayor, ama sugatan sa pamamaril sa N. Samar

$
0
0

NAGTAMO ng mga sugat ang suspendidong alkalde ng Victoria, Northern Samar at anak nito makaraang pagbabarilin sa kanilang mismong bahay sa Brgy. Poblacion I, Victoria, Northern Samar kagabi.

Bandang alas-8:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril kung saan sinadyang inabangan ng dalawang suspek  sa kanilang bahay ang mag-ama na sina Mayor Jose Ardales at anak nitong si George, kapwa ginagamot na sa Catarman Doctors Hospital.

Armado ng M16 armalite rifle ang mga suspek na kapwa hawak na ngayon ng awtoridad at sumasailalim sa imbestigasyon.

Van umatras, tumagilid sa Makati 5 sugatan

$
0
0

SUGATAN ang lima katao nang umatras at tumagilid ang isang closed van matapos sumpungin ng epilepsy ang driver nito kaninang madaling-araw  sa C-5 Road sa Makati City.

Nadaganan pa ng tumagilid na van (XDJ-268) na minamaneho ni Erwin Rioveros ang isang taksing may plakang UVG-983 na naging sanhi upang masugatan ang driver nitong si Jodie Sadar na isinugod kaagad sa pagamutan.

Bukod kay Sadar, isinugod din sa Ospital ng Makati si Rioveros at ang tatlo pang sakay ng van na kinilalang sina Belinda Lindayag, Sherwin Dayap at Inday Mapua na pawang nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Marte Cesar Bueno ng Makati Police Traffic Enforcement Unit na patungo ang van sa Bauan, Batangas mula sa Santolan Pasig upang magsilbi ng pagkain sa isang kasiyahan nang bigla na lamang mangisay ang driver na sinumpong ng sakit na epilepsy dakong alas-4 ng madaling araw.

Nagawa namang maihinto ni Rioveros ang van sa gitna ng lansangan subalit hindi niya nahila ang hand brake kaya’t umatras ito hanggang tumagilid at dumagan sa taksing minamaneho ni Sadar.

Nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng C-5 Road na umabot hanggang Julio Vargas Avenue sa Pasig City ang insidente bago tuluyang maialis ang mga sasakyan pasado alas-6 ng umaga ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

2 NBI security personnel kinasuhan na

$
0
0

SINAMPAHAN na ng kaso ang dalawang NBI security personnel sa Manila Prosecutors Office, na na siyang mga bantay nang makatakas si dating Police Col. Cezar Mancao sa NBI headquarters.

Base sa pahayag ni NBI Director Nonatus Rojas, na-inquest na ang dalawa sa piskalya sa kasong “infidelity in the custody of prisoners.”

Kinasuhan na sina Pablo Remalante at Ibrahim Musa, kapwa nakadetine na sa NBI detention facility.

Bukod sa kasong kriminal, sinampahan din ng kasong administratibo ang anim na iba pang security personnel kabilang na ang hepe ng Security and Management Division na si Rodrigo Mapoy.

Group slams Aquino, AFP on fabricated charges, arrests in Negros

$
0
0

HUMAN rights group KARAPATAN-Negros condemned the spate of state-sponsored indiscriminate arrests in Negros the latest of which is the arrest of NFSW organizer and former ANAK-Negros chairperson Greg Tuayon on April 15, 2013 by combined PNP SAF and 47th IB elements in his household in Manapla, Negros Occidental.

Jose Luis Blanco, KARAPATAN Negros,Tuayon was just one of the many activists and developmental workers in Negros implicated in various trumped-charges by the State and its military forces.  Activists Zara Alvarez, Anecita Rojo, Elizar Nabas, Roberto Espinosa were earlier arrested by the AFP. Currently there are 24 political prisoners incarcerated in various detention centers in Negros.

The Aquino government is relentless in its legal assaults against individuals affiliated with organizations critical of its policies such as BAYAN, NFSW, and KMP. Negros has now become the AFP’S testing ground in its legal assaults against organizations and specific personalities. KARAPATAN attributes this to the counterinsurgency plan Oplan Bayanihan and Negros being tagged a priority for its implementation, Blanco said.

He said scores of active organizers and developmental workers were named in fabricated charges based likewise on obviously manufactured evidence and testimonies. Incidents attributed to the NPA were alleged on them. They did not even know that cases were being leveled against them as in the case of Greg Tuayon where due process is deliberately denied by the AFP in cahoots with certain judicial agencies.

The impunity in which this legal assault is executed hounds every individual working among the oppressed and the marginalized. It seriously hampers the work of developmental workers and their organizations. This also endangers the liberty and lives of activists and their families.

The group called on the Aquino government to cease the implementation of the vicious Oplan Bayanihan as this only promotes and encourages violations of human rights. Cases lodged against activists should be immediately withdrawn by the AFP. Instead of charging innocents the AFP should have surrendered its roster of human rights violators and killers, he said.

P.5-M natupok ng apoy sa Tondo

$
0
0

TINATAYANG nasa kalahating milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy nang masunog ang halos 30 apartment units sa Rodriquez St., Balut,Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Sa report ni SFO3 John Joseph Halique, umabot sa ika-apat na alarma ang sunog at idineklarang fir under control ganap na alas 1:30 ng madaling araw.

Aabot naman sa 40 pamilya ang nasunogan na nagsimula sa ikalawang palapag ng bahay  ng isang nagngangalang “Gigi”.

SSanhi umano ng sunog ang nag-short circuit na refrigerator.

Ang sunog ay mabilis na kumalat bagaman tinangka pang patayin ito sa pamamagitan ng fire extinguisher

Wala ring halos nailigtasna ari-arian ang mga nakatira sa mga unit at wala rin naiulat na nasaktan sa pangyayari.

Jail officer tinambangan, patay

$
0
0

BUMULAGTA ang isang jail officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)  matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Tayuman, Maynila ngayong umaga.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang biktima na si Jail Officer 4 Benjamin Signat, 44 anyos.

Nabatid na sakay ang biktima ng kanyang scooter motorcycle  at papasok na ito sa kanyang trabaho bilang jail officer sa Manila City jail nang pagbabarilin ng mga di nakilalang suspek sa may Felix Huertas kanto ng Malabon street sa nasabing lugar dakong alas 8:00 ng umaga.
.
Base sa nakuhang mga basyo ng bala sa crime scene, isang kalibre .22 ang ginamit sa pamamaril sa biktima.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya  ang insidente  at inaalam ang motibo sa pamamaslang.


Aussie arestado sa Cebu City

$
0
0

NASAGIP ang tatlong batang babae habang naaresto naman ang isang turistang Australian national dahil sa kasong child trafficking sa isinagawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cebu City.

Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang suspek na si Keith Robert Hutton, 65, isang Australian national at pansamantalang nanunuluyan sa Ace Pension Hotel sa M.L. Quezon National Highway, Pajo, Lapu-Lapu City, Mactan Island, Cebu.

Sa imbestigasyon ng NBI Foreign Liaison Division (FLD) Central Visayas Regional Office (CEVRO) at  Cybercrime Division (CCD), humingi ng tulong ang Australian Federal Police sa pamamagitan ng kanilang Australian Embassy na magsagawa ng surveillance laban kay Hutton na sangkot umano sa pangmomolestiya ng mga bata at nakarating na ito  ng Pilipinas.

Sa isinagawang surveillance, natunton si Hutton sa nasabing pension house at napuna na madalas umanong may mga batang babae ang umaakyat sa kuwarto nito at kung minsan at sinusundo nito ang mga babae sa lobby saka dinadala sa kanyang kuwarto.

Matapos na makumpira ang aktibidades ni Hutton ay isagawa ang pagsalakay kung saan nakita ang mga menor de edad na babae sa kuwarto nito.
.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang laptop na may larawan ng mga hubad na babae, 2 digital camera na may mga larawan din ng mga babaeng hubad at mga nagtatalik.

Kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law), RA 9208 (Anti-Human Trafficking Law) at  RA 9775 (Anti-Child Pornography Law) ang isinampang kaso laban sa suspek sa City Prosecutor sa  Lapu-Lapu City at walang inirekomendang bail.

Akusasyon ni AKB Rep. Alfredo Garbin vs NPA, pinabulaanan

$
0
0

PINABULAANAN ng Santos Binamera Command-New People’s Army ang akusasyon ni Ako-Bikol Representative Alfredo Garbin na diumano ay hinaras siya ng mga kasapi ng rebeldeng grupo

Sa isang interview sa lokal na midya, tahasang inakusahan ni Rep. Garbin na NPAang may gawa sa kanya ng diumano’y harassment. Batay sa kanyang pahayag, may 2 di-kilalang lalaking nakasakay sa motorsiklo na pumarada sa harap ng kanyang bahay sa Legazpi City nitong Mayo 2, 2013 na kaduda-duda ang itsura at wala pang plaka ang motor na sasakyan. Binanggit din ni Rep. Garbin na hindi niya hinarap ang mga lalaki at pinagdudahan niyang armado ang mga ito. Diumano’y sinundan pa siya ng mga lalaki pagpunta niya sa isang mall.

Ayon kay Florante Orobia,tagapagsalita ng komand, “walang yunit ang NPA na nasa erya ng Legazpi City noong Mayo 2, 2013 at higit sa lahat, labag sa disiplinadong panuntunan at hindi gawain ng NPA ang panghaharas ng sinumang indibidwal o entidad na sibilyan.

Sinabi ni  Orobia na walang kinalaman ang NPA sa diumano’y harassment kay Rep. Garbin. Malaking katanungan lamang sa bahagi ng grupo ay kung bakit agad-agad at halos tiyak-na-tiyak na itinuturo ni Rep. Garbin ang BHB bilang may gawa ng harassment laban sa kanya gayong sa mismong pagdedetalye niya sa nangyari ay malabong matukoy niya ang identidad na nang-haras sa kanya, kung ang mga ito nga ay armado at lalong-lalo nang malayong magkaroon siya ng kongklusyon na BHB ang sangkot.

“Inililinaw ng SBC laluna kay Rep. Garbin, na hindi ang mamamayang sibilyan at tanging mga military targets lamang ang pinopukusan ng anumang tipo ng gawaing militar ng NPA,” ayon sa pahayag ng grupo.

Ayon sa grupo ang sinumang mamamayan ay malayang makipagtalastasan sa anumang yunit ng BHB upang magtanong, magklaro at makipagpaliwanagan at walang dahilang matakot sa BHB at sa rebolusyonaryong hustisya kung wala silang krimen laban sa Rebolusyonaryong Kilusan at laban sa mamamayan.

Sinabi ni Orobia na posibleng gimik lamang ito sa pangangampanya ng AKB dahil sa napakababang ratings nito sa surveys.

Aniya, lantad na ang AKB bilang isang party list ng mayayamang kontraktor at ng mga milyunaryo.Nalalantad ang AKB  bilang kasabwat ng AFP sa kampanya nito sa pagpapakalat ng paninira sa  NPA.

Mancao: “Walang akong kasabwat”

$
0
0

NANINDIGAN si Colonel Cesar Mancao na walang siyang kasabwat sa kanyang pagtakas noong Huwebes ng madaling araw sa National Bureau of Investigation (NBI).

Umapela rin si Mancao na huwag ng idamay ang mga gwardiyang nakaduty nang ito ay tumakas dahil wala silang kinalaman dito.

Inamin ni Mancao na pinalitan niya ang kandado at susi na hawak ng mga guradiya kaya ito nakatakas.

Ayon kay Atty. Reynaldo Esmeralda, NBI Deputy Director for Intelligence Services, posible hindi nagsisinungaling si Mancao sa pagsasabing walang siyang kasabwat at pinalitan nito ang mga kandato at susing hawak ng mga gwardya.

“That’s possible also dahil consistent naman sa nangyari at makikita naman natin very clear sa CCTV footage natin,”  ayon kay Esmeralda.

Gayunman,  idadaan pa rin ni Esmeralda sa pagsusuri ang mga kandado.

Pagtugis kay Mancao, tuloy – NBI

$
0
0

PATULOY pa rin ang isinasagawang manhunt operation ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dating police Supt. Cesar  Mancao.

Ayon kay Atty. Reynaldo Esmeralda, NBI Deputy Director for Intelligence Services,  hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Mancao kaya patuloy itong tinutugis katuwang ang tracker team ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Bagamat kaliwa’t kanan ang mga interviews ni Mancao sa media ay hirap pa rin ang NBI na matunton ang saktong lokasyon ng dating pulis.

Hinala naman ni Esmeralda na nasa isang resort si Mancao.

Si Mancao ay binigyan ng pagkakataong sumuko subalit tinanggihan niya ito. Kaugnay nito, nagbabala na si Justice Secretary Leila de Lima na aalisin na ito sa witness protection program (WPP) kapag hindi pa rin sumuko sa mga susunod na mga araw.

Aminado naman si Esmeralda na malaking dagok ang pagtakas ni Mancao sa kanilang kostudya kaya sinisikap nilang matunto  at maibalik ito sa NBI.

Military vs NPA, 5 sundalo patay, 2 sugatan

$
0
0

NALAGAS ang limang sundalo habang dalawa naman ang sugatan nang magsagupaan ang rebeldeng New People’s Army (NPA) at tropa ng 47th Infantry Battalion sa lungsod ng Sipalay, Negros Occidental kaninang umaga (Mayo 4), kumpirma ni Lt. Col. Rey Batares, ang deputy commander ng 303rd Infantry Brigade.

Naganap ang labanan ng 8:00 kaninang umaga sa gitna ng inilunsad na pursuit operation ng mga sundalo kasunod ng pagsunog sa tinatayang 30 armadong kalalakihan sa bunkhouse ng Philex Mining Corporation sa Barangay Kamindangan kagabi.

Ang mga armado ay pinaniniwalaang mga kasapi ng Southwest Front ng NPA.

Hindi pa pinangalanan ng militar ang mga sundalong namatay alinsunod na rin sa akituntunin na ipapalaam muna ang insidente sa kani-kanilang mahal sa buhay.

Samantalang ang mga sugatan naman ay nasa isang ospital sa lungsod ng Kabankalan.

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live